SF 26

164 22 13
                                    

Kitty's POV

"We're not done yet, Katniss. Comeback here." Hinila niya ako pabalik sa table namin at nilagyan ng review test questionnaire at ballpen ang harapan ko. Padabog akong umupo ulit at sinamaan siya ng tingin.

Nandito kami sa canteen ngayon para mag-review, halos lahat ng kaklase namin ay nandito rin para mag-aral. Kailan pa naging library ang canteen?

Habang sinasagutan ko ang test questionnaire ay nakasimangot pa rin ako. Pero nang makita kong pababa ng hagdan si Drey at Warner ay agad ko silang tinawag. "Drey! Warner!" Lumapit naman sila sa table namin at umupo sa harapan namin. "Are you here to study?"

"Yope!" sagot ni Drey at binuklat ang kaniyang libro. Gano'n din ang ginawa ni Warner.

"Pssst!" mahinang sitsit ko kay Drey. Napatingin silang tatlo sa 'kin kaya iniwas ko ang aking tingin sa tatlo at nagkunwaring nagbabasa. Ano ba 'yan, napalakas 'ata sitsit ko.

Nang makitang balik na ulit sila sa mga ginagawa nila ay mahina kong sinipa ang paa ni Drey. Tiningnan ko siya nang masama at sumenyas na gumawa ng paraan para makaalis kami. No'ng una ay hindi niya pa ma-gets pero kalaunan ay tumango siya sa 'kin.

"Uhm... may plano pala kami ni Kitty na mags-spar ngayon." Napatingin ang dalawa naming kasama kay Drey.

"Yeah, alis na muna kami," sabi ko sabay tayo. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang tumayo rin ang dalawa naming kasama. Ano na namang trip ng dalawang 'to? "Saan kayo?"

"Sasama?" patanong na sabi ni Warner kaya inirapan ko siya. Ba't pa sila sasama? Nakakainis naman!

Umalis na kaming apat sa canteen at dumiretso sa gym. Bago kami nagsimula ay pumunta muna kami sa mga locker namin para magbihis. Pagkatapos ay pumunta na kami sa loob.

"Let's switch partners," sabi ni Gavin habang naglalagay ng hand wrap.

Sabi ko na! Gusto lang talaga akong machansingan nitong si Gavin kaya gusto niyang magpalit kami ng partners. In love na in love 'yan? "Drey and I will be partners." Agad bumagsak ang balikat ko sa aking narinig. Akala ko pa naman, ako ang gusto niyang makapareha.

Baka si Drey talaga ang gusto niya at hindi ako? Baka sa huli, sila rin ang magkatuluyan. Mahina akong napatawa sa aking naisip. Tang*na, kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Warner at nagsuot ng gloves. Tinuro ko sa kaniya ang ring kaya tumango siya sa 'kin. Pumasok kami sa loob nito at bago kami magsimulang maglaban ay pinagtagpo muna namin ang aming mga gloves.

Una siyang nagpakawala ng suntok, marami ito at mabilis kaya wala muna akong ibang ginawa kun'di ang umiwas. Nang makatiyempo ako ay nagpakawala rin ako ng straight punch na agad niya namang naiwasan. Sunod ay sinipa ko ang tuhod niya para mawalan siya ng balanse. Nagtagumpay naman akong masipa siya ngunit hindi man lang ito natinag at muling umatake sa 'kin.

Tumama ang isang suntok niya sa panga ko na ikinairita ko. Hindi ko siya tinigilan sa pagsuntok at paulit-ulit na nagpakawala ng straight punches, hooks, uppercuts, at backfists. Minsan ay tumatama ito sa kaniya at minsan naman ay naiiwasan kaagad niya.

Bumawi naman siya sa 'kin ng sipa. Paminsan-minsan ay sinisipa niya ako sa tuhod o 'di kaya ay sa tiyan. Mayroong mga tumatama sa akin ngunit tama lang ito para makaatras ako palayo sa kaniya. Nang medyo napalayo ang atras ko sa kaniya ay agad akong nagpakawala ng front kick. Agad naman siyang natumba kaya lumapit ako sa kaniya at inabot ang aking kamay. "Another round," sabi ko.

Gaya kanina ay pinagtagpo muli namin ang aming mga gloves bago nagsimula. Halos matanggal ang panga ko nang sinuntok niya ako nang pagkalakas-lakas. Sa inis ko ay nag-feign attack ako, nagkunwari akong aatake ngunit ang ginawa ko ay inipit sa braso ko ang kamay niyang susuntok sana sa 'kin.

Kasabay ng pag-ipit ko sa kanang kamay niya ay ang paghawak ko sa kaniyang batok at pagtuhod sa kaniyang pagkalalaki. Agad siyang napasigaw at napaluhod. "What the fvck, Kitty?!" inis na sigaw nito.

Napalapit sina Gavin at Drey sa amin. "What happened?" tanong ni Drey.

"She kneed my d*ck!" Muntik pa akong matawa sa pagmumukha ni Warner ngunit pinigilan ko lamang ito dahil masama ang tingin na ipinupukol sa akin ni Gavin.

"Why did you do that?" seryoso nitong tanong sa 'kin. Ano bang mali sa ginawa ko? Spar is spar!

"Because we're fighting?" patanong na sabi ko na ikinailing niya.

"Let's have a spar," maikling sabi nito at tumayo nang maayos. Ngumisi ako sa kaniya at pumusisyon din.

Una akong nagpakawala ng straight punch ngunit mabilis niya itong naiwasan. Sinubukan niya ring magpakawala ng suntok ngunit naiwasan ko agad ito.

"Kitty! Kitty! Kitty!"

"Gavin! Gavin! Gavin!"

Agad kaming napatigil ni Gavin nang marinig ang sigawan ng mga kaklase namin, hindi ko agad sila napansin kanina. Pati si Supervisor Driscoll ay nandito rin para manood?

Nang hindi pa nakatingin si Gavin sa 'kin ay agad akong nag-semicircle kick. Tumama ito sa tiyan niya kaya napahawak siya rito. Masama niya akong tiningnan at umatake rin. Ilang beses niya na ring natamaan ang panga ko. Masaya bang suntukin ang panga ko, ha? Kanina pa sila ni Warner!

"Why do you keep on punching my jaw?" sigaw ko.

"Because we're fighting?" panggagaya niya sa sinabi ko kanina at ngumisi. Nakakainis! Wala kang lambing mamaya sa 'kin.

Nang makatiyempo ako ay pumunta ako sa likod niya at pinulupot ang kanang kamay ko sa leeg niya habang ang kaliwang kamay ko naman ay nilagay ko sa batok niya. Tumalon ako at sinabay siya sa pagdapa ko, ngayon ay nakahiga na siya at hawak-hawak ko pa rin ang leeg niya. "'Pag natalo ako rito, asahan mong wala kang maririnig sa 'king Oo," bulong ko sa kaniya.

Nang makawala siya ay namumutla siyang tumingin sa 'kin. Ano ka ngayon, Cornelius? Muli ay sumugod ako sa kaniya ngunit wala siyang atakeng ginawa at puro sangga lang. Nang mag-side kick ako ay nagkunwari siyang natumba at sumuko. Narinig ko pang umangal ang iba naming kaklase ngunit wala na silang magagawa dahil masunurin si Gavin.

What a good boy.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon