SF 30

173 15 5
                                    

Kitty's POV

"In the battlefield, no one can save you but your own selves and your weapons that can save a lot of lives in West Land. You're the 25th batch of West Land Military Academy. Do you want to save lives?"

"Yes, Sir!"

"Louder!"

"Yes, Sir!"

"Today is your first and last real mission in the academy. This mission will be the basis on whether you'll graduate or not. After 2 years of studying here in the Academy, a lot of students left but the strong ones remained. The real soldiers remained! A while ago, the officials asked all of you to be part of an operation. This is the details." Ibinigay ni Commandant sa amin ang mga folders na agad naman naming binasa.

Isa itong hostage taking at mayroong hawak na bomba ang mga hostage takers. Hindi magiging madali ang misyon na ito dahil ito ang unang beses na sasabak kami sa totoong operasyon. Ito ang unang misyon namin na kailangan naming mapagtagumpayan.

Matapos ang mga sinabi ni Commandant Vessero ay agad kaming naghanda. Mabilis ang aming mga galaw dahil kaunti lang ang oras na ibinigay sa amin. Limang minuto ay tapos na agad kaming lahat sa paghahanda.

Suot ang kompletong uniporme at nasa aming mga katawan na rin ang aming mga armas, agad kaming sumakay sa sasakyan. Sa loob ng ilang minutong byahe ay walang kumikibo sa amin, siguro ay kinakabahan kaming lahat dahil ito ang una naming misyon.

Nang marating namin ang isang bangko ay pinapalibutan na ito ng mga sundalo. Iba-iba ang aming mga uniporme, ang iba ay galing sa special force. Nakasuot sila ng itim na uniporme at helmet. Mayroon din silang vest na suot at may nakalagay na SF habang ang kanilang katawan ay puno ng kutsilyo, baril, at iba pang gamit.

Agad kinausap ni Commandant ang mga naroon na opisyales. Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay agad kaming tinawag ni Commandant. "Cornelius, Menken, Godrey, Cunningham, you'll have another work to do. The officials want the four of you to infiltrate the bank," pag-aanunsyo ni Commandant sa amin.

"Roger, Sir!" Agad naman kaming nag-salute dito at gano'n din si Commandant sa amin.

Bago kami pumasok sa loob ng bangko ay lumapit muna kami sa isang opisyal at nag-salute. Sinabi niya sa amin ang dapat naming gawin at tango lang ang aming naging sagot. Matapos ang aming pag-uusap ay nagsalita ang isang sundalo sa mega phone upang kausapin ang mga hostage takers. Marami itong mga sinabi ngunit wala na akong naintindihan dahil sa kabang nararamdaman ko. I don't know if the three felt the same 'cause they're silent the whole time.

Magkahiwalay ang misyong ibinigay sa amin, Warner and I will infiltrate the bank using a tunnel while Gavin and Drey will infiltrate using the roof of the bank. Hindi ko alam kung anong strategy ang mayroon sila ngunit sa tingin ko ay gaya ito sa naging mock-up training namin. They will be the snipers.

Nang maghiwalay na kaming apat ay agad kaming dumiretso ni Warner sa isang tunnel. Tunnel ito na nakakonekta sa loob ng banko, walang nakakaalam sa amin kung alam ba ng mga hostage takers na mayroong tunnel na nakakonekta sa bangko. Maaaring pagpasok namin ay mayroong nag-aabang sa amin, maaari ring matiwasay ang aming pagpasok.

Maingat kaming dalawa ni Warner sa pagpasok, maging sa aming mga yapak ay walang maririnig na tunog. Nang marating namin ang lagusan papalabas ay dahan-dahan lang ang naging paglabas namin dito. Walang nagbabantay, malamang ay hindi nila alam na mayroon ngang tunnel na nakakonekta rito.

Habang hawak ang isang baril ay dahan-dahan kaming naglakad ni Warner patungo sa kinaroroonan ng mga hostage. Ang iba ay mga empleyado ng bangko at ang iba naman ay mga kliyente. Agad kong tinago ang hawak na baril at humalo sa kinaroroonan ng mga hostage.

Hindi agad ako mapapansin ng mga hostage takers dahil hindi naman ako nakauniporme. Ngayon ay mukha akong sibilyan ngunit mayroong nakakabit sa aking camera para makita ng mga nasa labas ang nangyayari sa loob, mayroon din akong suot na mic at earpiece para marinig ko ang mga iuutos sa 'kin at para marinig din nila ang pangyayari dito sa loob.

Mayroong mga natakot nang tumabi ako sa kanila ngunit sumenyas ako sa kanila na 'wag silang matakot. Tumango naman ang iba at ang iba ay hindi na lang umimik pa.

Si Warner naman ay nasa isang sulok at naghihintay sa ibibigay na utos sa amin. Hindi ko alam kung kumusta na sina Gavin ngunit sa tingin ko ay nasa posisyon na rin sila ngayon at naghihintay sa susunod na utos.

"Standby, Soldiers," rinig kong sabi sa earpiece.

"The helicopter you want is already here. Let the hostages go," rinig kong sabi mula sa mega phone. Narinig ko rin ang tunog ng helicopter sa labas.

Ang sosyal naman ng mga kriminal na 'to. Helicopter talaga?

"Get up!" sabi ng isang hostage taker sa amin. Agad rin naman kaming tumayo lahat, nagkunwari akong natatakot ngunit sinadya kong tingnan ang mga mata ng lider ng mga hostage takers. "You! Come here," tawag nito sa 'kin at kinabitan ako ng bomba sa katawan. Muntikan pa nitong makita ang baril na nakaipit sa pantalon ko ngunit laking pasasalamat ko nang hindi niya ito napansin.

"Unang palalabasin ang iba, itong babaeng 'to ang dadalhin natin," sabi nito sa kaniyang mga kasama. "Mauna kayo!" sigaw nito sa mga hostage. May balak pa 'atang gawing shield ang mga hostage, tang*na ng mga kriminal na 'to.

"Ready, soldiers." Nasa harapan lang ako ng lider ng mga hostage takers habang ang iba naman ay nasa harapan namin at nakasunod sa mga hostages na nauuna.

"Fire." Pagkasabi no'n mula sa earpice ko ay isa-isang dumaing ang mga hostage takers.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon