SF 18

207 18 28
                                    

Kitty's POV

"Sobrang lamig," giit ko paglabas namin ng water dungeon.

"Saan na pupunta ang awa mo? Sa water dungeon," sabi ni Drey at sabay kaming tumawa. Sabay rin naming tinahak ang daan papunta sa dorm at pagdating namin sa ikalawang palapag ay nagpaalam siya at kinindatan pa ako bago umakyat sa ikatlong palapag.

Napangiti na lang ako sa ka kulitan ni Drey. Ngunit na palis ang ngiti ko nang makita kong nakatayo si Gavin sa hagdan paakyat ng ikalawang palapag at nakatingin sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lamang ang klase ng pagtingin niya sa 'kin na tila ba'y may malaki akong utang sa kaniya. Sa yaman kong 'to, hindi pa ako nagkakautang.

Hindi ko na lang siya pinansin at diretsong naglakad papunta sa kwarto ko pero bago ko pa man maisara ang pinto ay hinarang ni Gavin ang kaniyang paa. "What do you want?" tanong ko sa kaniya at hinayaan siyang makapasok sa kwarto ko. Kinuha ko naman ang bathrobe ko at binalot ito sa sarili ko.

"Saan kayo galing?"

"What do you mean saan kami galing?" tanong ko at umirap sa kaniya.

"Answer me, Katniss." Agad na napakunot ang noo ko sa akto ni Gavin. Ano na naman bang problema ng lalaking 'to sa 'kin at parang ang init na naman ng ulo nito?

"Sabihin na nating sabay kaming pinarusahan. So, ano ngayon sa 'yo?" masungit na tanong ko.

"Then, why are you smiling-never mind," sabi nito at tinalikuran ako. Padabog pa nitong isinara ang pinto na ikinagulat ko. Anong problema no'n? Ano na namang pinuputok ng butsi mo, Cornelius?

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako para bumaba sa canteen. Pagbaba ko ay agad akong kinawayan ni Danica at Drey kaya lumapit ako sa kinaroroonan nila. "Where's mine?" bungad ko sa dalawa. Nilagay naman ni Drey ang isa pang tray na nasa tabi niya sa harap ko. "Salamat," sabi ko at kumain na.

Sa halos isa't kalahating taon na pananatili ko rito sa Academy, nasasanay na ako sa pagkain nila. Parang diet ko lang din noon. "Ano na namang kababalaghan ang ginawa niyo sa loob ng water dungeon ngayon?" nakakalokong tanong ni Danica sa 'min.

"Wala naman," maikling sagot ko bago sumubo.

"Yung totoo?"

"Tinuruan niya ako ng Krav Maga," sagot ni Drey at ngumiti. Ang cute talaga ng Cunningham na 'to 'pag ngumingiti, nawawala ang mata.

"Na naman?" nakasimangot na tanong ni Danica.

"Ano pa ba? Mahaba-haba rin kaya ang aabutin ko bago umabot sa level ni Master," sabi ni Drey habang nakatingin sa 'kin. Tang*na! Tigil-tigilan mo talaga ako, Cunningham. Baka mahalikan kita nang wala sa oras.

"Master daw, oh!"

"Napakamalisyosa mo talaga, Danica," sabi ko na ikinatawa ng dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay agad rin naman kaming umakyat sa mga kwarto namin.

"Good night."

"Good night," sagot ko kay Drey at ngumiti. Ngumiti rin siya pabalik at umakyat na sa ikatlong palapag.

"Good night~" pagsulpot ni Danica sa likod ko sabay sundot sa 'kin.

"Tumigil ka, Danica," sabi ko at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Halos hindi pa ako makatulog sa kakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero parang naramdaman ko na rin 'to noon kay Gavin. Wait-ba't naman sumagi sa isipan ko ang lalaking 'yon?

-

Gaya ng lagi naming ginagawa ay maaga akong gumising para sa aming morning exercise. Habang tumatakbo ako ay napansin kong may tumatakbo rin sa likod ko, hindi ko na kailangang lingunin dahil kilala ko na kung sino ito. Siya lang naman ang lagi kong nakakasabay sa tuwing morning exercise.

Pagkatapos kong tumakbo ay nag-push-up na ako, sunod naman ang air squat, hanggang sa natapos ko na lahat ng warm up ko sa umaga. "Hey, can you hold my feet for me?" Napalingon ako kay Gavin at tiningnan siya.

"I know you can do it alone," saad ko bago siya tinalikuran.

"Due to the rain last night, we can't go to the rock formation today for your training. Instead, you will be doing wall climbing." Pagkatapos sabihin ang lahat ng mga instructions ay isa-isa na kaming umakyat sa obstacle. 'Pag umabot ka na sa ibabaw nito ay kailangan mong mag-rappelling pababa.

Isa lang ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko, hindi ko kayang mag wall climbing o rock climbing. I have a phobia! Takot ako sa matataas na lugar.

When it's my turn to climb the wall, I almost fell when I was in the middle. I am so scared to take another step until everyone cheers for me. Their cheer kinda helps me but then, I am still scared. I don't want to take another step anymore, so I decided to let go and let myself fall into the ground.

I know someone will catch me if I fall, Drey will catch me. Nang nahulog na ako, dahan-dahang nawala ang paningin at pandinig ko ngunit ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay ay si Gavin. No, that's not him. Maybe I mistook Drey as Gavin. Yes, that was Drey who caught me in his arms.

Napahawak ako sa ulo ko nang magising ako, napatingin naman ako sa kinaroroonan ko. "You're at the clinic," sabi ni Danica. "Ayos ka lang ba? Ba't hindi mo sinabi na may Acrophobia ka pala?"

"Ayos lang ako. Pasensya na sa abala, pinagbantay ka pa tuloy," sabi ko at bahagyang ngumiti.

"As if naman pababayaan kitang nakahiga rito nang mag-isa?" Gaya ng lagi niyang ginagawa tuwing may sakit ako ay pinagbabalat niya ako ng mansanas.

"Where's Drey?" tanong ko.

"Bumalik na sa dorm since isa lang naman ang dapat na mag bantay sa 'yo. Pero pumunta siya rito kanina habang tulog ka." I know he will visit me. "Pero alam mo ba? Deserve na talaga ni Gavin ang pagiging fastest student rito sa academy." Napakunot naman ang noo ko at tiningnan siya.

"Ba't naman?"

"He's the one who caught your fat ass." Sinamaan ko ng tingin si Danica at sinubo ang mansanas na binalatan niya.

"How is that possible? I saw Drey, he's the one who caught me." Hindi man sigurado ay pinipilit ko pa ring isipin na si Drey nga ang sumalo sa 'kin. I know he's going to catch me if I fall.

"Ano tingin mo sa mata naming lahat, sira?" sabi ni Danica at inirapan ako. Why would Gavin do that? Of course, he's the fastest so he will definitely catch me. Ayoko nang umasa pa ulit.

WLMA: SPECIAL FORCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon