Chapter 2

4.6K 123 5
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Sydney..." bigkas niya sa pangalan ko na hindi ko alam kung paano niya nalaman lalo na't isa lamang siyang estranghero. 

Ako na ang pumutol sa malalim na pagtitig namin sa mata ng isa't isa, para akong nalulunod, para akong hinihigit, kaya nag-iwas na ako agad ng tingin. 

"Ah, ano, bayaran mo na lang 'to Sir, tanim kasi namin 'to." sabi ko at naglikot ang mga mata, tapos ay pinulot ang mga gulay na pwede pang gamitin.

"Sydney! Tulungan na kita diyan." napalingon naman ako sa paparating na si Lir. Ngumiti na lang ako at tumango. Nakita ko naman ang lalaki na tulalang kumuha ng pera sa kanyang pitaka. Inabot niya ito, kaya siniko ko si Lir para sabihin na siya na ang kumuha, mabuti naman at naintindihan niya ang nais kong ipahatid, kaya siya na mismong kumuha nung pera na tiyak ko ay mga libo.

"S-Salamat." utal na sagot ko bago nagmamadaling pumasok uli sa loob ng palengke kung nasaan si Lola Luna, alam ko rin na nakasunod si Lir sa akin kaya nawala kahit papaano ang kaba na nararamdaman ko.

"Himala, hindi mo sinapak yung lalaki? Gwapo ba?" biro sa akin ni Lir.

"Hindi no! Mukhang mayaman, baka pag sinaktan ko, idemanda pa ko. Trouble yun" sagot ko. 

"Lola Luna!" masayang sigaw ko nang makita ko na ang puwesto ni Lola Luna, kitang kita ang pag-aalala sa kanyang mukha kaya ngumiti ako ng malawak sa kanya.

"Ayos na Lola, wag ka na mag-alala pa!" sabi ko at hinawakan ang malambot niyang kamay.

"Ganoon ba? Ano ba raw nangyari?" tanong ni Lola Luna.

"Nabangga raw ng lalaki yung kariton natin nung magparada sa harap ng palengke pero ayos na Lola kasi nagbayad naman siya atsaka kinuha ko rin yung mga ilang gulay na pwede pa, pwede nating ulamin iyon." sabi ko kay Lola at ngumiti. 

"Lir! Hijo, Magandang Araw!" bati ni Lola Luna kay Lir nang mapansin niya ito.

"Magandang Araw din sa inyo Lola Luna!" bati pabalik ni Lir at nagmano kay Lola.

"O siya, tara na at umuwi, wala na rin pala tayong paninda." sabi ni Lola Luna. 

"Tulungan ko na po kayong magbuhat." magalang na saad ni Lir at kinuha na rin ang bayong na hawak-hawak ni Lola Luna. Natuwa naman si Lola at hinaplos ang mahabang buhok ni Lir.

Buhat ko ang dalawang eco bag na may kalakihan habang si Lir naman ay dala ang dalawang bayong. Habang naglalakad kami papaalis ng palengke ay ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng sinag ng matirik na araw sa aking balat. Mainit ang panahon ngayon. 

Tinanggal ko ang suot kong sumbrero at inilagay sa ulo ni Lola Luna. 

"Maiinit 'La." nakangiting saad ko sa kanya.

"Kay ganda ng sinag ng araw sa mukha mo." nakangiting saad ni Lola Luna. Namula naman ang mukha ko at ngumiti sa kanya.

Hindi ko alam pero sobra sobra ang tuwa na nararamdaman ko sa paggawa ng mga bagay na ito, hindi siguro ako magsasawang gawin ito kahit sa buong buhay ko pa, Ramdam na ramdam ko init at kasiyahan sa bawat araw na lumilipas sa ganitong gawain. Simpleng simple ang buhay, walang palakasan, walang paangatan, walang manghuhusga, at walang makakasira ng saya. 

Nawala ang atensyon ko sa daan ng maramdaman ko ang pagsuklob ng sumbrero sa ulo ko kaya napatingin ako sa katabi kong si Lir.

"Mainit." sagot nito kahit hindi pa ako nagsasalita tapos ay umiwas na ng tingin sa akin.

"Natutuwa akong pagmasdan kayong dalawa." biglang saad ni Lola Luna kaya namula ang mukha ko sa nararamdamang hiya.

"Sun rays looks good on your face."

Napailing ako nang biglang may pumasok sa isipan kong isang senaryong may lalaking inilihis ang ilang buhok sa aking mukha at sinabi ang mga katagang iyon. Ngunit malabo ang kanyang mukha.

"Hija, ayos ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni Lola Luna.

"A-Ayos lang ako 'La. May naisip lang ako." sagot ko naman.

"Ganoon ba, kay lalim naman ng naiisip mo, nandito na tayo." sabi ni Lola Luna. Napalingon tuloy ako sa paligid, tama nga si Lola, sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa bahay.

"Kung may problema ka, magsabi ka sa akin" sabi ni Lir at inilapag na ang mga bayong sa tapat ng aming bahay at umalis na. Kumaway naman ako sa kanya kahit nakatalikod na siya sa akin.

"Kay bait talaga ng binatang iyon, Ed. Tinulungan kaming buhatin ang mga ito papauwi." nakangiting saad ni Lola Luna kay Lolo Ed na parang isang dalaga na kinikilig.

"Bagay sila ng apo nating ito, hindi ba?" dagdag pa ni Lola Luna. 

Natatawang tumango naman si Lolo Ed at ipinasok na sa loob ng bahay ang mga bayong at bag.

Hindi ko talaga alam kung bakit kami ipinagpaparehas ni Lir, samantalang magkaibigan lang naman kami. 

Tunay naman na mabait si Lir, magalang pa at matalino ngunit ubod naman ng tahimik, atsaka mayroon siyang malalamig na tingin. 

Marami rin ang nagkakagusto kay Lir dito sa bayan, maging ang anak ng alkalde na si Josephina ay napupusuan si Lir, naalala ko pa ang isang bagay na ginawa sa akin ng babaeng iyon, inakala niyang nobya ako ni Lir kaya tinapunan niya ako ng buko juice noon. Pero noong nagalit sa kanya si Lir at sinabi na magkaibigan lang kami ay naging mabait rin naman sa akin si Josephina, sa katunayan nga ay siya ang naglaan ng puwesto sa amin ni Lola sa palengke, at wala kaming binabayarang renta. Sa bungad kasi kami ng palengke nagtitinda, at kadalasang may kariton kami palagi sa harapan ng tindahan upang maipakita sa mga mamimili ang mga sariwa naming paninda.

"Pumasok na kayo, nagluto ako ng paboritong chopsuey ni Sydney." wika ni Lolo Ed kaya halos maglaway ako sa pagkatakam. Ito na naman ang aking pakiramdam sa tuwing mayroong lutong chopsuey sa bahay na ito. 

"Eat this babe, it's tasty, I promise!"

Napailing ako sa ikalawang beses, dahil mayroong senaryo na naman na pumasok sa isip ko. Alam kong ako iyong babae na iyon, dahil iyon ang aking boses. Hawak hawak ko ang isang kulay ginto na kutsara na may lamang chopsuey at pilit na isinusubo saisang lalaking hindi ko makita ang itsura dahil sa sobrang labo.

"Hija, napansin ko na kanina ka pa nailing riyan. Sigurado ka bang ayos lang ang pakiramdam mo?" tanong ni Lola Luna. 

Napatigil tuloy sa paghahain ng pagkain si Lolo Ed at nag-aalalang lumapit sa akin.

"Lolo, Lola, kanina kasi ay may pumasok sa isip ko na sa tingin ko ay parte ng alaala ko, pero hindi ko makita ng malinaw ang mukha ng lalaking nakakausap ko roon, tanging ang labi lang niya ang nakikita ko, ubod ito ng pula na para bang isang mansanas na hinog na hinog, manipis rin ito at napakaganda. Dalawang beses ko nang nakita ang mga labi na iyon sa mga naalala ko ngayong araw. Pati na rin yung boses niya, parang pamilyar na pamilyar sa akin, puno ng saya at paghanga yung boses niya, Lolo, Lola." sabi ko sa kanila at hindi ko na namalayan ang aking pag ngiti.

"Siguradong parte siya ng buhay mo noon, at base sa iyong pag ngiti na parang isang dalagitang umiibig, sa tingin ko pa ay isa siyang mahalagang tao sa iyong buhay." sabi ni Lola Luna at hinawakan ang kamay ko.

"Sana'y unti-unti mo nang makita ang kanyang mukha, nang sa gayon ay matulungan ka niya na alamin ang iyong nakaraan, hija." sabi ni Lolo Ed.

Sino ka nga ba? At bakit ganito ang epekto mo sa akin kahit hindi pa kita nakikita at naaalala?

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 


Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon