Chapter 11

3.7K 78 1
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Sa sobrang galing mo nga, pati ako natamaan sayo." sabi niya at nanlaki ang mata ko.

"G-Gaga! Pinagsasasabi mo." sabi ko sa kanya at hinampas siya sa braso.

"A-Ano, ibig sabihin ko, Hindi ba noong naglalaro ka, nagulat ka nung nakita mo ko kaya pati ako pinatamaan mo ng bala." sabi niya.

"Kasalanan mo yun." sagot ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"Ang sakit kaya ng tama mo." sabi niya kaya natawa na lang ako ng kaunti kahit naninibago ako sa mga kinikilos niya lalo na sa pananalita niya.

"Bagay lang yun sayo." sabi ko.

Maya maya ay hinigit na niya ang tali kaya huminto na ang jeep. 

"Dito lang po." sabi niya at hinawakan ang kamay ko pababa sa jeep.

Kahit pababa pa lang kami ng jeep ay kitang-kita na ang mga ilaw sa perya, pati na rin sa tiangge. Nakakatuwa lalo na't ngayon lang ulit ako nakapasyal. Salamat sa wirdong lalaking ito.

"Ang ganda na dito." sabi ko pagkababa namin ng jeep.

"Ngayon ka lang ulit nakapunta rito, tama ba?" tanong niya. Nakangiti akong tumango.

"Ngayon lang ulit ang libre kong panahon." sagot ko sa kanya. Natawa siya at hinigit na ako papasok sa perya, may kaingayan, pero napakasaya na marinig ang mga hagikgikan ng mga bata maging ng mga matatanda na naglalaro at sumasakay sa mga rides.

"Ang dami rin pa lang tao ngayon." pag-pansin ko.

"Oo, linggo kasi ngayon, tiyak na family time ng iilan." sagot niya.

"Anong gusto mong kainin? Upo muna tayo roon sa mga bench, nauuhaw na rin ako." sabi niya at tinuro ang puwesto sa bandang maraming food stalls.

"Kahit ano naman kakainin ko basta libre." sabi ko at natawa.

Nang makarating kami sa mga puwesto bench ay naupo na kami sa isa roon.

"Hintayin mo ko rito. Bibili lang ako ng pagkain at inumin." sabi niya sa akin.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Nakita kong umalis na siya sa harap ko at nagtungo sa isang tindahan. Inilagay ko ang kamay ko sa lamesa at ikiniskis ito. Dahil ngayon nga ay gabi, medyo malamig ang panahon.

Naglibot ang aking paningin sa paligid, kalat na kalat ang ilaw mula sa mga disenyo ng mga rides at tent. Nakakasilaw ng kaunti pero napakaganda.

Kitang-kita rin ang mga kabataan na nagbibisikleta at gumagamit ng skateboard. Ang gagaling din nila, dahil gumagawa pa ang iba ng mga tricks. May mga nanonood pa nga at pumapalakpak tuwing maganda ang kinalabasan ng trick.

Mayroon ring mga bata na nagsisitakbuhan at naglalaro ng mga bagong bili na laruan, may iilan nga lang na umiiyak, siguro ay hindi napagbigyan ng magulang.

Ilang sandali lang ay nakita ko ng papalapit sa puwesto ko si Lir, bitbit ang supot na may katamtamang laki at dalawang bote ng softdrinks.

Nakangiti siyang naglalakad papalapit sa puwesto namin kaya napangiti rin ako, ngayon na lang kami ulit nakapagbonding na magkaibigan.

"Kain na muna tayo, bago tayo maglibot dito." sabi niya at inilapag sa lamesa ang mga pagkain.

Bumili siya ng dalawang burger at fries. Iniabot niya yung akin tapos ay inayos ng kaunti ang straw ng softdrinks.

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon