Chapter 16

3.6K 70 3
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"G*go siya. Iyon lang yun." sabi niya. Natawa na lang ako at tinapik ang kanyang balikat.

"Kumalma ka nga. Atsaka ayos naman na ko. Huwag mo na lang ito sabihin pa kung kanino. Umuwi ka na sa inyo, para makapagpahinga ka naman." sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at tumayo na mula sa upuang kahoy, ganoon din ang ginawa ko habang hawak na ang supot ng mga pangbalot sa sugat.

"Alis na ko, sasamahan kita bukas sa palengke, doon sa puwesto niyo." sabi niya sa akin. Tumango ako, nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin, at bigla na lang naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa aking noo.

"Take care of yourself." sabi niya bago tuloy-tuloy na naglakad papaalis.

Natulala ako ng ilang segundo, What just happened?

Napailing na lang ako at pumasok sa loob ng bahay. Ang gulo na nga ng buhay ko ang gulo pa ni Lir Augustus.

"Lolo Ed nasaan po si Lola Luna?" tanong ko kay Lolo Ed na nakaupo sa sala habang nanonood ng t.v.

"Nandoon sa kusina, hija. Puntahan mo na lang." sabi ni Lolo sa akin, ngumiti lang ako at nagtungo na sa kusina.

"Lola, Ano pong ginagawa niyo?" tanong ko kay Lola at niyakap siya habang siyang nakatalikod.

"Wala naman, naghahanda lang ako ng hapunan natin." natatawang sagot niya sa akin at niyakap ako pabalik.

"Tulungan ko na po kayo diyan." nakangiting saad ko at kinuha na ang plato na may lamang tatlong pritong itlog.

Pagkalagay ko nung mga itlog sa lamesa ay binalikan ko naman ang kaldero at inilapag naman ito sa kahoy na coaster.

"Lolo Ed, kain na po tayo!" pagtawag ko kay Lolo Ed na nasa sala. Nilagyan ko na ng sapat na kanin ang mga pinggan nilang dalawa para hindi na sila mag-abala pa. Sinalinan ko na rin ng tubig ang kanilang mga baso.

Nakangiting kumaway ako sa papalapit na si Lolo Ed. Naupo na siya sa tabi ni Lola Luna, kaya nagsimula na rin akong maglagay ng kanin sa aking pinggan.

"Kumain ka ng marami hija, pumapayat ka nitong mga nakaraang linggo." sabi ni Lola sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid.

"Ayos lang ito Lola, mahirap naman kapag lumaki ako ng sobra." sagot ko at naupo na para magsimula kumain.

"Hija, ayos lang ba sa iyo kung ikaw na ang magdala ng mga gulay doon sa bayan ng Rodriguez? Malapit sa lugar nila Mayor, may suki kasi tayo roon at may kaarawan ata, Kung ayos lang sa iyo, medyo umiinda kasi ang pagsakit ng mga binti ko." sabi ni Lola Luna.

"Ano ka ba, Lola. Ayos na ayos nga, para makapagpahinga ka naman ng kaunti, tingnan mo, sumakit tuloy ang binti mo. Dito na lang muna kayo ni Lolo Ed. Ako na po bahala, hiramin ko na lang din po ang jeep, pwede po ba?" sabi ko.

"Aba'y oo naman, kung marunong ka." sabi ni Lolo Ed. Sa pakiramdam ko naman ay marunong ako kaya tumango ako kay Lolo at maganang kumain ng hapunan.

"Lolo, Lola, hindi ba ay may mga naging kaibigan po kayo?" tanong ko sa kanila.

"Oo naman, hija. Bakit mo natanong?" sabi nila.

"Lapit na lapit po ba kayo sa kanila?" tanong ko.

"Paanong lapit ba hija? Yung madalas bang magkasama? Yung pisikalan ang pagkamalapit?" tanong ni Lolo.

"Yung may halong pisikal po." sabi ko, kumunot naman ang noo nila.

"Normal lang naman sa mga babae ang magyakapan, minsan pa nga ay hinahalikan nila ang babaeng kaibigan nila. Sa tingin ko ay ganoon, sa panahon ngayon, ganiyan na ang pagkalapit ng mga magkakaibigan." sabi ni Lola Luna.

"Pero paano po kapag lalaki?" tanong ko. Napatingin naman sila ng maiigi sa akin at mas lumapit pa.

"Teka nga, ano bang nangyari?" tanong bigla ni Lola Luna. Nag-init ang mga pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

"Huwag mong sabihing hinalikan ka ng kaibigang lalaki mo?" tanong ni Lola Luna na mas ikinapula pa ng mukha ko.

"Si Lir ba apo?" tanong ni Lolo Ed na tuwang-tuwa pa.

"Lolo bakit parang masaya ka pa po?" tanong ko ngunit sabay lang silang natawa sa akin.

"Ano po kasi, Lola, Lolo, kanina po kasi ay noong naglilinis ako ng sugat sa labas ay dumating siya, para ko nga siyang nanay kung mag-alala. Tapos ay noong umalis siya ay hinalikan niya ako sa noo. Lolo, Lola, ano kayang nangyari sa kanya? Bakit ganoon siya kung kumilos?" tanong ko sa kanila.

"Wala naman po akong intensyon na bigyan ng ibig sabihin iyon, pero nakakapagtaka lang po kasi." sabi ko. Hinawakan ni Lola Luna ang aking kamay at pareho silang ngumiti sa akin.

"Wala kami sa posisiyon na magsalita, mabuti pa ay kapag dumating ang araw ay siya na lang ang tanungin mo." sabi ni Lolo Ed, tumango tango naman si Lola Luna. Tumango na lang din ako at ngumiti.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko at kinuha na ang mga pinagkainan naming mga pinggan para hugasan na sa lababo.

"Matulog na po kayo maya-maya. Ako na po bahala rito." sabi ko sa kanila.

"Salamat apo. Ikaw ay magpahinga na rin pagkatapos." sabi nila at umalis na sa kusina.

Sinabunan at binanlawan ko ang mga pinggan bago ito pinunasan gamit ang malinis na basahan at inilagay sa lagayan ng mga pinggan.

Pagkatapos noon ay nagtungo lang ako ng sandali sa banyo at naghilamos ng mukha.

"Hay." daing ko nang makaupo ako sa ibabaw ng kama.

Pagkahiga ko pa lang ay bumigat na agad ang mga pilik mata ko kaya't hindi ko namalayan ang oras at ako'y hinila na ng antok sa isang sapat na tulog.

Nagising na lang ako sa lakas ng tunog ng tilaok ng manok ng kapitbahay namin. Humikab ako bago tuluyang tumayo na sa kama. Ala sais na pala ng umaga, kaya nagmadali na akong kumuha ng kamiseta at short na susuotin ko ngayong araw.

Mabilis lang akong naligo, ngayon ay sinusuklay ko ang aking buhok, tapos ay naglagay lang ng katamtamang pulbo sa mukha. 

Kinuha ko na ang mga sako na hinanda ni Lolo Ed para ihatid sa Rodriguez. Habang naglalagay ay nakita ko si Lir na papunta sa puwesto ko.

"Samahan kita, saan ka ba pupunta?" tanong niya. Amoy na amoy ko ang sabon na safe guard na tiyak kong ginamit niya. Mabango.

"Hindi kami magtitinda ngayon sa palengke. Masakit ang binti ni Lola Luna. Ihahatid ko lang ito doon sa Rodriguez." sagot ko.

"Sasama ako sayo. Ako na diyan." sabi niya at siya na ang nagtuloy ng mga dapat kong ilagay sa likod ng jeep.

"Edi ikaw na. Wala ka bang ibang gagawin?" tanong ko sa kanya.

"Wala naman, mas importanteng masamahan kita." sabi niya. Bahagyang nanlaki ang mata ko at namula ang pisngi ko, mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin, kung hindi. Ewan ko na lang talaga.

"Marunong ka ba gumamit nito?" tanong niya. Tumango na lang ako at sumakay na sa unahan. 

"Paano ka naman natuto?" tanong niya nang makaupo na siya sa tabi ko.

"Hindi ko alam, basta alam ko ay kaya ko ito patakbuhin." sabi ko at sinimulang istart ang jeep. Gumawa pa ito ng ingay. Kumaway na ko kay Lolo Ed na nasa pinto at pinaandar ang jeep.

"Wala ka na bang ibang alam na gawin na hindi ako mamamangha?"

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon