Chapter 15

3.8K 75 11
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Mabilis lang na naubos ang mga paninda namin sa palengke, ako na ang nagbebenta kanina lalo na't ayaw magpaawat ni Lola Luna tungkol dito sa sugat ko, kaya halos lahat ng pag-iwas ay ginawa ko na. 

Sa ngayon ay nakaupo ako sa labas ng bahay habang binubuksan ang supot na may kaliitan, nilabas ko roon ang isang maliit na bote ng betadine, surgical tape at maliit na kahon ng gasa.

Di ko lang ito iniinda kanina sa harapan nila, dahil mag-aalala lang sila sa akin, pero sa ngayon, hapdi at kirot ang nararamdaman ko habang nilalagyan ito ng betadine, may kalakihan rin kasi ang sugat kaya kailangang linisin at takpan.

"Hoy! Anong nangyari sayo?" halos mapatayo ako sa gulat, kaya napatingin ako kay Lir na siyang nagmamadaling lumapit sa akin.

"OA mo! Makasigaw ka naman." sabi ko at minadali na ang paglalagay ng betadine.

"Anong OA ka diyan, ang laki ng sugat mo, saan ba yan nanggaling?" tanong niya, tapos ay lumapit sa poso sa gilid at hinugasan ang kanyang kamay tapos ay kinuha ang malinis na bimpo sa gilid para punasan ang kamay niya bago inagaw sa kamay ko ang gasa at ang surgical tape.

"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.

"Ako na ang magbabalot ng sugat mo." sabi niya at seryosong inayos ang gasa at inilapat sa aking sugat. 

Napatingin ako sa kanya, hindi ko naiwasang mapangiti sa bawat galaw niya, seryoso siyang ibinabalot ng gasa ang sugat ko at sa bawat lapat noon ay ramdam ko ang pagdadahan-dahan niya. Dahan-dahan niya itong nilagyan ng surgical tape. Hinaplos niya pa ang gilid ng marahan kaya mas naging diretso pa ang mga titig ko sa kanyang seryosong mga mata.

Lumayo siya ng kaunti habang inilalagay sa supot ang mga gamit, napaubo ako ng kaunti at nag-iwas ng tingin.

"S-Salamat." nauutal na saad ko at tiningnan ang sugat kong nakabalot na sa napaka-ayos na itsura na akala mo'y isang doktor ang nagbalot.

"Maliit na bagay lang ito, ngayon, sabihin mo nga sa akin kung anong nangyari rito?" sabi niya at hinawakan ang braso ko ng marahan.

"Kailangan mo pa talagang malaman?" sabi ko sa kanya at tumingin sa lupa.

"Malamang, nag-aalala ako sayo." sabi niya sa akin. Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko, kahit na alam ko naman na dapat ay hindi ko ito nararamdaman.

"Wala lang 'to. Nadapa lang ako." sabi ko sa kanya.

"Nadapa? Ikaw?" duda pa niya. Bakit ba kilalang-kilala ako ng lalaking ito?

Talagang wala akong naitatago sa kanya, dahil parang lahat ng kilos ko ay alam niya, at nasusundan niya.

"Hay nako, sasabihin ko na nga." sabi ko sa kanya at umirap.

"Mabuti naman, hindi kasi kita titigilan hangga't di mo sinasabi." sabi niya.

"Nabangga kasi ako kanina doon sa may ospital na ginagawa ng sasakyan. Hindi naman sobrang lakas, kaya lang napahiga ako sa sahig." sabi ko sa kanya at tumawa pa para mapagaan ang paligid.

"What?! Who the f*ck is that driver?!" matigas na ingles niya kaya nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya. Hala, bakit galit na galit siya at napatayo pa siya sa upuan.

"OA mo Lir Augustus. Wala na di ko kilala yung driver, maka english ka, sosyal?" biro ko pero hindi nagbago ang awra ng mukha niya. Kita ko pa ang pagkuyom ng mga palad niya.

"Tell me the details of the face. If you still remember." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Lumapit siya muli sa akin at diretso ang tingin sa mata ko.

"Ano naman gagawin mo pag sinabi ko? Mayaman yun, baka kung ano pa gawin sayo." sabi ko sa kanya.

"Hindi ako takot sa mga mayayaman. Ano na? Sabihin mo." sabi niya sa akin.

"Kumalma ka nga, Lir Agustus." sabi ko sa kanya at hinila siya paupo muli sa upuang kahoy.

Malalim ang naging buntong hininga niya matapos ko siyang paupuin sa upuan. 

"Ipangako mo muna na hindi mo ito sasabihin kahit kanino, lalo na kina Lolo at Lola, maliwanag?" sabi ko sa kanya.

Kahit na kita ko ang hindi pagsang-ayon sa mukha niya pero di kalaunan ay tumango na lang siya sa akin.

"Fine." sabi niya. Ngumiti lang ako muna bago bumuntong hininga.

"Yung may-ari ng ospital na pinapagawa doon malapit sa bayan, sa tingin ko ay kilala ko siya." sabi ko na muna.

"Ano? Paano mo naman makikilala iyon?" sabi niya sa akin.

"Hindi ko rin alam. Noong nagpunta kami nila Lolo Ed at Lola Luna roon sa siyudad, kasama ng mga kaibigan ko noon. Nakita ko siya roon, si Khael. Khael raw ang pangalan ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung sino siya sa buhay ko pero, ang alam ko ay galit siya sa akin. Sa tuwing nagkikita kami, ako na lang ang umiiwas hangga't maaari dahil, kitang-kita ko na galit ang mga mata niya, nag-aapoy iyon sa galit sa tuwing magtatagpo ang mga mata niya sa akin." sabi ko sa kanya. Mapait pa kong natawa ng bahagya. Seryoso lamang siyang nakikinig sa akin, ngunit ang mga kamao niya ay nagbalik sa pagkakayukom.

"Nagkita kami kaninang umaga, pagkapunta ko roon sa site. Hindi ko inakala na sa unang pagpunta ko roon ay makikita ko siya. Noong narinig ko palang sa iyo ang pangalan ng ospital na ginagawa ay nakaramdam na ko ng kaba, kasi, Khael. Khael Villareal ang buong pangalan niya. At hindi nga ako nagkamali. Siya nga ang may-ari ng ospital na iyon at nagkita kami kanina, hindi naman niya sinasadyang mabangga ako." sabi ko sa kanya.

Mas lalong yumukom ang mga palad niya, at ang mga ugat roon ay parang gusto ng pumutok.

"Ayos lang naman sa akin, kasi sugat lang naman ito, atsaka hindi naman niya sinasadya." sabi ko.

"Paano kung sinadya niya? Kasi galit siya sayo?" tanong niya. Nagkibit balikat na lang ako.

"Kung ganoon, wala naman akong magagawa kung hindi ang umiwas na lang." sabi ko sa kanya.

"Iiwas, sapat na ba yun? Napahamak ka, Sydney. Hindi tama yun." sabi niya sa akin pero binigyan ko na lang siya ng maliit na ngiti.

"Ayoko naman ng gulo, kaya nga nanatili na lang ako sa lugar na ito, kasi tahimik at simple. Hindi komplikado, kasi hindi ko alam kung anong buhay ang mayroon ako noon, kung anong buhay ang maaari kong balikan. Iiwas ako kasi yun naman talaga dapat, para hindi na siya magkaroon pa ng tyansa na makapagsalita ng hindi maganda sa akin. Wala rin naman akong laban, kung naisin ko pang lumaban, mayaman siyang tao at may kapangyarihan. Ayoko na ring madamay pa ang iba sa problema kong ito. Hindi ko naman hahayaan na umabot sa sukdulan ang mga gagawin niyang hindi maganda. Kaya ko naman ang sarili ako. Ako pa ba?" sabi ko at ngumiti sa kanya.

"I know you can, but it's not right. It's too much. You should do something." sabi niya sa akin. Tumingin na lang ako sa kanya at sumandal sa kanyang matigas na balikat.

"Pero kanina, siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang parang galit. Hindi ko alam kung saan pa niya hinuhugot ang galit niya sa akin, ang sama ng loob niya na wala naman akong kaalam alam?"

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 


Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon