Prologue

14.8K 193 16
                                    

Prologue

Parang isang nawawalang tuta ang dalagang si Sydney habang nakatingin sa isang mala palasyong bahay na kanyang pagbibigyan ng supply ng mga gulay mula sa kanilang bukid.

Mayroong hindi kalakihang bukid ang Lolo at Lola ng dalaga, at sa araw na ito ay nautusan siya ng mga ito na dalhin ang ilang sako ng carrots, patatas, sitaw, at bawang sa napakalaking bahay kung nasaan siya ngayon.

Kasama niya lang ang kanyang kaibigang lalaki na si Lir na sa ngayon ay nagbubuhat ng mga sako pababa sa jeep na kanilang pagmamay-ari rin. 

Tanging simpleng kupas na kamiseta at jersey shorts ang suot ni Sydney pero hindi maipagkakaila na siya ay may magandang mukha.

"Tulungan na kita Lir!" sigaw ni Sydney at inayos muna ang kanyang kupas na rin na sumbrero. 

Binuhat niya ang hindi kalakihan pero mabigat na sako na may lamang bawang. Sila mismo ang nag-ani ng mga iyon, kaya natutuwa silang buhatin ito. 

"Ako na sabi, Sydney." pagpigil ni Lir sa kaibigan, pero ngumisi lang ito at kumindat na parang hindi nakakaramdam ng kakaibang kaba kanina pa.

"Kaya ko 'to, ako pa ba Lir" biro pa ni Sydney at inilapag ang sako sa tapat ng napakatangkad na gate. 

Pagkatapos ay bumalik ulit siya sa jeep para naman kunin ang natirang sako ng sitaw. Ganoon rin ang kanyang ginawa. 

"Ikaw na ang pumindot ng bagay na yan." sabi ni Lir at tinuro ang doorbell.

"Sige." parang nasa isang malamig na lugar si Sydney sa sobrang lamig ng kanyang mga kamay sa di niya mawaring dahilan.

Abot abot ang kanyang kaba habang dahan-dahan na inilapat ang makinis niyang daliri sa doorbell. Dumagundong pa lalo ang tibok ng kanyang puso ng gumawa na ng tunog ang doorbell, lalo na noong tuluyan ng bumukas ang napakalaking gate.

"Nako, nandito pa pala ang mga gulay, teka, kayo ho ba si Sydney at Lir?" tanong ng hindi katandaang kasambahay. Tumango silang magkaibigan. Ngumiti naman ang kasambahay at inaya sila sa loob ng napakalaking garahe. Nakakamangha ang itsura ng loob ng kabuuang lugar, para nga talaga itong isang palasyo. Lagpas daliri ang bilang ng mga mamahaling sasakyan ang nakaparada.

"Kaarawan kasi ng anak ni Senorito, kaya nagpahanda ng napakarami, dahil maraming bisita. Mabuti na lang talaga at nakabili kami ng mga sariwang gulay sa inyo." sabi pa nito habang tinutulungan kami na ipasok sa loob ng garahe ang mga sako.

"Ganoon ho ba, Salamat po sa pagbili sa amin." sabi ni Sydney at ngumiti.

"Nako, palagi naman kami nabili sa inyo. Atsaka napakagaganda ng mga tanim niyo, kaya maging si Donya Clara at si Don Edbert." sabi pa nito. 

Pinagbuksan ng kasambahay sina Lir at Sydney ng pintuan ng dirty kitchen. Nagulat ang magkaibigan dahil napakaraming kasambahay sa loob noon at lahat ay abala sa pagluluto, maging sa paghihiwa.

"Pasensya na, pero baka hindi ko na kayo mapaghainan ng meryenda, napakaraming gagawin ngayon." sabi nito. Ang ilang kasambahay at lumapit sa puwesto nila Sydney para kunin na ang mga gulay.

"Ayos lang po, may maitutulong ho ba ako?" tanong ni Sydney.

"Nakakahiya man, pero tulungan mo sana kami maghiwa ng ilang rekado. Papakainin na lang kita ng tanghalian, kayong dalawa, ayos lang ba?" sabi ng kasambahay.

"Ayos lang po!" natutuwang saad ni Sydney.

Naupo sa isang upuan si Sydney at nagsimula na sa paghiwa ng carrots, maging si Lir. Hindi naman kasi maiwanan lalo na ang tanggihan ni Lir ang nanaisin ni Sydney, dahil lingid sa kaalaman ni Sydney, ay may pagtingin sa kanya si Lir.

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon