Chapter 32

4.1K 89 6
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Baby, baby, wake up." napabangon ako ng marinig ang pagtawag sa akin ni Khael.

"You're crying, what's the matter?" tanong niya at hinawakan ang aking mukha, pinunasan ng kanyang daliri ang mga mainit na luha sa aking pisngi.

"I think I know what really happened to me. I'm scared." sabi ko sa kanya at patuloy na naluha. What if hindi pa sila tapos sa akin? What if they are finding me?

"Shhh, baby don't cry. I'm here. I won't leave you." sabi niya at hinalikan ang aking ulo.

"Kinuha nila ako! Kinuha nila ako! Kukunin nila ako." yumakap ako sa kanya ng mahigpit dahil napuno na ang aking buong katawan ng takot.

"No, I won't let them, okay? I'm here, shhhh. I'm here." nang dahil sa kanyang sinabi, unti-unting umayos ang aking pakiramdam at paghinga, ngunit nanatili lang ang yakap ko sa kanya.

"Huwag mo ko iiwan." bulong ko sa kanya.

"I won't. I will stay with your side no matter what happen." sabi niya at hinigpitan ang yakap sa akin.

"If ever you're ready to spill it, just tell me okay?" sabi niya sa akin, tumango naman ako at nanatili na nakayakap sa kanya, mukhang ayos lang naman ito sa kanya. Hindi ko alam pero ayokong mapag-isa, natatakot ako.

"We'll get the justice, No one can escape from what they did to you." sabi niya sa akin.

Inabot ng ilang minuto bago ako tuluyang kumalma, nang maayos na ang pakiramdam ko ay bumitaw na ako ng yakap sa kanya.

Napatingin kami sa pintuan ng biglang may kumatok, it's already night, almost 12 in the midnight kaya kaagad kaming lumabas ng kwarto.

"Manang, what's the matter?" tanong ni Khael sa akin, hinawakan niya ang aking kamay habang naglalakad pababa.

"Si Sir Atlas po ay naririto." sabi ni Manang. Atlas, naalala ko na siya, kaibigan siya ni Khael, pero anong oras na kaya bakit siya naparito?

"It's almost 12, ano bang pakay niya." sabi ni Khael. 

"Hindi ko rin alam, Sir. Ikaw raw po ang pakay niya at si Ma'am Sydney." sabi ni Manang bago kami iniwan sa sala kasama si Atlas.

Nang makita namin si Atlas ay kakaiba ang kanyang itsura, halatang nagmadali siyang pumunta rito at hingal na hingal pa.

"What happened to you Villavicencio?" tanong ni Khael. 

Nagulat na lang ako dahil biglang lumapit sa akin si Atlas, na tila ba nangungulila at nalulungkot.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ko ngunit bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako, lalo na't nagsimula na siyang umiyak.

"Bro, what the f*ck that's my wife!" sigaw ni Khael at akmang lalapit sa amin ngunit sinenyasan ko lang siya na huwag dahil lumalakas ang hikbi ni Atlas habang nakayakap sa akin.

"What the hell is happening?!" saad muli ni Khael.

"A-Ano, Atlas, ano bang problema?" tanong ko sa kanya.

"It's Kuya, call me Kuya." sabi niya na ikinakunot ng aking noo.

"What are you saying Quade Atlas?!" nagtatakang saad ni Khael at hinigit ako papalapit sa kanya.

"Sit down first, Atlas." sabi ko sa kanya. Naupo na kaming tatlo hanggang sa kumalma na siya. 

"I'm Sydney's older brother. I'm your Kuya, Sydney." panimula niya. Ngunit nagtataka pa rin ako, sa aking pagkakaalam ay mag-isa lang akong anak ni Mama Divina na hindi ko pa alam kung nasaan.

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon