Chapter 24

3.7K 90 11
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Salamat Khael." pasasalamat ko ulit sa kanya.

"Stop it. It's getting irritating." sabi niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

"Ahm, hindi ba't magiging katulong ninyo ako, ibig bang sabihin noon ay dito na muna ako mananatili?" tanong ko pa sa kanya.

"Of course, my son will be mad if you won't stay here." sabi niya at nagpokus na sa kanyang laptop.

"Pwede ba akong umalis muna? Kahit saglit lang?" sabi ko. Nais ko sanang kunin ang ilang gamit ko roon kila Lolo Ed at Lola Luna, atsaka nasa labas pa rin si Lir at malapit na ring mag-gabi.

"I thought you want to be with Tripp?" sabi niya.

"A-Ano, kukuha lang ako ng gamit. Atsaka magpapaalam lang ako kina Lolo Ed at Lola Luna." sabi ko sa kanya, baka kasi isipin niya ay nagloloko ako, baka magbago pa ang isip niya.

"No need to take your things. May mga gamit ka dito." sabi niya sa akin.

"G-Gamit?" paniniguro ko pa.

"You're still my wife, you still have your clothes here." sabi niya.

"P-Pero magpapaalam muna ako. Saglit lang ako, pangako!" sabi ko pa.

"Umalis ka na. Dami mong satsat." sabi ni Khael at lumabas ng kwarto.

Natawa na lang ako ng bahagya bago lumabas na rin ng kuwarto. Dahan-dahan akong naglalakad pababa dahil baka may masagi o masira ako, problema na naman iyon.

"Looks like you poisoned my son's mind again?" napalingon ako sa nagsalita na ina ni Khael. Nagyuko na lang ako at huminto sa paglakad.

"Whatever. Do everything you want, but once I learned that you're doing something fishy, I will throw you away, out of this house." sabi niya at umakyat na sa ikalawang palapag.

Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimula na muling maglakad papalabas ng bahay.

Nakita ko kaagad si Lir na nakaabang, lumiwanag ang mata niya ng makita ako, pero bigla iyong nawala nang makita ang sugat ko sa aking pisngi.

"What happened to your cheeks?" nag-aalalang tanong niya.

"Wala lang 'to. Tara na, magpapaalam muna ako kina Lolo at Lola, tapos ay babalik din ako agad dito." sabi ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo kaya itinulak ko na siya papunta sa jeep.

"Ikwekwento ko sayo sa biyahe, dali na." sabi ko at sumakay na sa jeep.

Napilitan na siyang paandarin ang jeep. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Ano na naman nangyari diyan? Parang araw-araw ka na lang nagkakaroon ng sugat." sabi niya, maririnig ko na naiirita siya kaya natawa ako sa kanya.

"Wala 'tong sugat na 'to, lalo na't makakasama ko na ang anak ko." sabi ko sa kanya.

"Anong sinabi sa iyo ng mga iyon?" tanong niya pa.

"Doon na ako mananatili sa kanila, dahil iyon ang gusto ng anak ko." sabi ko sa kanya.

"Bakit ka nagkaroon ng sugat sa pisngi, kung ganoon?" tanong niya pa.

"Wala lang 'to, huwag mo na isipin pa." sabi ko sa kanya.

"Pupuntahan kita roon palagi. Kapag may kailangan ka, sabihan mo ako." sabi niya sa akin.

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon