Chapter 6

3.9K 106 1
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"You can't deny it. Walang maniniwala sayo. You're a big liar. Umalis ka na lang dito, bumalik ka na kung saan ka nakatira, walang patutunguhan ang pag-uusap na ito. Kasi hangga't maaari sana, ayoko na ulit maging malapit sa mga sinungaling na kagaya mo."

"Ang sakit mo namang manalita" sabi ko sa kanya. Totoo, kung ano ang ikinalamig ng kanyang mga mata na parang nagsasabi ng pagkagalit, ganoon naman ang inilalabas ng kanyang bibig. Hindi man tama sabihin ngunit, matabil ang kaniyang dila. Ngunit parang sanay na sanay naman siya sa ganoon base sa kanyang mukha, parang wala lang sa kaniya na siya ay nakakasakit na ng damdamin.

"I can't take it anymore!" napalingon ako sa bumukas na pintuan.

"Man! What the hell are you saying?! Nakakasakit na iyan!" sigaw ni Xian na kakapasok lang, kasama ang iba pa, maging sina Lola Luna at Lolo Ed.

"I don't care, totoo naman. Manloloko at sinungaling iyang babae na iyan." sabi pa ni Khael.

"Khael, stop it. You're hurting her." sabi ni naman ni Lucas, si Gabrielle naman ay hinigit ako papalabas ng kwarto.

"I'm saying the truth. And then now she's playing some amnesia games? Ano? nagpapanggap kang walang maalala? For f*cking what huh?" sigaw pa nito muli.

"Hijo, hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo. Kung ayaw mong maniwala sa amin, mabuti pa ay ikaw na lang ang umalam ng katotohanan. Aalis na ho kami, iuuwi na muna namin itong apo namin, hindi ko na hahayaan na pagsalitaan mo pa si Sydney." sabi ni Lola Luna at sabay-sabay kaming tatlo na bumaba sa hagdan, pigil kong ikinulong ang mga hikbi na gustong lumabas sa aking dibdib.

"Wait!" nagmamadaling lumapit sa amin si Tangerine at Gabrielle.

"Pasensya na mga Ma'am, mabubuti naman ho kayo, hindi tulad ng lalaking nakausap ni Sydney, pero pasensya na po, hindi po kasi tama na pagsalitaan niya ng ganoon si Sydney lalo't wala naman siyang alam sa mga nangyari. Aalis na ho muna kami." sabi ni Lolo Ed.

"Pasensya na po, pero kung papayag po sana kayo, ihatid na po namin kayo pauwi. Pasensya na po talaga sa inasal ni Khael." sabi ni Tangerine.

"Ganoon ba, maraming salamat." sabi ni Lola Luna.

"Xian, come with me!" sigaw ni Tangerine, bumaba naman si Xian mula sa ikalawang palapag. 

Silang dalawa na ang sumama sa amin papalabas sa bahay nila Gabrielle, ngumiti naman ang ilan sa amin na para bang humihingi ng pasensiya.

"We're sorry for what happened. We just want to let them talk. We didn't expect that Khael will act like that. Humihingi po kami ng paumanhin." sabi ni Xian. 

"Hindi niyo naman kailangan na humingi ng paumanhin, hijo, hija. Hindi naman kayo ang nagsalita ng hindi maganda sa apo naming ito. Pero sana, sabihan niyo ang lalaking iyon, kung kami ay nagsisinungaling, sa tingin ba niya may mapapala kami roon? Mabuti pa ay alamin niya ang katotohanan." sabi ni Lola Luna.

"Hindi ko nagustuhan ang kaniyang sinabi." dagdag pa ni Lolo Ed.

"Maging kami rin ho, kaya hangga't maari, kakausapin namin siya ng mabuti." sabi ni Xian, siya na rin mismo ang nagbukas ng pintuan ng kanyang sasakyan. Sumakay kami roon ni Lola Luna at Lolo Ed habang sila naman mag-asawa ay sa bandang harapan naupo.

"Sa susunod po, kung ayos lang sa inyo, pumunta po ulit kayo rito sa amin, lalo na't nabitin ang oras na magkakasama at magkakausap sana kami ni Syd." sabi ni Tangerine.

"Papayag kami, kung ayos lang kay Sydney, atsaka hangga't maaari sana, ayoko na lumapit pang muli si Sydney sa lalaking iyon. Sasaktan niya lang ang damdamin ni Sydney." sabi ni Lola Luna.

"Sige po, Lola Luna, asahan niyo po iyan. Dahil sa totoo lang rin po, hindi ko lubos na nagustuhan ang nangyari, at hindi tama ang lumabas sa bibig ni Khael. Mahirap pong manghusga kapag walang alam, iyon po ang mali ni Khael at nasisiguro ko na ipinapaliwanag na iyon sa kanya ng mga kaibigan niya." sabi ni Tangerine.

Habang nakikinig ako sa kanila, hindi ko matanggal sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Khael, para bang may nagawa akong mali at halos buong buhay niya ay nagtanim na siya ng galit sa akin. Naguguluhan ako, naisip ko, may nagawa nga ba ako kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa akin? Hindi man lang niya nagawang hayaang bumuka ang bibig ko para sabihin ang mga nangyari mula noong magising ako sa loob ng bahay nila Lola Luna at Lolo Ed. 

Ang dami kong tanong na hindi niya nasagot at sa tingin ko'y hindi na niya masasagot pa. Lalo't gusto kong ilayo ang sarili ko sa kanya lalo na ngayon na ganoon pala siya magsalita, parang tinatarakan ng kutsilyo yung dibdib ko sa bawat salita na lumabas sa bibig niya. Kung gaano nakakamangha ang itsura ng mga labi niyang mamulamula, ganoon naman kasama ang lumabas na salita sa kanyang bibig.

"Tangerine, ano ba talaga ang nangyari? May nagawa ba talaga akong mali kaya galit na galit siya sa akin?" hindi ko na napigilan na tanungin sila.

"Wala ako sa sitwasyon para magsalita, lalo na't hindi ko rin lubos na alam kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan ninyo ni Khael." sabi ni Tangerine.

"Nirerespeto ko ang pasya mo. Siguro hintayin ko na lang ang tamang pagkakataon na malaman ko ang lahat, o ang pagbabalik ng alaala ko." sabi ko sa kanila.

"May isa pa akong tanong sana, sana ay masagot ninyo." sabi ko pa.

"Ano yun, Syd?" sabi naman ni Tangerine.

"Ang mga magulang ko? Nasaan sila?" tanong ko.

"Ang magulang na kinikilala mo ay si Tita Devina, ngayon ay nasa New York siya, habang ang totoo mong mga magulang, hindi pa namin alam kung sino at nasaan." sabi ni Tangerine.

Devina? New York? Tiyak akong sa ibang bansa ang lugar na iyon, papaano ko ba malalaman ng buo ang katotohanan, bakit parang ayaw bigyan ng daan ng tadhana na malinawanagan ako?

"We'll try our best to locate Tita Devina. Para makausap mo siya. Baka makatulong rin siya sa iyo. Don't worry Syd. We got your back." sabi ni Xian.

"Salamat, Maraming salamat sa inyo." nakangiting pasasalamat ko sa kanila.

"Maliit lang na bagay 'to." sabi ni Tangerine at hinawakan ang kamay ko kahit na nasa harapan ko pa siya nakapuwesto.

"Die b*tch! Mamatay ka na kung hindi ka talaga mawala-wala sa paligid namin, dapat mamatay ka na!"

"Lakas mo rin sa taas, di ka talaga mamataymatay na hayop ka!"

Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot matapos lumabas ang senaryo na ubod ng labo sa aking utak.

"Ayos ka lang ba?" sabay na sabay na tanong nila.

"A-Ayos lang, kumirot lang ng kaunti ang ulo ko." sagot ko sa kanila, pumipintig ito na para bang sasabog kaya hindi ko na napigilan na mapahiga sa balikat ni Lola Luna.

"Sabihin mo sa amin kung sumasakit pa ang ulo mo, dadalhin ka namin sa ospital." sabi ni Xian.

Bakit may gustong pumatay sa akin? Sino sila? Anong atraso ko sa kanila?

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2021 

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon