Chapter 34

3.9K 86 1
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Nagising ako nang naramdaman kong may humahalik sa akin leeg. Inayos ko ang pagkakapatong ng aking kumot dahil sa aking hubad na katawan. Unti-unti kong idinilat ng maayos ang aking mata at tiningnan ang mukha ni Khael na siyang malawak na nakangiti sa akin. He smiles a lot now huh? After having me so sore and tired. Inirapan ko nga siya ngunit tumawa lang siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Why mad?" natatawang tanong niya, nang-asar pa nga.

"I'm sore and tired. Nakakainis ka, hindi mo ko tinigilan kagabi." sabi ko sa kanya ngunit mas lumakas lang ang kanyang pagtawa.

"I'm not sorry." sabi niya at hinalikan ang aking labi. Nanlaki pa ang aking mata dahil lumihis ang kanyang kumot sa kanyang baywang, mabuti na lang at naagapan ko iyon at inangat.

"So shy. I love you." sabi niya at tumayo na para magbihis. Humarap ako sa bintana ng kuwarto at hinayaan ang sinag ng araw na tumagos sa aking mukha. Napangiti ako, ramdam na ramdam ko ang kanyang pagmamahal para sa akin.

Hinayaan ko muna ang aking sarili na mahiga dahil talagang pagod na pagod ako at masakit ang aking buong katawan, hindi ko pa nga alam kung kaya ko bang tumayo ngayon.

Maya-maya ay lumabas na si Khael sa banyo, he's wearing a sweat pants and a white shirt. May kinuha siyang damit sa cabinet bago lumapit sa akin.

"Come on, baby." sabi niya at inangat ako sa kama.

"Bibihisan kita." sabi niya at inayos ang dala-dala niyang dress na may design na avocado sa gitna.

"Mabuti naman at marunong ka magbihis, akala ko paghubad lang alam mo." pagsusungit ko sa kanya ngunit tumawa lang siya atsaka isinuot sa akin ang aking bra at panty, tapos ay sinuotan niya rin ako ng short bago ang dress.

"You look cute." sabi niya at humalik sa aking pisngi.

"Shut up." sabi ko sa kanya.

"Anyways, let's go downstairs. May bisita ka." sabi niya na ikinataka ko, bisita? 

Dahan-dahan niya akong inalalayan sa pagtayo, mabuti na lang at kaya ko naman tiisin ang sakit ng aking gitnang parte. Pagkabukas ko ng pinto ay umalingawngaw ang mga tawa ni Tripp mula sa ibaba, kaya lalo akong nagtaka.

Nang makababa kami galing sa ikalawang palapag ay nagulat ako ng makita ko si Lir na nakatayo roon sa gilid.

"Lir!" natutuwang pagtawag ko sa kanya at natutuwang napayakap sa kanya.

"Bakit ka nandito? Kamusta ka? Sila Lolo Ed at Lola Luna?" tanong ko.

"Ehem." natawa na lang ako nang biglang humarang si Khael.

"Shut up, Khael Andreiux." sabi ko at nanahimik naman siya ngunit sumimangot.

"I let Sir Quade explain, Sydney." sabi niya kaya napatingin naman ako kay Kuya Quade.

"Hindi ba't sinabi ko na matagal ko ng nararamdaman na ikaw ang kapatid ko, I let Lir to stay beside you. Pinabantayan kita sa kanya." sabi ni Kuya at ngumiti. Napangiti naman ako sa kanya.

"Hindi mo sinabi sa akin!" baling ko kay Lir, ngunit tumawa lang ito.

"It's your brother's request." sabi niya.

"Anyways, baby girl. Nandiyan na sila Mama at Papa sa labas, I'll just fetch them." sabi ni Kuya at naglakad papalabas ng bahay. Hindi ko alam pero abot-abot ang kaba ko at tuwa. 

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon