Chapter 10

3.9K 84 11
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

"Lir, ano bang nakain mo ngayon ba't parang nababaliw ka?" tanong ko sa kanya.

Nagtataka na ko sa mga kinikilos at sinasabi niya, para siyang nasapian ng kung anong bagay, bigla na siyang nagsasalita ng mga bagay na hindi naman niya sinasabi noon.

"Kinain ko ngayon? Isda, yung tira sa paninda namin." sabi niya sa akin.

 "Baliw ka na, kumain ka na nga lang nitong fishball." sabi ko sa kanya at inabot ang limang pisong fishballs na nasa stick.

"Gala tayo mamaya, diyan lang sa tiyangge." pag-aaya niya sa akin.

"Magpapaalam muna ako kila Lola." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti. 

Nakita kong may huminto sa aming tindahan kaya iniwan ko muna si Lir sa tapat ng nagtitinda ng fishballs. 

"Ano po yun?" tanong ko sa matanda.

"Pasensya na ineng, pero mayroon ba kayong kaunting pagkain? Wala kasi akong pera pambili ng makakain." sabi nito.

"Sandali lang po Lola." sabi ko. Kinuha ko ang natirang trenta pesos sa bulsa ko at bumili ng kwek-kwek para sa Lola.

"Gutom ka pa?" tanong sa akin ni Lir. Umiling lang ako.

"Hindi, may pagbibigyan ako nito." sabi ko sa kanya.

"Ganoon ba." sagot niya.

Nang maluto na yung kwek-kwek, iniabot iyon sa akin nung lalaki, hinawakan ko maiigi ang baso at iniabot sa matanda.

"Kain na po kayo." sabi ko at ngumiti.

"Maraming salamat sa iyo, hija. Jusko, simula kaninang umaga ay wala pang laman ang tiyan ko." sabi ng matanda at sunod sunod na kinain ang kwek-kwek na nasa baso.

"Walang anuman ho, Lola." sabi ko at ngumiti sa kanya.

Masayang kumakain si Lola kaya napangiti ako habang pinagmamasdan siya.

Nakita kong lumapit sa puwesto ko si Lir at may dala-dalang baso palamig. Inabot niya ito sa matanda.

"Nako, hijo. Salamat talaga sa inyo." pasasalamat muli ng matanda.

"Walang anuman po." sagot ni Lir.

Ilang sandali lang ay natapos na rin sa pagkain ang matanda, nagpasalamat ito bago umalis, may hawak itong saklay at dahan-dahan nang naglakad papalayo.

"Ang hirap na ng buhay natin, may mas mahirap pa ang kalagayan kaysa sa atin." sabi ko at tumingin sa langit. Madilim na, alas syete na ng gabi, maya-maya ay magliligpit na kami ng mga gamit.

"Ganoon talaga ang buhay, hindi perpekto." sabi ni Lir at lumapit sa puwesto ko.

"Halos ubos na ang mga paninda niyo." puna niya.

Napatingin tuloy ako sa mesa, totoo nga, ilang tali ng gulay na lang ang naroroon, mabibilang ito sa daliri. Di ko maiwasang mapangiti.

"Nakapagpaalam ka na ba kina Lolo at Lola?" tanong niya.

"Mamaya na, kapag pasara na kami ng tindahan." sabi ko sa kanya.

"Ililibre kita." sabi pa niya kaya natawa pa ko.

"Parang ang yaman mo naman." biro ko sa kanya.

 "Malaki kinita ko sa construction nung nakaraan." sagot niya.

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon