Chapter 39

3.4K 63 1
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Nang makabalik ako sa ospital ay sinalubong ako ni Tita Anabelle.

"Hija, saan ka nanggaling?" tanong niya sa akin.

"May tinuruan lang po ako ng leskyon." sabi ko at matamis na ngumiti.

"Gising na si Khael, hija." napaka-gandang balita. Nagmadali akong tumakbo papasok sa kuwarto, nakita ko roon si Khael na nakatingin sa aming anak na nasa kanyang tabi.

"Khael..." pagtawag ko sa kanyang pangalan. Lumingon naman siya at ngumiti sa akin.

Naluluha akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"You miss me?" pagbibiro pa nito, tumango na lang ako at niyakap siya ng mas mahigpit pa.

"I'm scared, mabuti at nagising ka na, sobra akong nag-aalala, lalo na't dalawa kayong nakaratay diyan." sabi ko sa kanya, he just let out a small smile and held my hand.

"No need to worry about me, I'm totally okay, but can I ask why our son is here?" tanong niya, naalala ko na nawalan na siya ng malay noong panahon na nabaril si Tripp.

"Zarah shot him." nalulungkot na saad ko at napatingin kay Tripp na hindi pa rin nagigising.

"Sh*t. I'm sorry." sabi niya, hinawakan ko ang kanyang kamay.

"It's Zarah's fault, not yours, so don't be sorry. Besides I know our baby boy is strong, he'll wake up soon." sabi ko sa kanya.

"I just hope so." sabi niya at sinikap na abutin ang kamay ni Tripp bago ito hinawakan.

"How are you feeling? You want to eat?" tanong ko sa kanya.

"Yes, please." sabi niya at ngumiti. Pumunta naman ako sa lamesa at kinuhaan siya ng pagkain roon, pinagbalat ko rin siya ng mansanas at nilagyan ng orange juice ang isang baso.

"Kumain ka na." sabi ko at inilapag sa katabi niyang mesa ang pagkain.

"Where have you been? Pagkagising ko ay wala ka rito." sabi niya sa akin.

"I went to New Bilibid Prison and visited some rats." walang emosyon saad ko.

"I see, I hope you're feeling well, baby." sabi niya at sinubuan ako ng piraso ng mansanas.

"I am, lalo na at gising ka na, may makakasama na ako magbantay sa baby boy natin." sabi ko at lumipat naman sa puwesto ni Tripp.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, kasi pareho kayong hindi ko kasama, para akong mababaliw. Mabuti na lang at ikaw ay nagising na. Salamat." sabi ko sa kanya.

"Gigising talaga ako kahit hindi mo sabihin, nangako akong hindi kita iiwan." sabi niya bago nagpatuloy sa kanyang pagkain.

Hinaplos ko lang ng hinaplos ang buhok ni Tripp na medyo mahaba, gustong-gusto ko na muling marinig ang boses niya.

"Baby boy, gising ka na, hindi ba marami ka pang toys na hindi nabubuksan? Wake up na, dali." sabi ko at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Our baby is a very strong boy, I know he can recover, he'll wake up because his Daddy will finally make time for him." sabi niya at nalulungkot na tiningnan ang aming anak.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ang kuwarto, iniluwa noon sila Mama, Papa, Kuya Quade at Tita Anabelle.

"Ma, please don't start." sabi ni Khael.

Allured With Your Kisses [Acquisitive Billionaires Series #4 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon