Charotera 17

20.4K 539 105
                                    

A/N: Yesss! Natapos ko din. Pasensya kung medyo natagalan. Busy lang talaga, sa pakikipaglandian, charot lang! hahaha! Dapat kahapon pa 'to kaso sumakit yung ulo ko. Sorry.

Ay nga pala may itatanong ako, sino palang willing magrecord ng kanta or willing maging boses ni DJ Tasya or DJ Beckey kase may paparecord lang sana ko, PM nyo ko kung interesado kayo okie? Lablab :*

Dedicated pala 'to sa isang kaibigan na sobrang bait, sweet, mapagmahal, at lahat-lahat na, in short, nasa kanya na lahat, hahaha! Single sya girls, abelabol na abelabol, hahaha! Idea nya pala yung sa media box, ganun sya ka-creative at katalino, hahaha! Labyu beks! Mwah!

O sya, di ko ulit inedit 'to so kung may mali, keber! hahahaha! TSE!

PS: Pakinggan nyo yung song sa media box, maganda #teamhugot

====================================================================

PRINCESS' POV:

"So Fi, kamusta yung date mo?" nakangiting tanong sakin ni Marlo na kung makatingin eh para bang may alam sya sa kung ano talaga yung nangyari.

"Date?" pagmamaang-maangan ko.

"Yeah, date nyong dalawa ni JOMAY" at talagang may diin pa yung pangalan ha.

"Okay naman" sabi ko sabay kibit-balikat.

"Ay kung makaarte si Fifi parang hindi naman kinilig. Nakakaloka!" iiling-iling na sabi pa nya.

"Bakit naman ako kikiligin?"

"Ay ayan tayo eh, may lihiman na nagaganap sating dalawa."

"Lihiman?"

"Fi nakakasakit ka na ha. Hindi ko akalain na itatago mo sakin yung nangyari kagabi." Sabi nya sabay kunwaring naiiyak. P.S. Ang sarap nyang batukan. Bakit pa kasi ayaw na lang nyang magtanong diba? At kung bakit ayaw nyang sabihin kung anong alam nya kase nahihiya akong sakin manggagaling yung kwento.

"Beks, kilala mo ko, hindi ako makwentong tao. So kung may alam ka, feel free to ask tapos sasagutin ko naman sya ng pawang katotohanan lamang." Nakangiting sabi ko.

"Talaga?"

"Oo kaya wag mo kong artehan dyan. Go na"

"Hmmm, first question, sinong ka-date mo kagabi?" gusto ko sanang sumagot ng seryoso pero natatawa ko sa itsura ngayon ni Marlo. Nagbbeautiful eyes kase pero ndi naman bagay sa kanya.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng isang epal na nakalapit na pala saming dalawa.

"Yours truly" nakangiting sabi pa nito kay Marlo.

"Oh" mas lalo tuloy lumapad yung ngiti ng bakla. Nagpalipat-lipat pa yung tingin saming dalawa nitong bwisit na katabi ko.

"Ganda ng ka-date nya no?" pagyayabang pa ni Maine. Wow, di man lang nya hinihintay na ako yung magcomment ng ganon.

"Naman, at ang swerte ni Fifi no? Sa dinami-dami ng gustong maka-date ka kahapon, sya yung napili mo."

"Oo nga eh. Napilitan kase ko eh. Hindi kasi sinipot nung ka-date nya kagabi. Eh kawawa naman diba kung hindi ko sasamahan. Nag-ayos pa mandin sya tapos nagmakaawa sakin kagabi. Syempre, ako naman na sobrang buti ng kalooban ko at ayoko namang masayang yung pagpapaganda nya, so ayun, sabi ko, sige ako na lang." seryosong sabi pa nito.

Wow ha! Makapagbaliktad ng kwento ah. Sana pala kanina ko pa nakwento kay Marlo habang wala sya.

Magsasalita sana ako pero pinigilan ako ng bwisit kong kaibigan.

"Fifi, di mo na muna kailangang magsalita, nagkkwento si Maine o. Wag kang bastos please" sabi pa nya sakin.

Seriously? Kailangan nila kong pagtulungan ngayon? Ako yung kaibigan nya pero mas sumasakay sya sa mga trip nitong si Maine. Psh.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon