Charotera 42

9.7K 373 26
                                    

AN: O ayan ha, pinilit ko talaga na hindi makatulog ulit kasi nakakahiya naman sa inyo. Tse! Hahaha. O sya, after nito, dalawang chapters na lang at completed na sya. Itaas ang kamay kung mamimiss nyo si Marlo! Charot! Haha. Lablab guys. Mwah 😘

PS. Di ko naedit. Sorna.

=============================

PRINCESS' POV:

"Fi, ganito yung sabihin mo sa kanya, I'm sorry Pot-pot, hindi ako yung nababagay sa'yo, si Marla, oo sya, sya yung itinadhana para sa'yo. Ganyan beks, ganyan ang sabihin mo sa kanya. Para diba, after ng usapan nyo, sya mismo yung lalapit sa akin at buong puso ko naman syang tatanggapin." payo sa akin ni Marlo nung sinabi ko sa kanya na kakausapin ko na si Pot-pot para tigilan na nya yung ginagawa nya.

"As if naman maniniwala sya sa akin diba? Malamang magpari na lang sya kesa naman patulan ka." natatawang sabi ko sa kanya.

Maarte naman syang humawak sa may dibdib nya.

"Aray naman Fi. Minsan, nakakasakit ka na sa mga sinasabi mo sa akin ha. Ganyan ka bang magmahal ng kaibigan?" kunwaring naiiyak na sabi pa nya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. And isa pa, wag kang humarot dahil baka nakakalimutan mo na may boyfriend ka ngayon at may Andy ka pa on the side." sabi ko pa sa kanya.

"O, hindi naman masama na kabilang side si Protacio my loves diba? Fi, hindi mo ba napapansin yung mga tingin nya sa akin? Diba may halong pagnanasa?" sabi pa ni bakler.

"Oo pagnanasa na paslangin ka dahil sa kaharutan mo. Pwede ba Beks, seryoso muna tayo. Wag mo munang isali yang kalandian mo sa pag-uusap natin." inis na sabi ko pa sa kanya.

"Fine. Eh ano bang gusto mong mangyari? Papa'no mo ba sasabihin sa kanya na tigilan ka na nya?"

Nagkibit-balikat naman ako sabay umiling.

"Hindi ko talaga alam eh. Papa'no ba mambasted nang hindi mo masasaktan yung taong babastedin mo?"

"Fi, masasaktan at masasaktan mo sya kahit ayaw mo. Pero sabi mo nga, mas maganda kung malalaman na nya agad na wala syang aasahan kesa naman paasahin mo sya sa wala diba? Mahirap magmukhang tanga Fi."

"Ang hirap kasi eh---"

Nagulat ako nang biglang pindutin ni Marlo yung 'on air' button. Nandito kasi kami ngayon sa station dahil TLG na naman.

"At yun nga po yung request ng ating caller kanina na si Chuckie. Nawa'y nagustuhan mo yung kantang yon na inaalay mo sa iyong pinakamamahal na kabayo. Charot lang!" natatawang sabi pa nya kaya napailing na lang ako. "Pero bago kami tumanggap ulit ng tawag, may isang tanong lang kaming iiwan sa inyo, at kailangang-kailangan po namin ng sagot at opinyon galing sa inyo mga giliw naming tagapakinig."

"Ano yan Beks?" bulong ko sa kanya.

Kumindat lang sya sa akin at nagpatuloy sa sinasabi nya.

"Papa'no mo nga ba sasabihin sa isang tao na hindi mo sya gusto nang hindi sya masasaktan? Ayan po mga kaibigan ang katanungan na gusto naming bigyan nyo ng kasagutan. Tawag lang kayo, or text para sa inyo mga opinyon." sabi pa ni Marlo bago nagpatugtog ulit ng isang kanta.

"The eff Beks? On air talaga? Papa'no kung nakikinig si Pot-pot?" tanong ko sa kanya matapos nyang pindutin yung 'off air' button.

"Beks, wag kang OA. Wala naman akong binaggit na tao diba? And malay naman nya kung tanong lang yon ng isang caller diba? At saka ayaw mo non, makakakuha tayo ng ideya sa mga callers and listeners natin tungkol dyan sa pinoproblema mo. At least after nito, wala na kayong iisipin pang iba ni Maine diba?"

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon