Charotera 10

20.3K 575 57
                                    

A/N: Hey guys, pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update ulit ha! Sobrang busy lang talaga eh, and wala kasing pumapasok sa isip ko. Pero dahil lablab ko kayo at may naisip naman ako, eto na po yung update ko para sa inyo.

Pero bago ang lahat, gusto ko munang batiin ng maligayang kaarawan yung isang friend ko na ubod ng kulit pero mabait naman minsan. And hindi ko rin ipagpipilitan na ipost tong update na to kung hindi nya bday. Haha! Happy bday kay girlfriend @jagsantos31. O ayan ha, eto na yung promise ko. Enjoy sa bday mo! Mwah!

Spoiled ka masyado kulet! Kahit inaantok na ko, hinintay ko talaga 'tong 12MN! Hahaha! TSE!

O sya, enjoy guys! Di ko ulit inedit ha! Mwah!

===========================================================

PRINCESS' POV:

"Hey Marls, what's that? Bakit sila tumatawa na parang wala nang bukas?" takang tanong ko kay Marlo habang tinuturo sila Joel at Andy.

Papano ba naman, nandun sila sa malapit sa station ko tapos tawa nang tawa habang may tinitingnan sa phone. Siguro it's some kinda gross thingy na naman na favorite nilang panoorin. At etong si Joel ha, parang hindi sya humahagulgol sa office nya kanina lang ah!

Oh no! Baka naman nahipan na din ng masamang hangin si Joel kaya ganyan sya. Maybe he's crazy or something. Ibang klase kasi yung tawa eh. Hay nako, kawawa naman kung sino man yung taong pinagtatawanan nila ngayon.

"Gusto mo talagang malaman beks?" pigil din yung tawang tanong ni Marlo.

"Uh, yeah!" I told him err, I mean her while rolling my eyes.

"Psst, pretty boys!" sitsit nya dun sa dalawang mukhang tanga na ayaw mong tigilan yung kakatawa. Parang mga ewan eh. Pag lang ako hindi natawa dyan sa pinapanood nila, patay talaga silang dalawa sakin.

"Yow guys! Can I see that? Yang kawawang pinagtatawanan nyo?" nakangiting tanong ko sa kanila.

Napakunot yung noo ko nung mas lalo silang tumawa nang makita akong papalapit. Aba teka. Parang hindi ko gusto yung mga tinginan at tawanan na yon ah.

Inis na inagaw ko kay Joel yung hawak nyang phone at ganon na lang yung pagsimangot ko nang makita ko yung video na pinagtatawanan nila. WTH! Ako 'to. Yung nangyari kanina. Bakit may video? So imbes na icomfort nila ko dahil sa nangyari kanina, tinawanan lang nila ako ng bongga?

"Who the hell did this? Sinong nagvideo sakin?" inis na tanong ko.

Walang sumagot sakin dahil tumatawa pa rin silang dalawa.

Inuubos talaga nila yung pasensya ko ha!

"Uulitin ko ha. SINONG. NAGVIDEO. NITO?" mas inis kong tanong.

Sabay naman na nagkibit balikat yung dalawa. At sa sobrang inis ko, itinapon ko yung phone dahil naririnig ko yung boses ko and yung boses nung gf ni Justine. Grabe, mala-armalite talaga yung bunganga ng babaeng yon.

Bigla namang nawala yung tawa ni Joel at biglang nanlaki yung mata dahil sa ginawa ko sa phone nya.

"Princess, bakit mo hinagis 'to?" sabi nya sabay pulot sa phone nya.

"Wag kang OA Joel, experia yan, kahit ilang beses kong ihagis yan, hindi masisira yan. At dun sa tanong mo, hinagis ko yan kase nakakabwisit kayong dalawa ni Andy. Imbes na icomfort nyo ko dahil dun sa nangyari sakin kanina, pinagtawanan nyo pa ko. And worse, kinunan nyo pa ng video. See Joel, yan yung reason kung bakit ayokong maging host ng program na yan. Papano kung tinuloy nya yung banta nya na pupuntahan nya ko, anong gagawin nyo? Wala diba? Oh, baka kuhanan nyo rin ng video at gawin nyong katatawanan." Seryosong sabi ko sa kanilang dalawa.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon