Charotera 35

10.2K 338 14
                                    

PRINCESS' POV:

"Phoebe!" agad naman akong napalingon nung narinig ko yung boses na yon. Napangiti ako nang makita kong naglalakad sya papalapit sa akin para salubungin ako.

"Patring!" masayang sabi ko naman sabay lakad din palapit sa kanya.

Grabe, namiss ko sya. Sobrang namiss ko yung pinsan ko na 'to. Agad ko syang niyakap nang makalapit ako sa kanya.

"Grabe namiss kita insan, sobra!" nakangiting sabi ko pa sa kanya pagkatapos naming maghiwalay.

"Namiss na rin sana kita kaso nastress ako dun sa itinawag mo sa akin. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na Trish or Trisha na lang yung itawag mo sa'kin. Ang bantot nung Patring no!" natatawang sabi naman nya.

"Hello. Eh sa yun naman talaga yung tawag ko sa'yo noon no!"

"Noon yon. Iba na ngayon. Trisha na. Ugh!" sabay paikot pa ng mata nya.

Natawa naman ako. Hay nako, same old Patricia. Hindi pa rin talaga sya nagbabago. Maarte pa rin. Kaya nga sa aming magpipinsan, kami yung pinakaclose eh. Sabi kasi nila, pareho daw kaming maarte nitong babaeng 'to. Pero syempre, hindi totoo yon. Ang bait-bait ko kaya compared sa kanya no! Duh.

"Prinsesa!" napakunot naman yung noo ko habang nagtatanong yung mga matang tumingin ulit kay Patring.

Ngumiti naman sya ng pilit sa akin sabay peace sign.

"Sorry na. Nung nalaman nya kasi na susunduin kita, nagpumilit sumama. Alam mo naman kasi na patay na patay sa'yo yan noon pa diba?" hinging-paumanhin naman nya.

Huminga muna ako nang malalim bago tumingin dun sa pinanggalingan ng boses. Mas lalo namang kumunot yung noo ko. Anyare? Sya ba talaga yon?

"Oo. Si Protacio yan. Gulat ka no? Iba na yung itsura nya." natatawang bulong sa akin ng pinsan ko nung napansin nyang nakakunot yung noo ko.

"Weh? Di nga?" tanong ko pa habang nakatingin sa papalapit na lalaki sa amin.

Tangina, ang gwapo nya, promise! Inames! Ibang-iba talaga yung itsura nya ngayon. Jusko, kung hindi ko lang siguro mahal si Maine, malamang, ako pa mismo yung magyayayang magpakasal sa lalaking 'to. Ugh! Yummy.

"Yeah. Gusto nya daw kasi, pagbalik mo, hindi na sya yung dating lampa at iyakin na lagi mong pinagtatanggol sa mga nambubully sa kanya." bulong pa ni Patring.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin si Protacio kaya napangiti ako nang magtama yung mga mata namin.

"Hi." nakangiting bati nito sa akin.

"Uy Pot! Grabe, ang gwapo mo na ngayon ah." nakangiting sabi ko naman sa kanya kaya bigla syang namula. Aw, cute. May mga lalaki pa palang nagbblush ngayon, hihi.

"Uh. Dili man." sabi pa nito sabay kamot sa ulo nya kaya mas lalo syang gumwapo. Grabe, hindi talaga ako makapaniwala sa transformation nya. Nagpaplastic surgery ba sya?

Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ni Patring.

"Insan, laway mo, tumutulo. Kalma. Halata ka masyado eh." natatawang bulong pa nya sa akin kaya agad ko syang binatukan.

"Siraulo! Nagulat lang ako dun sa pagbabago nitong si Potpot. Heartthrob ka na siguro ngayon no Pot?" tanong ko pa sa namumula ko pa rin na kababata.

"Ay oo. Sikat na kaya yan. May video pa yan na nagviral. Yung twerk-twerk!" sabi pa ni Patring kaya mas lalong namula si Potpot.

"Uh, d-dalhin ko na lang muna 'tong mga gamit mo sa sasakyan Prinsesa ko." nakatungong sabi pa nya sabay buhat sa mga gamit ko.

Natatawang sinundan naman namin sya ng tingin ni Patricia.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon