Charotera 40

9.8K 364 22
                                    

PRINCESS' POV:

"Goodmorning Love." napangiti naman ako agad nung marinig ko yung boses na yon. Grabe, hanggang panaginip ba talaga maririnig ko sya? Hihi.

"Goodmorning too, Love." sagot ko naman sa kanya. Hay, kelan kaya mangyayari yung gigising ako araw-araw na sya yung katabi ko?

"Not that I'm complaining ha, pero gusto ko lang itanong kung bakit dito ka natulog sa tabi ko? Okay lang ba 'to kay Amang?" narinig ko pang tanong nya kaya biglang nawala yung ngiti ko at agad nagmulat ng mata.

Ganun na lang yung pagkapula ko nung sya agad yung nakita ko pagmulat ng mga mata ko. Oh my shoogs! Shet, dito nga pala ako natulog kagabi. Sabi ko, mas aagahan ko yung gising para makalipat ako sa kwarto ko nang hindi nila namamalayan.

"Uh- ano, yung ano kasi---"

"You really are cute Love. Lalo na when you're blushing." nakangiting sabi pa nya kaya mas lalo akong namula.

"Eh kasi nga ano. Yung ano." shocks, wala talaga akong masabi, leke.

"I don't mind though. Mas gusto ko nga na ikaw yung unang nakikita ko paggising ko. Can we do this more often?" sabay bigay pa sa akin ng nanunuksong ngiti.

Oh fudge. Bakit ba kanina pa ako namumula? Ugh!

"S-sila Marlo kasi, sabi dito na lang ako matulog para daw mabantayan kita dahil nga diba, sobrang napagod ka kahapon. B-baka lang kasi sumakit yung---"

"Love, no need to explain. I was just teasing you kanina." sabi pa nya sa akin.

"O sya, lipat na ako sa kwarto ko bago pa may makakita sa akin dito. Mag-ayos ka na dahil may ipapagawa ata si Amang ngayon." sabay ngiti ko sa kanya.

Agad naman akong tumayo at akmang lalabas nang bigla kaming may narinig na katok.

"Jarmaine, Marlo, gising na ba kayo?" napatigil naman ako sa pagbubukas ng pinto at parang may kabayong nagkakarera sa dibdib ko. Anak ng pakingshet talaga. Ang bilis ng tibok ng puso ko o. Bakit ang agang gumising ni Inang? Shet shet shet talaga.

Kahit si Maine ay kinakabahan ding nakatingin sa akin. Well, malamang, ayaw nyang mabadshot kay Amang at Inang eh. Oh f*ck! Anong gagawin namin ngayon? Bakit kasi ako nagpauto at nagselos sa lintek na pinsan ko eh. Ayan tuloy, lagot talaga kami ngayon.

"Jarmaine, Marlo?" tawag pa ni Inang sa kanila.

Shocks. Kilala ko si Inang. Hindi sya aalis hangga't hindi gumigising yung dalawa. Lagot na talaga kami.

"What will we do?" Maine mouthed.

Kinakabahang umiling lang ako sa kanya. Hay, wala naman talaga kaming magagawa eh. Malalaman at malalaman din naman nila Inang so eto, lalabas na lang ako. Patay talaga ako nito. Hay.

Hindi naman ako makakapagtago sa kung saan dito sa kwarto dahil alam kong mahuhuli din kami ni Inang. Malakas yung pang-amoy nyan eh, parang si Amang lang. Ugh!

Akmang bubuksan ko na yung pinto nang biglang may nagsalita sa likod namin ni Maine.

"Mabuti na lang at ginising agad ako ni Trish ganda. Kung hindi siguro, baka hinimatay na kayong dalawa sa sobrang kaba dyan. Kaloka kasi kayo, aga-agang landian, ayan tuloy." natatawang sabi nito kaya sabay kaming napalingon ni Maine dito.

"Beks?" takang tanong ko sa kanya. Anong ginagawa nya dito? Papa'no sya nakapasok?

Naiiling na inginuso naman nya yung pinto sa tabi nya. Natatawang naiiling na napatapik naman ako sa noo ko. Ay tanga, bakit ba nakalimutan ko na connected 'to kwarto na 'to kwarto ko. Meron nga palang connecting door dito. Ugh.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon