Charotera 41

9.7K 350 17
                                    

AN: Ay di ko pala napost kaninang 12mn. Nakatulog pala ako. Sorna. Haha. Enjoy 😘

=============================

PRINCESS' POV:

"What?!" medyo OA na sigaw ko. Papa'no si Amang, sinabi kay Maine na kailangan nyang magtanim at mag-araro ngayong araw. Actually, silang dalawa ni Pot-pot. Jusko, kaya pala kami pinagpalit ng damit kasi gagawin nyang magsasaka yung future girlfriend ko.

"May reklamo ka ba prinsesa ko?" tanong naman sa akin ni Amang.

"Bakit hindi na lang si Pot-pot? Tutal sya, sanay naman sa ganyan. Si Maine kasi---"

"Kaya ko Princess. Kaya ko 'to." putol ni Maine sa sasabihin ko.

"Pero."

"Hindi lang yang Pot-pot mo yung may kakayahan na patunayan sa Amang mo na karapat-dapat sya sa'yo. Kaya ko rin." sabi pa nya.

"Ano?"

"Minsan try mong magtiwala sa kakayahan ko. Kapag sinabi kong gagawin ko lahat, ibig sabihin, hindi ako susuko sa kahit anong ipagawa nila. Kung kaya ng Pot-pot mo, kaya ko rin." cold na sabi pa nya sa akin.

Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na nya ako at nilapitan yung kasama ni Amang na magtuturo sa kanya kung ano yung kailangang gawin. Naiwan tuloy akong nakaawang ang bibig dito.

Grabe ang cold, parang nagsnow sa sobrang lamig.

"Ayan, lagi mo kasing pinapangunahan eh. Feeling tuloy nung tao, wala kang tiwala na makakaya nya lahat." sabi sa akin ni Patring nung makalayo na rin sila Amang at Pot-pot.

Sabi kasi ni Amang sa amin, dito lang daw kaming lima. Gusto sana naming tumulong pero hindi daw pwede. Hayaan daw namin sila Maine at Pot-pot. Ugh!

"Oo nga. Tapos parang pinamukha mo pa sa kanya na mas magaling si Protacio sa kanya. Aba, masakit yun sa ego naming mga lalaki no!" komento naman ni Joel.

"Siraulo! Babae si Maine. Hindi sya lalaki." natatawang sabi ko naman.

"Ang point namin, hindi mo dapat pinaparamdam sa kanya na parang wala kang tiwala sa kakayahan nya." sabi naman ni Andy.

"May tiwala naman ako. Ayoko lang syang mahirapan. Baka lang kasi hindi sya sanay sa ganyan diba? Hello, hanggang ngayon, alam kong masakit pa rin yung katawan nya dahil sa pag-iigib nya kahapon."'depensa ko naman sa sarili ko.

"Hayaan mo sya beks. Keri nya yan. Sya yung may katawan kaya sya lang yung makakaalam kung kakayanin nga nya or hindi. And kung totoo man yang sinabi mo na masakit nga yung katawan nya, dapat nga maging proud ka pa rin kasi kahit ganon, ayan, ginagawa nya yan. Ibig sabihin, determinado sya na matanggap talaga ng parents mo. Aba, hindi lahat ng manliligaw ganyan. Yung mga kabataan ngayon, text lang, chat lang, tawag lang, sila na agad. Wala na ngayong ganyang klase ng panliligaw." sabay nguso nya kay Maine na nagsisimula nang magtanim.

"Oo nga insan. Kesa kontra ka ng kontra, bakit hindi mo na lang suportahan diba? Sabi nga nya, nawawala naman yung pagod nya kapag nandyan ka sa tabi nya diba?" sabi naman ni Patring.

"O eh papa'no sya makakapagtrabaho ng maayos kung nasa tabi nya ako? Madidistract lang sya sa kagandahan ko." sabi ko sabay flip ng buhok ko.

"Ay wow, ngayon alam ko na kung bakit sobrang lakas ng hangin dito. Akala ko 'te, si Pirena ka, aba'y si Amihan pala?" sabi ni Marlo kaya biglang natawa yung mga kasama namin.

"Pero at least diba, dahil sa hangin ni Princess, hindi tayo naiinitan dito habang nanonood sa mumunting contest nila Maine at Protacio." sabi pa ni Andy kaya inirapan ko na lang sya.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon