Charotera 8

18K 550 70
                                    

A/N: Hoo! Natapos ko din. Kala ko hindi na ko makakapagpost ng update bago ko umalis mamaya eh. Buti na lang may pumasok sa isip ko. Salamat kay Daniel Padilla, hahaha!

Dedicated pala tong chapter na 'to sa isa sa mga kaibigan ko dito sa wp, kay beb. si drifter_01, salamat sa pagpapahiram ng pangalan beb :) Pakitulungan nyo nga akong humingi ng update sa kanya, ang tagal nyang nawala eh. Sobrang namiss ko sya. As in! Kaso masungit pa rin sya hanggang ngayon. Pero keri, kaya nga kami nagkakasundo eh, kase pareho kaming masungit at mataray, haha! Charot lang!

O sya, late na, kailangan ko nang matulog kase pinapagalitan na ko dito, hahaha! Enjoy guys. Wala munang caller dito, sa susunod na lang siguro. Pwede din kayong magpm sakin para humingi ng advice or kung may mga tanong kayo. Promise, sasagutin ko lahat ng tanong nyo, wag lang about sa history please! thanks!

Yiee, excited na kong makita si Pong Pagong bukas. *hart hart*

Yung nasa media box pala, na-LSS lang ako sa kantang yan kanina hahaha!

Enjoy! Mwah! P/S: kung may mga mali, pakisabi na lang, antok na kasi talaga ko eh. Thanks!

=====================================================================

PRINCESS' POV:

"One week na ah, wala pa rin sya?" takang tanong ni Marlo habang nakatingin sa station ni Maine.

"Maaga pa naman, malay mo dadating mamaya. Nasa kanya yung script diba?" patay-malisyang sabi ko. Kahit anong totoo, kanina ko pa rin sya hinahanap. Ewan ko, parang hindi ako kumpleto nung 1 week na wala sya. Syempre hindi ako nagpahalata kay Marlo, ayoko na rin kasing magtanong sya eh.

Well, ok naman talaga yung buong week ko, nanood kami ng UAAP and nanalo yung Ateneo, halos mawalan pa nga ako ng boses non eh, pinaalalahanan lang ako nila Marlo and Andy na hindi ko pwedeng imurder yung boses ko dahil may 'Love Guru' ako.

And kung itatanong nyo naman si JAM, ganun pa rin sya, everyday nagpapadala ng kung anu-ano. In a way, napapangiti naman nya ko kahit nalulungkot ako na wala dito si beach. Ano na naman kaya yung ipapadala nya mamaya?

"Hi guys!" nakangiting bati samin ni Andy.

"Naks, saya natin ngayon Ands ah! Anong ganap?" tanong ko sa kanya.

"Tinatanong pa bay an beks? Malamang dahil may magbabalik na ngayon araw" paismid na sabi sagot naman ni Marlo.

Ay si beks, may selos effect pang nalalaman, akala mo jowa. Eh kung chinechenelyn forte ko sya ngayon sa boyfriend nya! Baklang to, ang harot-harot!

"Wala pa nga eh. Kanina ko pa nga hinihintay." Excited pang sabi ni Andy.

"At bakit mo naman sya hinihintay Andres?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Akala ko ba may usapan na tayo na hahanap ka na ng iba? Ano't umaasa ka na naman?"

Bigla naman syang napakamot sa ulo nung nagtanong ako.

"Eh kase nung wala sya, lagi kaming magkatext, ayun sweet na naman sya sakin, ewan ko ba don" paliwanag nya samin.

Mas lalo namang tumaas yung kilay ko.

"Nagtetext sya sayo? Eh bakit sakin ni hindi man lang sya nagrereply?" inis na tanong ko.

Ilang beses akong nag-hi at nangamusta sa kanya habang nakaleave sya pero ni ha, ni ho, wala man lang syang sinagot. Tapos malalaman ko na lagi silang magkatext ni Andy. Ano pag sakin dedma lang? WTF!

"Ay beks OA? Malamang hindi ka naman nya ex, and hello, baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka sa kanya. May karapatan syang dedmahin ka."

"Kasalanan?" takang tanong ni Andy.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon