Charotera 32

11.1K 375 18
                                    

PRINCESS' POV:

"Eh bakit po ba nya ako pinapaasa? Bakit po nya sinabi sa akin na mahal nya ako pero hindi naman po pala nya ako kayang panindigan? Tapos bigla na lang po syang nawala na parang bula. Ni hindi man lang po nya nagawang magpaalam sa akin. Nilandi nya ako pero umiwas din sya. Ang sakit lang po DJ Tasya. Sana po hindi ko na lang sya nakilala!" naiiyak na kwento nung caller namin ngayon ni Marlo sa The Love Guru.

Hay, kahit siguro ako. Kung ako yung nasa sitwasyon nya, masasaktan din ako. Mahirap kasi talaga yung malaman mo na hindi ka pala kayang panindigan ng taong mahal mo. Na mas iisipin pa nya yung pwedeng maramdaman ng ibang tao kesa sa nararamdaman mo.

"Well, masakit naman talaga yung ginawa sa'yo nyang lalaking yan. Sino nga ba naman yung gustong mapaasa diba? Yung akala mo mahal ka rin pero hindi pala. Pinaglalaruan lang pala nya yung feelings mo. Pero alam mo, hindi ako sang-ayon dyan sa sinabi mo na sana hindi mo na sya nakilala." sabi ko naman sa kanya.

"Bakit po? Eh diba po kung hindi ko sya nakilala, hindi po ako masasaktan ng ganito?" tanong pa nya.

"Dun ba sa mga panahon na 'naglalandian' kayo, ni minsan ba, hindi ka naging masaya sa kanya?" balik-tanong ko naman sa kanya.

Sandali naman syang natahimik sa kabilang linya na parang nag-iisip.

"Ang totoo nyan DJ Tasya, nung mga panahong yon, yun na yata yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Naranasan ko po kasi na alagaan, pagsilbihan, at mahalin ng isang katulad nya. Alam nyo po yon, araw-araw, gigising ako na may ngiti sa mga labi dahil alam ko na nandyan sya para sa akin." kwento naman nya kaya napangiti ako.

"O see? Kung hindi mo sya nakilala, tingin mo ba magiging masaya na tulad noon?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi po. Siguro nga po, sobrang saya ko sa piling nya noon kaya sobrang sakit po yung nararamdaman ko ngayon. At kung meron man po akong gustong balikan na ala-ala, yun yung masasayang araw po naming dalawa." sagot naman nya.

"Yun naman pala eh. Bakit sinabi mo kanina na sana hindi mo na lang sya nakilala?"

"Siguro po dahil nadala na rin po ako ng galit ko. Dahil nga po sa ginawa nya."

"Eh papa'no kung may mabigat na dahilan pala sya kaya nga nagawa sa'yo yan tapos bumalik sya sa'yo, kapag galit yang pinairal mo, hindi kayo magkakaintindihan, maaaring mawala sya sa'yo ng tuluyan." sabi ko pa.

"Ano po bang dapag kong gawin?" tanong pa nya.

"Wag mong pairalin yung galit mo. Kung saka-sakaling bumalik sya sa'yo at nagpaliwanag, pakinggan mo muna sya bago ka magdecide kung tatanggapin mo pa ba sya or tuluyan nyo na lang tatapusin yang kung ano mang tawag sa relasyon nyo." paliwanag ko pa sa kanya.

"Pero po--"

"Mahal mo pa ba?" putol ko sa sasabihin nya.

"Sobra po." sagot naman nya.

"Kung ganon, makinig ka sa sinabi ko sa'yo. Pakinggan mo muna kung bakit nya ginawa yon. Wag kang magalit agad sa kanya. Mas maganda kasi na sa isang relasyon, pinag-uusapan muna ng maayos ang mga bagay-bagay at hindi dapat pinapangunahan ng galit. Wala kasing mangyayari kung yun yung papairalin mo. Hindi kayo magkakaintindihan, at hindi nyo maaayos kung ano man yung problema nyo." sabi ko pa.

"Naintindihan ko po DJ Tasya. Sabi ko na nga ba, ikaw lang yung makakatulong dito sa problema ko eh. Salamat po. Wag po kayong mag-alala, sakaling bumalik man sya, mahinahon ko po syang kakausapin at papakinggan ko po ng mabuti yung paliwanag nya." sabi pa nya kaya mas lalo akong napangiti.

"Good girl. At dahil dyan, eto na yung request mong song kanina Mariela. Sana magustuhan mo." nakangiting sabi ko bago ipagtugtog yung nirequest nya kanina na 'Somewhere down the road' ni Nina.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon