Charotera 9

20K 585 215
                                    

PRINCESS' POV:

"Anong ganap beks? Ba't ganyan yung itsura mo? Bakit mas mukha ka pang byernes santo kesa dun sa itsura ni Joel kanina? Aba nung lumabas sa office ang damuho eh nakangiti na ah!" tanong sakin ni Marlo nang pumasok ako sa booth.

"Wala beks" malungkot na sabi ko.

Ewan ko ba. Parang bigla akong nanghina nung hindi pinansin ni Maine yung sinabi ko sa kanya. May nakita akong kung ano sa mga mata nya eh, nakita kong gusto nya rin akong makita. Pero dahil nga sa naabutan nyang eksena namin ni Joel kanina, dedma lang yung peg sakin ni atey.

"Wala pero para kang namatayan ng ingrown dyan sa itsura mo. Yeng tetee? Anong ginawa sayo ni Joel sa loob?"

"Wala nga! Ang kulit mo naman eh. At kaya nakangiti yon eh dahil mukhang okay na sa kanya lahat ng nangyari"

"Anong lahat beks. Explain further please."

"Kase beks, engaged na pala yang si Joel, bukas na nga dapat yung kasal nya eh!"

Bigla namang nanlaki yung mata nya dahil sa sinabi ko.

"Huwatt?! So kaya naman pala ganyan yung itsura mo ngayon! I'm sorry beks, I'm really sorry pero kailangan mo nang magmove-on day! Wag na wag mong tatangkain na pumunta sa simbahan bukas at magsisigaw don ng itigil ang kasal ha! Sasabihin ko talaga sa lahat na hindi kita kakilala. Hu u ka talaga sakin beks!"

"Dami agad sinabi beks? O eh kung alam mo na naman pala lahat, bakit pa ko magkkwento?"

"Eto naman hindi na mabiro. Gora na kwento na ulit. Spluk mo na yan day habang hindi pa tayo nagsisimula."

"Isa pang beses na magcomment ka, hindi ko na itutuloy ha!"

"Fine!"

"Okay, so yun nga, dapat nga bukas yung kasal nya pero hindi natuloy yung kasal kase yung girlash na papakasalan nya eh nagkagusto dun sa matchmaker nila."

"Matchmaker? Kaloka, so si Kuyang matchmaker, inagaw yung bride-to-be ni Fafi Joel?"

"Actually, babae yung matchmaker"

"What lang ha! Isa pa ulit huwatt?! Ka-federasyon yung bride-to-be ni Joel?"

Tumango-tango naman ako.

"Ah kaya naman pala ganon yung reaction ni Fafi eh. Yun ngang maagaw sa kanya yung mapapangasawa nya eh masakit na, ano pa kaya yung babae yung makaagaw sa'yo diba? Aba parang dalawang eklog yung nabasag sa pride nya non!"

"Plangak bek! Kaya yun kahit masakit sa kanya, pinakawalan nya yung Michelle kase mas importante daw sa kanya yung happiness ni girlash!"

"Ay taray pang-MMK beks! Itext lang sa 2222 ang tamang title at manalo ng isang kaing na kamartiran!" nailing na sabi nya.

"Actually beks, para sakin tama naman yung ginawa ni Joel eh. At least, nasaktan man sya, isa lang sya diba? Kesa naman kung pinagpilitan yung gusto nya, masaya sya oo, pero dalawa yung magdudusa dahil lang sa ka-selfishan nya diba?"

"Gets ko naman yung point nyo bek. And hindi ko naman sinabing mali yung ginawa ni Fafi eh. Ang totoo nyan beks, bet na bet ko yung ginawa ni Fafi. Gusto ko tuloy syang palakpakan sabay standing ovation! Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit sya yung minahal mo eh!"

"Yeah!"

"So ano, rebound yung peg mo ngayon?"

"Witchikels beks! Sa ganda kong 'to, papaya akong maging rebound and isa pa..." kailangan ko na bang sabihin sa kanya yung naramdaman ko kanina?

"And isa pa?"

"Hindi naman ako type ni Joel" saka na. Saka ko na sasabihin pag sigurado na talaga ako.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon