Charotera 7

18.5K 541 95
                                    

A/N: O ayan ha, kahit nilalagnat ako, nag-update pa rin ako, ayoko kasing mamiss nyo si DJ Charotasya eh. Pasensya na rin pala kung medyo sabaw tong update na 'to, wala lang kasi talagang pumapasok sa isip ko. Pero sana magustuhan nyo sya ^_^

P/S: Di ko ulit sya na-edit. Love you guys!

==========================================================

PRINCESS' POV:

"Miss mo na?" narinig kong bulong sakin ni Marlo.

Kanina pa nya siguro napapansin na hindi ako mapakali. After kasi ng program last night, I tried to talk to Maine ulit kaso sabi nila maaga daw umuwi kasi sumama daw yung pakiramdam nya. And of course, alam naman natin lahat na ako yung dahilan kaya 'SUMAMA' yung pakiramdam ni Maine diba? Kaya kanina, medyo maaga akong pumasok para nga makausap ko sya. Kahit papano naman kase nakaramdam pa rin ako ng guilt dahil dun sa narinig nya kahapon. Pero totoo naman kasi yon, hindi naman sa against ako sa ganong klase ng relationship, it's just that hindi ko maimagine yung sarili ko maiinlove sa babae, and worse, sa isang tulad pa ni Maine.

And yun nga, hindi ako mapakali kase hanggang ngayon wala pa rin si Maine, and sa pagkakakilala ko sa kanya, never naman sya na-lelate or umaabsent, don't tell me dahil pa rin yun sa narinig nya kahapon ha!

"Hoy babae! Tinatanong kita kung miss mo na?" tanong ulit ni Marlo habang niyuyugyog ako.

Nakng! Masakit yun ha!

"Ano ba kasi yon?" inis na tanong ko pa.

"Kase kanina ko pa tinatanong kung miss mo na si---"

"Bakit ko naman sya mamimiss? Close ba kaming dalawa? Ni hindi nga kami masyadong nag-uusap diba? Pwede ba Marlo!"

"Marla ok?! Ilang beses na yang Marlo na yan eh! And FYI, si Joel yung tinatanong ko, kung namimiss mo na, anong pinagsasabi mo dyan na hindi kayo close. Kelan pa kayo hindi nag-uusap?" takang tanong nito.

Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi nya. Holy cow! Bakit ba kasi yun yung nasabi ko? Bakit ba kasi si Maine yung nasa isip ko at hindi si Joel?

"Nevermind" patay-malisyang sabi ko.

Malisyosang tumingin naman sakin si Marlo.

"Yeng tetee te? Sino yung nasa isip mo? Si Maine no?" tukso nya sakin.

"What? NO!" defensive na sagot ko.

"No daw, eh kanina ka pa tingin ng tingin sa station nya eh."

"Bat ko naman sya mamimiss?"

"Sige te, maniniwala na lang ako na hindi mo sya namimiss kase medyo lumalakas na yang boses mo at pinagtitinginan na tayo ng iba" sabi nya sabay turo sa mga kasama namin.

"Pero hindi naman kasi talaga eh"

"Okay fine, hindi na kung hinde, pero kung curious ka, 1 week mawawala si Maine kase naka-leave sya. Nagfile daw last night."

Tumango lang ako at nagkunwaring hindi interesado, ayoko naman kasing isipin ni bakler na may pakelam ako sa babaeng yon.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot kase mawawala sya ng one week. Ibig sabihin, walang mangungulit, wala akong kaiinisan, walang lalandiin si Joel ng isang linggo. Oh well mas pipiliin ko na lang yung una kase yun naman talaga yung nararamdaman ko. Oo yun nga, masaya ako na wala. Oo tama. Yun nga yung gusto ko. Masaya talaga ko. Promise. Okay tama na, parang nagiging defensive na ko.

"Friend, alam mo kung itatapon kita sa ilog, lulutang ka."

Takang tumingin naman ako sa kanya.

"At bakit naman?"

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon