Charotera 20

21.5K 574 60
                                    

A/N: Shanan! Booshoom! hahahaha! Oha, eto na yung update ko kay Maine at kay Princess. Sa mga nagtatanong kung bakit walang POV si Maine, sumandali lang kayo, magkakaron yan, sa tamang panahon. Kalma lang. And pasensya na kung natagalan ha, naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw. Pero tulad nga ng sabi ko, gagawin ko lahat para makapag-update ng bongga sa mga susunod na araw. Promise yan. O sya, ndi ko na-edit to, enjoy na lang kayo. Saka na yung moment moment nila ha, wala pa ko sa mood magpakasweet ngayon eh. Nauumay kase ko sa sweetness ng mga kaibigan ko at ng mga jowa nila. Charot! hahahaha!

Dedicated pala 'to sa pinsan ko na napakagaling din na writer, ang sikat na sikat na si JellOfAllTrades. Sya kasi yung naalala ko sa kanta sa mediabox eh, hahaha! Hello insan idol! Mwah! :*

'Pero wag mag-alala, di na kita gagambalain, alam ko namang ngayon, may kapiling ka ng iba'

Charot! Natuwa kase ako nung kinanta natin yan, hahahaha! Nasa tabi pa kita nung kinanta mo yan, yiee, hahahaha!

==========================================================

PRINCESS' POV:

"Wow beks! Yayamanin din naman pala yung family nyo dito sa Laguna eh" manghang-manghang sabi ni Marlo habang nakatingin sa bukid namin sa Laguna.

Kapag mahal na araw kase, umuuwi muna ako dito sa mga Tita ko kase di ko naman kering umuwi samin sa Bacolod diba? So simula nung nag-aral ako at nagwork sa Manila, dito ko sa mga Tita ko nakikicelebrate ng mahal na araw. Madami kasi kaming activities na ginagawa eh. Mamaya ng onte, mag-aalay lakad kami pa-Landayan. Yung from dito sa bahay nila, lalakarin namin hanggang dun sa simbahan. Medyo malayo and nakakapagod pero okay lang. Penitensya nga diba? At eto nga, dahil wala naman daw syang gagawin sa bahay at hindi naman daw nya makakasama ngayon yung bf nya, isinama ko na lang muna 'tong si beks dito. Nagpumilit eh. Actually, hindi lang si beks----

"Oo nga, ang sarap nga dito. Ang fresh ng hangin talaga dito sa bukid. At ang ganda ng tanawin" nakangiting sabi nung nagsalita sabay kindat sakin.

At hindi naman kayo nagkakamali. Si Maine nga yong nagsalita na 'yon. Nagpumilit din syang sumama dahil nainggit kay Marlo. Wala din naman daw syang gagawin at gusto daw nyang makilala yung family ko dito sa Laguna. May drama pa nga sya na magsisibak sya ng kahoy at mag-iigib para lang panggatong at panligo.

Eh kung hindi ba naman sya siraulo, eh hindi naman porke probinsya 'tong Laguna eh wala kaming gripo at kalan no! Ibang klase talagang mag-isip 'tong Jarmaine na 'to. Ang sarap i-flying kick. May sinasabi pa sya kanina na ipagpapaalam nya ko kase itatanan nya ko, juice colored, kelan ka pa nakakita ng nagtanan na nagpaalam? Ang weird nya talaga. Ang weird weird ni Maine.

"Mas maganda ka pa tanawin dito Maine" sabi naman ni Andy.

Oo nga pala, kasama din sya and si Joel. Wala eh, narinig yung usapan naming tatlo kahapon kaya yun, nagpresinta pa na sila daw yung halinhinang magddrive para samin, ayaw daw nilang mapagod kami sa byahe eh, kaya sila na lang daw. OA lang din eh no? Halos 2 hrs lang yung byahe, may sinasabi pa silang halinhinang magddrive. Nakakahiya naman sa tig-isang oras nila no? Pagod na pagod sila sa pagddrive non if ever. Ang sabihin nila, naexcite lang sila dun sa boodle fight na kinwento ko and dun sa pagbubuhos ng tubig na maraming yelo kapag Good Friday.

At etong si Andy, hanggang dito ba naman eh bumabanat sya kay Maine? Kahit alam na nya hindi naman talaga sya yung mahal talaga ni Maine. Pero hindi pa rin namin sinasabi na 'ako' yung tinutukoy ni Maine na mahal nya. And yung sa program, buti na lang hindi sya nakikinig non and pati na rin si Joel so wala namang interogasyon. Nakakaloka naman kasi 'tong si Maine, on-air talagang nakipaglandian. Buti na lang talaga, hindi mahilig makinig yung mga kasama namin sa station.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon