Chapter 2

654 24 0
                                    

Chapter 2

Gabi na ng umuwi si Mr.Albert galing sa kompanya at pagbungad nya sa bahay ay mismo namang paglabas ni Yohanne na halatang bagong ligo.

"hindi ka umuwi sa condo mo?" tanong agad nito kay Yohanne pero hindi nya ito sinagot sa halip ay naupo sa sofa habang nagtatype sa cellphone.

"kailan ka pa na pepe jacob?"
Pang aasar nito sa anak

"eh ikaw dad kaylan pa ako nagkaroon ng kapatid sa labas?" nagsalita lang ito pero hindi tumitingin sa ama. Natigilan naman ang ama nito at tumingin tingin sa sala ng hindi matagpuan ang hinahanap ay tumingin ulit sya sa anak.

"where is she?"takang tanong nito sa anak

"tsk saan pa ba?eh di pinaalis ko" walang ganang sagot nya sa kanyang ama saka sya napatingin ng biglang tumayo ito at nagtama ang tingin nila na halatang nagpipigil ng galit ang ama

"Jacob?! Bakit mo sya pinaalis? dito sya titira!" sumigaw na ito pero si Yohanne ay kalmadong kalmado pa rin

"anong ginawa nyo dad? ang alam ko wala akong kapatid sa labas o kay mom saang lupalop mo sya nakuha?" mahinahon lang nitong sabi pero nagtitiis na hindi sumigaw.

"akala ko pa naman hindi ka katulad ng iba tapos malalaman ko may kapatid ako? wow lang dad ah sobrang saya! kung ito lang naman sana ang mangyayari eh di sana pinayagan mo na akong sumama kay mommy!" galit nitong sabi habang ang ama naman ay napaupo naman sa sofa

"hindi mo ko naiintindihan"
mahinahon na rin nitong sabi

"then explain it to me" medyo mahinahon na rin sagot ni Yohanne.

"Elisse mother died tatlong araw  pa lang nakakalipas at yung nanay nya ay nililigawan ko"

Nakikinig lang si Yohanne habang ang kanyang ama ay seryosong nakatingin lang sa kanya saka naman umiwas si Yohanne

"i'm sorry kung tinago ko ito Jacob pero 6 months nakalipas nung pumunta ako sa probinsya nila para sa kompanya ko doon at nakilala ko ang mama nya at niligawan pero dahil mahal ko si Shena at sobrang bait nya pinangako ko na sa akin titira si Elisse" mahaba nitong sabi

"kaya nyo sinasabi na stepsister ko sya nagpapatawa ka ba?eh hindi ko nga yun kadugo"
Galit parin nitong sabi

"yun na nga wala kang dapat ikagalit dahil hindi mo sya kadugo pero Jacob anak na rin ang turing ko sa kanya kaya sa ayaw at sa gusto mo dito sya titira sa akin, kaya nasan sya ngayon?"
Maluha luha nitong tanong kay Jacob pero umiwas lang ng tingin si Jacob.

"i don't know basta ang alam ko pinaalis ko sya"
Malayo pa rin ang tingin ni Yohanne

"fine aalis muna ako hahanapin ko sya" saka ito tumayo

Napamura naman si Yohanne saka pumunta sa kwarto at bumaba rin kaagad dahil uuwi sya sa kanyang condo sa kadahilanang ayaw nyang makatira sa bahay nya si Elisse dahil nagtatampo pa rin sya sa kanyang ama.

Kinaumagahan habang mahimbing sa pagtulog si Yohanne ay may naramdaman syang humahaplos sa mukha nya pero hindi pa rin sya nagigising pero ng medyo may tumapik sa balikat nya ay napaawang naman ang bibig nito.

"ano ba Hansen wala akong schedule ngayon" nakapikit pa rin nitong sabi ngunit tinapik siya ulit ng naabot nya ang kamay nito ay hinila nya ito kaagad para mapahiga sa tabi ng...

"aaaahhhh" sumigaw si Elisse sa biglaang paghila sa kanya ni Yohanne

"huli ka!" sabi naman ni Yohanne ngunit nabigla sya ng si Elisse ang nasa harap nya tiningnan nya ito mula sa mata bumaba sa ilong sumunod sa labi nito tapos tumingin naman sa mata ulit ni Elisse at saka napasigaw

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now