Chapter 11

389 18 1
                                    

Elisse pov.

2 days ng lumipas ang nangyaring sagutan namin ni Amira sa totoo lang hindi ko naman talaga siya sasagutin ng ganon kasi kahit mahirap lang kami tinuturuan naman ako ni mama na gumalang pero sumusobra na din kasi siya tawagin ba naman akong hampaslupa,makapal ang mukha,naghahabol ng pera, eh kung hindi nga dahil kay mama at sir Albert ay hindi ako papayag sumama sa kanya o hindi naman dahil ay gusto niya talaga akong maging anak pero hindi ko naman talaga inaasahan na kay Yohanne ako titira.Nung una sobrang saya ko na sa pamilya ako ni Yohanne napunta pero kung ganito lang naman pala ang mangyayari mas pipiliin ko na lang umuwi ng probinsiya pero kaylangan kung magpaalam muna kay sir Albert

Sa ngayon andito ako sa sofa nanonood ng tv si Yohanne alam ko ding iniiwasan niya ako siguro naman naniniwala siya kay Amira pero halata naman kasi eh,kasi hindi niya man lang ako hinabol nung time na lumabas ako tsk assuming lang ako

Napatingin ako sa gawi ng pinto ng kwarto ni Yohanne ng may marinig akong kalabog pero umiwas na lang ako pero napatingin ulit ako ng lumabas si Yohanne na halatang bagong gising pa lang dahil hindi pa ito nakakaayos ng buhok masyadong magulo pa ang buhok niya tapos nakasando lang siyang white at nakapajama nagulat na lang din ako ng hinablot niya bigla sa akin ang remote ng tv saka niya ito binuksan at naguluhan naman ako ng makita ang mukha ko at saka ko napagtanto na yun yung sigawan namin ni Amira kaya napatakip ako sa bibig ko gamit ang dalawa kung palad.Pinatay naman ito kaagad ni Yohanne at umupo sa tabi ko saka siya napahilamos sa mukha

"Anong gagawin ko?"tanong ko sa sarili ko pero alam kung narinig iyon ni Yohanne dahil naramdaman kung nakatingin siya sakin

"Sikat ka na El"yan lang sinabi ni Yohanne hindi ko alam kung panunuya iyon o talagang seryoso siya sa sinabi niya

"Hindi ko naman kasi iyon ginawa at saka hindi ko alam kung sino ang gumawa nun siguro may galit lang sakin,pero wala akong alam na may galit sa akin sa kompanya niyo"paliwanag ko kay Yohanne pero hindi lang siya sumagot

Pero maya maya lang ay sumagot din siya

"Hindi mo na lang sana iyon ginawa"yan lang sinabi niya na ikinainit ng ulo ko 'hindi ko iyon gawin?' yan lang ang nasa isip ko

"Bakit naman hindi ko yun gawin?ang sakit niya magsalita,pero syempre dapat nga talaga hindi ko iyon gawin kasi nga mayaman siya wala akong karapatan na magsalita dahil modelo siya,at ngayon nasa tv ako,sige handa akong magpaliwanag"sabi ko sa kanya akmang tatayo na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko

"Stay here ako ng magpapaliwanag sa media para malinis ang lahat"yan lang sinabi ni Yohanne na kaagad ikinatulo ng luha ko.Ang alam ko kasi hindi siya naniniwala sa akin

Tumingin ng naguguluhan sa akin si Yohanne dahil sa biglaang pagluha ko

"Ba-bakit ka umiiyak?"mahinahong sabi ni Yohanne na nagtatakang nakatingin sa akin kaya naman agad kung pinahid ang luha ko at tumingin sa kanya

"A..akala ko kasi hindi ka naniniwala sa akin"medyo utal kong sabi sa kanya

"Alam ko naman na hindi mo ginawa yun,kasi kung ginawa mo iyon matagal ka ng nagnakaw sa condo ko at bumalik sa probinsya niyo"paliwanag naman sa akin ni Yohanne na ikinagaan ng loob ko

"Yohanne"pagtawag ko sa pangalan niya kasi kahit naman ganito sobrang saya sa pakiramdam

"Anong silbi ng pagiging stepbrother ko kung hindi kita tutulungan?ha?"Napatingin ulit ako sa kanya ng sinabi niya yun sakin 'pumapayag na siyang maging kapatid ko?' tanong ko sa aking isipan

"Kung ganon payag ka ng maging stepsister ako?"pagkokompirma ko

"Asa ka sinabi ko lang naman yun para gumaan ang loob mo"saka siya humarap sa tv kahit hindi nakabukas

Kaya humarap din ako doon at tumingin tingin sa kisame pero napapansin ko ding pasulyap sulyap siya sa akin

"Salamat Yohanne"Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa pero hindi pa rin kami nagtitinginan

"Madali na rin naman na akong mag 2 months dito kailangan ko ng umalis at bumalik sa probinsya namin"Sabi ko ulit pero hindi pa rin siya nagsasalita at tumitingin sa akin

"Yohanne nakikinig ka ba?"tanong ko ulit sa kanya

"I can hear you"Mahina lang ang pagsagot niya na mismong naririnig ko naman

"Alam na ito ni Sir Albert?"tanong ko ulit sa kanya

"Yeah"maikli niya ding sagot

"Yohanne maligo ka na,tulungan mo ko"Napatingin naman siya sakin sa sinabi ko

"Yeah"sagot niya ulit at pumasok sa kwarto niya

"Hays minsan kasi Elisse hindi ka man lang nag iisip"sabi ko sa sarili ko habang pinagsasabunot ko ang buhok ko naiinis lang ako sa sarili ko

"Don't hurt your self,i save you,i am your step..ah no i am your boss trust me,basic problem"Medyo nagulat ako sa pagsalita niya pero nakakagaan ng loob ang sabihin niya ang ganoong bagay kaya ako napangiti sa kanya kaya napakunot naman siya ng noo

"Aish don't smile like that your still annoying pa din tsk"saka siya pumasok sa banyo at lumapit ako sa may pinto ng banyo at kumatok

"Yohanne?!"pagsigaw ko mula sa labas ng banyo

"What?!"sagot naman ni Yohanne mula sa banyo

"Anong gusto mong kainin?,ipagluluto kita para naman makabawi ako"sagot ko ulit

"Sure chicken curry please!"sigaw niya ulit

"Hindi ako marunong ng chicken curry"pagsigaw ko ulit

"Nagtanong ka pa tsk anything basta iyong masarap pero pag hindi goodbye sayo!"

"hahaha sige Yohanne yung pinakamasarap!"sigaw ko ulit at pumunta sa kusina para magluto

Habang nagluluto ako ay hindi ko napansin si Yohanne na lumabas ng banyo ng...

"Aagghh"
"AArrghh"sigaw naming dalawa kaya napatakip naman ang kamay ko sa mata pano ba naman kasi nakabalot lang ng tuwalya si Yohanne napatakip naman siya sa dibdib niya

Napasigaw din si Yohanne dahil nagulat siya sa pagsigaw ko

"Aish bakit ka ba nanggugulat ?" pasigaw niyang tanong sakin saka siya kumuha ng sibuyas at binato sakin kaya napasimangot na lang ako

"Eh sinong hindi magugulat eh nakatuwalya ka lang"pagsagot ko naman na agad naman akong tumingin sa niluluto ko

"tsk asus para namang hindi tumitingin sa katawan ko"sagot niya na nakatingin sa akin ng nakakaloko kaya hinarap ko naman siya pero umiwas ako sa katawan niya

"hoy hindi ah!assuming ka!"galit ko namang sagot sa kanya

"ow really?the magazine you brought here"saka naman ako napatingin sa kanya sa sinabi niya nakangiti na siya ng malaki saka humagalpak ng tawa kaya naramdaman ko namang uminit ang pisnge ko,nakita niya siguro iyong magazine na dala ko

"oh haha bakit hindi ka makapagsalita?haha naku Elisse isusumbong kita kay Daddy"saka naman ulit siya napahagalpak ng tawa

"Manahimik ka nga!hindi no hindi kita pagpapantasyahan,hindi na kita gusto,dahil may iba na akong gusto"

"The who?"napacross arms naman siya na naghihintay ng sagot ko

"Hansen"Proud kung sabi at tiningala siya pero lumapit siya sa akin ng seryoso ang tingin hindi naman ako makaatras dahil sa yung niluluto ko na ang nasa likod ko

Napasinghap naman ako ng hinawakan niya ang pisnge ko at medyo nakiliti din ako ng maramdaman ko ang pagbulong niya

"Hindi nakakatuwa"yan lang ang sinabi niya at umalis saka pumasok sa kwarto niya saka naman ako natigilan hindi pa din na process sa isipan ko ang sinabi niya

Hindi nakakatuwa?

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now