chapter 15

403 14 1
                                    

Chapter 15

Yohanne pov.

Maaga akong nagising pero hindi ko na din naabutan si Elisse sa kwarto niya kasi kung nandon sya may maingay na naman sa kwarto naligo na lang ako at saka bumaba para sana mag breakfast pero lahat ay nakahanda na para kumain nakita ko naman si Daddy na nagbabasa ng dyaryo kailan pa siya nagbasa ng dyaryo?

"Good morning dad"bati ko sa kanya kaya naman umangat ang tingin niya sakin

"Good morning Yohanne"Nagulat naman ako sa pagbati sa akin ni Elisse medyo natawa din ito dahil sa reaksyon ko

"Tsk"Yan lang sinagot ko sa kanya

"Kumusta tulog mo?"Tanong sa akin ni El

"Good" Maikli kung sagot

Napatingin naman ako kay Daddy ng magsalita ito

"Jacob si Elisse nagpaalam sa akin gusto niyang bisitahin ang baryo nila,pero dahil wala siyang kasama ikaw na lang ang sumama sa kanya" Agad naman ako napatingin kay Elisse at napa isip

"Akala ko ba magtatrabaho ako dito?" Tanong ko kay daddy pero kumakain ito

"Kaya nga,trabaho mong bantayan si Elisse pumunta sa baryo nila" Napatingin naman ako kay Elisse na nakikinig din

"Okay lang naman po Papa kahit wala na akong kasama at saka baka ayaw din po ni Yohanne" Narinig kong pagsagot ni Elisse

"No hindi pwede alam ko namang ligtas ka sa baryo niyo,pero dahil day off ni Yohanne ilibot mo naman siya sa baryo niyo,oh ano gusto mo ba?" Tanong naman ni Daddy na nakatingin lang kay Elisse

"Ah sakin po okay lang,ewan ko lang ho kay Yohanne" Tumingin naman si Elisse sa akin

"Sure,sasama ako,kailangang ma enjoy ako Elisse,dahil kung hindi uuwi ako kaagad" Pagkasabi ko nun ay kumain na lang ako

Matapos naming kumain ay nagbihis lang ako at naglalakad na kami ni Elisse papunta daw sa baryo nila malapit lang naman dito ang ganda nga din talaga ng tanawin dito hindi masyadong mainit dahil sa nagtataasang puno kahit nga sa mga bahay ay may katabi lang na mga puno,ang ganda din ng sand dito sobrang pino,ang ganda rin ng dagat.

"Malapit na tayo sa baryo Yohanne"Pagbasag ni Elisse sa katahimikan

"Akala ko ba baryo na to?"Pagtaka ko naman,natawa naman si Elisse sa sinabi ko anong nakakatawa don?

"Hindi no"Pagsagot niya lang

"Hays napapagod na ako"Pagrereklamo ko na napatingin naman si Elisse

"Para namang hindi lalaki eh" Sabi sa akin ni Elisse at saka naglakad ulit

"Hindi lang ako sanay no" Sagot ko naman sa kanya

"Malapit na tayo wag nang magreklamo"Narinig ko lang na sinabi iyon ni Elisse

Napahinto kami sa malapit sa nag coconstruction medyo napaubo din ako dahil sa mga alikabok

"Ano ba Elisse dito na ba?"Sigaw ko sa kanya

"Sandali lang may hinahanap lang ako"Sagot naman niya habang  nagpalinga linga

"Sino?" Tanong ko ulit sa kanya pero natigilan ako ng may lalaking palapit kay Elisse sa suot nito halatang construction din ang trabaho niya

"Lissy?"Tiningnan niya muna si Elisse at saka siya niyakap

"Tope!"Sigaw naman ni Elisse at saka sila nagyakapan,wow ha

"Ay sorry Lissy nadumihan ko pa yata ikaw" Saka naman niya tiningnan ang damit ni Elisse

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now