Chapter 13

396 13 0
                                    

Chapter 13

Yohanne pov.

Umuwi ako sa condo na hindi nadatnan si Elisse wala rin siya sa kusina,sa kwarto niya,kahit sa kwarto ko wala din kasi minsan naglilinis siya ng kwarto ko.Nag aalala na ako baka kung saan saan na naman pumunta yun

Naisipan kung tawagan siya pero ilang ring lang ang narinig ko hindi niya sinasagot

"Asan ka na ba Elisse?"pagtatanong ko sa sarili ko na hindi ko na alam ang gagawin ko lagot ako kay Daddy nito,tinawagan ko ulit ang cellphone niya nag ring ito pero ilang ulit ng ring ay may sumagot din

"Hello?Yohanne?"mula sa kabilang linya bigla naman nanghina ako sa narinig ko ..ang boses niya

"Yohanne?"tawag niya ulit sa akin,umupo muna ako sa sofa

"Elisse?"tawag ko din sa kanya

"Yohanne?andito ako ngayon kay Sir Albert,dito na muna ako hangga't matapos ang 2 months ko,malapit na din naman na kailangan ko ng sulitin ang araw na kasama si sir Albert ng makabawi naman ako sa tulong niya"pagpaliwanag ni Elisse

"Sinong nagsabi sayo na umalis ka dito?!"sigaw ko mula sa kabilang linya  ,hindi na ako makapagtimpi
"Hindi ko sinabi na umalis ka dito na walang paalam,alam mo bang mababaliw na ako dito sa pag aalala sayo!"sigaw ko ulit

"Sorry Yohanne magpapaalam naman ako sayo eh pero kasi..."hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng sinabi kong...

"Fine kung aalis ka bumalik ka dito sa akin ka bumawi wag kay daddy!"sigaw ko ulit

"Yohanne hindi pwede kasi.."

"Ano?hindi ka man lang babawi sa akin?naayos ko na ang issue mo,kahit labag sa loob ko ang kapalit non,tapos aalis ka lang ng walang paalam,bwesit ka!"Sigaw ko ulit at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na itapon ang cellphone ko  at napahilamos na lang ako sa mukha ko

Nang matapos ang usapan namin ni Elisse hindi man lang siya dumating naligo na lang ako at nagpakalasing ng gabi na yun

Kinaumagahan may naramdaman akong tumatapik sa pisngi ko pero hindi lang ako nagmulat sobrang sama ng pakiramdam ko

"Yohanne gumising ka na"narinig kong boses na gumigising sa akin pero hindi pa din ako nagmulat kasi alam ko namang hindi iyon si Elisse baka mali lang ang boses na narinig ko at baka panaginip lang yun

"Yohanne andito ang Daddy mo"napamulat ako sa sinabi ng gumigising sa akin at unti unti kong iniangat ang ulo ko at nakita ko si Elisse kasama si Daddy na nakakunot ang noo dahil na din sa gulo ng condo ko kaya napatayo naman ako bigla ng muntikan na akong ma out of balance buti at natulungan kaagad ako ni Elisse

"Naglasing ka Yohanne"Yan lang ang sinabi niya na bumalik naman ako sa pagkatao ko at naupo sa sofa

"Kukuha lang ako ng gamot"dali dali namang umalis si Elisse at pumunta sa kusina

"Ganito ang ginagawa mo kapag wala si Elisse?naglalasing,ang gulo ng condo mo"Mahinahon lang ang pagkakasabi nun ni Daddy pero alam ko namang galit siya

"Sorry Dad"yan lang nasabi ko at napayuko na lang ako

"Hindi mo sinabi at bumalik na pala si Amira nagcomeback din kayo,kayo ang laman ng buong media ngayon,bakit hindi ka magsaya?at nagpakalasing ka pa talaga"Hindi ko lang sinagot si Daddy at bumalik naman si Elisse na may dalang gamot

"Kukunin ko sayo si Elisse isasama ko siya sa probinsya nila nandoon ang business ko ngayon at ako na ang magpapasweldo sa kanya,nakita ko ang nangyaring issue sa kanila ni Amira at alam kung siya ang dahilan kung bakit galit sa kanya si Amira dahil nagseselos sa kaniya si Amira" Mahabang paliwanag sa akin ni Daddy pero hindi pa din ako nakasagot

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now