Chapter 24

341 7 0
                                    

Chapter 24

Yohanne pov.

Dinala ako ni Elisse sa mga street foods tsk sigurado ba syang malinis ang mga pagkain dito?

"Kumuha kana ako na magbabayad hindi mo naman kinuha yung sukli mo eh"Narinig ko namang  sabi ni Elisse na sunod sunod ang kagat sa isaw na binili nya.Pero ako nakatingin lang sa mga iba't ibang foods

"Ano bang gusto mo? barbeque,isaw,hotdog,kikiam,fishball" Sinabi lahat ni Elisse ang mga foods pero wala akong magustuhan baka anong mga nilalagay nila dito isa pa may allergy ako sa isaw

"Pambihira ka naman Yohanne akala ko ba magdadate tayo?tapos ayaw mo man lang kumain ng kahit ano" Galit na sabi sakin Elisse kaya kumuha ako ng barbeque napangiti naman siya ng nginuya ko ito

"Yan kakain ka naman pala eh aarte ka pa"Narinig kong sabi ni Elisse pero tumingin nalang ako sa mga foods at napansin ko ang babaeng nagtitinda ay nakatingin sa akin at nakangiti

"Hi kuyang pogi hindi po ba kayo yung modelo na si Yohanne Jacob?"Kinikilig pa nitong sabi ngumiti naman ako at tumango

"Yiee kuyang pogi pwedeng papicture?"

"Ahh..."hindi pa ko nakapagsalita ay pumunta na sila sa tabi ko at nagpicture may kasama siyang dalawang babae din na dalaga din

"Damihan nyo"dinig kong sabi nung isa hindi ako nakapokus sa picture nila kasi hinahanap ng mata ko si Elisse at ang gaga kumakain lang mamatay na ako dito

"Salamat kuyang pogi"Sabi ulit ng isa pero ngumiti lang ako

"May jowa na po ba kayo?"Tanong ng isa na kinikilig pa din

"Ah meron na"sagot ko na napakamot naman ako sa batok ko

"Ay sayang naman"Sagot ng isa

"Ito yung bayad ko"rinig kung sabi ni Elisse at binigay ang bayad sinuklian naman sya at saka ako hinatak paalis doon

Kaya nagpatianod na lang ako.Umupo kami sa baybayin maggagabi na din kasi kanina pa kami naglalakad sobrang nakakapagod

"Hays sakit ng paa ko kakalakad"Pagreklamo ko naman

"Wala man lang magandang tanawin na nakita kung hindi ito lang" dagdag ko pero si Elisse kumakain pa din

"Ang takaw mo"Sabi ko ulit na ikinatingin nya

"Tapos?"sagot nya lang

"Bakit pala ikaw nagbayad?dapat ako na lang"Sabi ko naman na ikinatigil nya

"Paano ka makakapagbayad eh yung mga dalaga don ang inuuna mo"Sagot nya sakin

"Sus selos ka no?haha yie nagseselos sya"Pang aasar ko sa kanya

"Hindi ah kumain ka na lang"Binigay nya sakin ang supot ng puro isaw?

"Oh bakit anong problema?"Takang tanong nya sakin

"Bakit puro isaw?"Tanong ko

"Bakit ayaw mo? Eh di wag kumain"sabi nya sakin akmang aagawin nya yung supot ng kinuha ko ulit yun

"Hindi ah kakainin ko to"saka ako sumubo ng isa at masarap nga sya.Madami akong nakain at kalahating oras lang ang pag upo namin don saka kami bumalik sa hotel isinama ko sya sa hotel kasi sabi ko don na muna sya matulog pumayag naman sya kaya walang naging problema

Pagkarating namin ay naligo ako kaagad napansin ko ding kumakati ang bandang siko ko at sa mukha ko pero tiniis ko lang yun.Lumabas ako ng banyo at nagpupunas ng buhok ng makita ko si Elisse na sumisilip sa may pinto napalunok naman ako ng bumaba ang tingin ko sa legs nya ang iksi kasi ng suot nya tapos yung damit na suot nya ay yung spongebob na damit ko umiwas naman ako ng tingin at lumapit sa kanya

"Anong sinisilip mo dyan?"Tanong ko at bigla naman syang nagulat

"Wala ano kasi ang iksi ng suot kong short"sabi nya

"Oh tapos anong sinisilip mo dyan?bibigyan ka ba ng short ng pinto na yan?"Tanong ko naman sa kanya pero tumingin sya sakin bigla naman naiba ang reaksyon nya at nakatingin na syang nag aalala sa akin kaya tumalikod ako sa kanya

"Shit!"Pagmura ko ng kumati pang lalo ang mukha ko kaya napahawak naman ako sa mukha ko

"Yohanne namumula ka"Pag aalala ni Elisse saka nya pinagmasdan ang buo kung katawan

"Ahh!"pagsigaw ko nahihirapan na din akong huminga

"Yohanne anong nangyayari sayo?Sandali tatawagin ko lang si sir Albert" kumaripas ng takbo si Elisse saka ako dahan dahan na naupo sa sofa

Pipikit sana ako ng napansin kung pumasok si Daddy kasama si Elisse at Mommy

"My god Yohanne kumain ka na naman ba ng isaw?alam mong muntik ka ng mamatay dyan"Narinig kung pagalit sa akin ni Daddy

"Ano ka ba Albert idala na natin sya sa ospital!"Alala namang sabi ni Mommy at dumating naman ang mga guard at saka nila ako binuhat nahagip pa ng mata ko si Elisse na halatang sobra na itong nag alala kaya ngumiti lang ako sa kanya and everything went black

Nagising ako ng si Mommy ang bumungad sakin

"Honey gising kana,you okay?,sabi ng doctor madami ka daw nakain na isaw"Pag aalala ni Mommy

"Sorry mom nag alala tuloy kayo but where's Elisse?"Tanong ko kay Mommy

"Nasa labas sya kausap ng Daddy mo"Sagot naman ni Mommy

"Galit ba sya kay Elisse?Mom told Daddy don't get mad Elisse wala syang kasalanan,kasalanan ko po yun" Pagpapaliwanag ko nag aalala ako baka pagalitan nya si Elisse at baka lumayo sa akin si Elisse

"Don't worry honey hindi sya galit" Sagot sakin ni Mommy saka naman pumasok si Daddy

"Pinag alala mo na naman ako"Bungad sa akin ni Dad
"Wag kasi masyadong paimpress lalo na kapag ikamamatay mo ang kapalit"dagdag pa ni Daddy

"I'm sorry Daddy,where's Elisse?"Tanong ko kay Daddy

"Nasa labas sya sobra syang natakot sa nangyari,labas muna tayo Siane mag usap lang silang dalawa"Sabi ni Daddy at sumunod naman si Mommy.Pagkalabas naman nila ay naupo ako sa kama at isinandal lang ang likod ko sa headboard ng kama saka naman pumasok si Elisse na halatang umiiyak ito

"You're crying?"Tanong ko sa kanya saka sya lumapit

"Sorry hindi ko naman kasi alam eh"Sabi nya pero niyakap ko lang sya

"Don't say sorry it's not your fault okay?,it's my fault "pagtahan ko naman sa kanya

"Bakit kasi hindi mo sinabi?Pwede ka namang tumanggi eh!"Pagpagalit nya sakin na ikingiti ko naman
"Anong nginiti ngiti mo dyan?walang nakakatawa!"Mas lalo syang napahagulhul ng iyak at yumakap ng mahigpit sakin kaya niyakap ko naman sya ng mahigpit at pinapatahan

"Sshh don't cry sige ka iiyak din ako"Agad naman syang umalis sa pagkakayakap sakin at saka ko pinunasan ang luha niya

"Hindi pa ako mamamatay no wala pa tayong 1 dozens kids"

"Aray!"Pagdaing ko ng pinalo nya ang braso ko

"Aray ko naman mamatay naman ako sa palo mo"Sabi ko sa kanya

"Magpakalakas ka wag puro biro"Sabi naman nya

"Kiss lang katapat nito,sure ako wala to kaagad"Pagbiro ko saka naman sya nagseryoso

"Seryoso ka?"Sagot nya namang seryoso kaya tumango ako

"Isa lang promise"Napangiti naman ako kasi para naman syang seryoso at parang gagawin nya yun

"Hindi moko maloloko magpagaling kana"Nawala naman ang ngiti ko ng sabihin nya yun sakin

"Eh di hug na lang tsk damot"Saka naman ako napapout

"Bakit boyfriend ba kita?"Tanong nya sakin na ikinatingin ko naman sa kanya

"Oo hindi mo lang matandaan kung kelan naging tayo"sagot ko naman

"Malamang eh hindi ka naman nanliligaw!"Sabi nya saka naman ako napayuko at natawa

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now