Chapter 18

380 10 1
                                    

Chapter 18

Yohanne pov.

Dalawang araw na ang nakalipas sa nangyari na katarantaduhan ko and yes inaamin ko yun pero kasalanan niya pa rin tsk kumakain  ako ng breakfast ngayon magmula non umiiwas muna ako kay Elisse kasi naman naaalala ko ang kabaliwan na yun pero wala naman talaga akong nakita no yung dibdib lang  pero nakatuwalya siya ,saka hindi naman yun isang beses madami na akong nakasalamuha na mga modelo,ang iba pa nga eh kulang nalang hubo't hubad pero syempre iba pa din talaga si Elisse mas gusto ko yung nakakaakit talaga tingnan una pa lang pero napakabastos mo alam mo ba yun Yohanne? ah teka bakit ko ba kinukwento yun?tsk

Hinawakan ko ang sentido ko at hinihilot yun at paulit ulit na binabanggit...

"Erase,Erase,Erase" Nakapikit lang ako na binabanggit ko yun

"Anong ginagawa mo?"Napaigtad naman ako ng magsalita si Elisse hindi ko alam nasa harap ko na siya ng upuan

"Nothing" Saka ako sumubo ng pagkain

"Uuwi ka na mamaya?"Tanong niya sa akin pero hindi ko pa rin siya binabalingan ng tingin

"Bakit mo natatanong?"Tanong ko naman sa kanya

"Wala mag iingat ka"Yan lang sinabi niya at naglagay na din ng pagkain sa plato niya

"Ilang days pa kayo dito ni Daddy?,hindi ko na kasi siya natanong"Pagtanong ko ulit sa kanya na ikinatigil niya at para namang nag iisip

"Hmp hindi ko alam siguro isang linggo pa kami dito" Sagot niya sakin

"Tagal pa ah"Sagot ko naman na nagtango pa para namang interesado tsk

"Lissy?!"

Napatingin kami mula sa labas dahil sa may sumigaw alam ko naman agad na si Tope yun pagtawag niya pa lang ng Lissy

"Tope Halika!" Sigaw naman ni Elisse

"Hi Lissy magandang umaga" Bati niya kay Elisse at nakangiti pa

"Magandang umaga din Tope halika kumain ka na ba?" Naupo naman si Tope sa katabi ni Elisse

"Hindi pa eh"Medyo nahihiya pa nitong sabi pero kumuha na din ng pagkain at saka napatingin sa akin

"Ay Yohanne nandyan ka pala?"Tanong niya na obvious naman kanina pa

"Hindi,Hindi ako si Yohanne Kakambal ko to" Pagsagot ko naman na ikinatawa ng dalawa ang hilig talaga nila akong tawanan tsk

"Joke lang ito naman"Pagbawi niya naman kaagad kaya kumain nalang din ako

"Bakit ka pala nandito?"Tanong naman ni Elisse hindi ko sila binabalingan ng tingin kasi alam na..kapag sila magkasama walang Yohanne na nag eexist,eh di kayo na!

"Wala binisita lang kita" Pagsagot naman ni Tope

"Sure ka? na bibisitahin mo si Elisse o hindi naman kaya ay makikikain ng breakfast?" Pagsingit ko sa usapan nila

"Hindi naman sa ganon" Pagsagot ulit sa akin ni Tope

"Hindi joke lang yun" Pagbawi ko din Pero natawa lang ang dalawa nakakagago na ah

"Bakit ang hilig niyong tumawa?Nakakairita yang ginagawa niyo ah kung alam niyo lang" Pagtukoy ko sa dalawa

"Sorry trip lang talaga namin alam mo na partner in crime kasi kami nitong si Lissy since Elementary at High School mahilig sa panunukso at pantitrip" Pagpapaliwanag naman ni Tope,hindi na ako magtataka sa una pa lang na kita namin ni Elisse napagtripan niya na ako kaagad

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now