Chapter 17

374 12 1
                                    

Chapter 17

Elisse pov.

Umuwi kami sa hotel na basang basa inabutan din kami ng ulan kaya mas lalong dumagdag ang lamig hindi na kami naghiram ng payong kasi basa na din naman na hindi ko pa rin kinakausap si Yohanne kanina niya pa ako tinatawag eh kasi naman sobra akong nag aalala nung nahulog siya sa dagat tapos sasabihin pang hindi siya makaakyat tsk

"Elisse hindi ka ba nilalamig?"Narinig kung tanong niya pero hindi ko pa rin siya binabalingan ng tingin kasi nauna ako sa kanya

"Hoy Elisse kausapin mo naman ako" Sabi niya ulit

"Kailangan na nating bilisan ang lakad kasi mas lalong lalamig"Sagot ko na lang,siya din yung may dala nang mga isdang nahuli namin kasi siya na lang daw magdadala,binilisan na namin maglakad hanggang sa malapit na kami sa hotel saka naman ako tumakbo  ng mabilis para makarating kaagad hindi ko na nilingon si Yohanne kahit sigaw siya ng sigaw kailangan ko nang makapagbihis kaagad kasi baka magkasakit pa ako

Pagkapasok ko sa hotel ay pumasok kaagad ako sa banyo para maligo hindi ko din nakita si Sir Albert baka nasa work pa siya.Ilang minuto lang ako naligo ng maalala ko na hindi pala ako nakadala ng tuwalya kaya sumilip ako sa may pinto mismong mata ko lang ang makikita kasi tinitingnan ko kung nasaan si Yohanne pwede naman sigurong magpakuha ako ng tuwalya eh.Nabuhayan naman ako ng nakita si Yohanne na nagpupunas ng buhok

"Psst"Pagtawag ko pero hindi nya pa din yun narinig

"Psst Yohanne"Mahina ko lang na tawag sa kanya ng lumingon lingon siya ay nanlaki ang mata ko ng magtama ang tingin namin napalaki naman siya ng mata halatang nagulat ito at saka tinakpan ng palad niya ang kanyang mga mata

"Yohanne!"Malakas kung sigaw

"What?!"Sagot niya sa akin pero tumalikod siya

"Kailangan ko ng tulong mo!"Sigaw ko ulit

"Ano ba yun?"Sagot niya ulit pero nakatalikod pa din siya

"Naiwan ko yung tuwalya ko"Mahina ko lang na sabi sa kanya pero narinig naman niya yun

"Oh tapos anong gagawin ko?"Sagot niya na hindi man lang na gets na gusto kung magpakuha ng tuwalya sa kanya

"Kunin mo naman"Pagkasabi ko nun ay tumingin siya sa akin pero tumalikod ulit siya

"Bakit mo kasi kinakalimutan?"Tanong niya ulit

"Eh nagmamadali ako eh,bilis na!"Sigaw ko sa kanya kasi naman nilalamig na ako

"OO na pambihira naman oh!"Pumunta siya sa kwarto maya maya lang ay kumatok siya sa banyo kaya binuksan ko lang ito na mata ko lang ulit ang nakasilip

"Pumikit ka"Sabi ko

"Oo na"Pumikit naman siya,pero masyadong malayo si Yohanne kaya hindi ko maabot

"Abante pa Yohanne"Sabi ko sa kanya kaya gumalaw naman siya papalapit sa banyo ng bigla niyang naapakan yung sabon kaya nadulas siya pero bigla na lang dumilim ang paningin ko ng may naramdaman na may tumama sa ulo ko na sobrang sakit

Yohanne pov.

"aahh aray"pagdaing ko na nakahawak ang kamay ko sa ulo ko kasi naman nadulas ako sa sabon pero yung tuwalya hawak ko pa rin bwesit kasing Elisse to eh napakamakalimutin,nakapikit pa rin ako kahit nakahiga na ako sa banyo siguro gagapang na lang ako palabas pero hindi ko marinig ang boses ni Elisse na sumigaw man lang

"Elisse?"tawag ko sa kanya pero hindi man lang siya sumagot gusto kung angatin yung ulo ko pero baka may makita akong hindi ko pag sisihan sa huli charot hindi ako pervert

"Elisse?"Tawag ko sa kanya pero hindi talaga siya sumasagot ano na bang ginagawa niya hindi niya din kinukuha sa akin yung tuwalya.

Nang ilang minuto ang tinagal ko hindi na ako nakapagpigil inangat ko ang ulo ko pero nakapikit pa din ako pero isang mata lang ang dinilat ko at napatakip ako sa bibig ko sa nasaksihan ko si Elisse nakahiga sa sahig naalala ko naman yung pagdulas ko nasa tapat pala siya ng pinto kaya malamang tinamaan siya ang bobo mo Yohanne!
Napatampal naman ako sa noo ko anong gagawin ko? Mabuti nalang at ulo lang ni Elisse ang nakalabas kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya pero hindi ako nakatingin sa kanya binaling ko sa iba yung tingin ko

"Hoy Elisse gumising ka"Niyugyog ko siya pero nararamdaman ko lang na hindi talaga siya gumagalaw pambihira anong gagawin ko sa kanya?

Nakapag isip naman ako kinuha ko yung tuwalya at nakapikit na nilalagyan siya ng tuwalya hanggang sa bandang legs niya pero natigilan ako ng naramdaman kung nahapit ng kamay ko yung hita niya

"Sorry na Elisse hindi ko talaga sinasadya"Naiiyak na ako sa ginagawa ko pambihira naman kasi at ng bubuhatin ko na siya dahan dahan naman kasi baka mauntog pa ako dinahan dahan ko ang pagbuhat sa kanya kahit nakapikit ay naayos ko naman yun at ng palabas na ako sa banyo ay papunta na ako sa kwarto niya aakyat pa sa hagdan.Naramdaman ko namang gumalaw na si Elisse

"Elisse gising kana?"Tanong ko sa kanya pero nakapikit pa din kaya tumigil ako sa paghakbang

"Anong nangyari?"Tanong niya naramdaman kung nakatingin na siya sa akin

"Sandali wala akong nakita kaya wag kang sumigaw"Paalala ko agad sa kanya

"Mamaya ka na magtanong ang mahalaga makabihis ka na"Sabi ko ulit sa kanya at naramdaman ko namang tumango siya

Naramdaman ko namang gumapang ang kamay ni Elisse sa mukha ko at tinakpan yung mga mata ko

"Pwede ka ng magmulat pero wag kang titingin lagot ka sa kin"Pagbabanta niya tsk kala mo naman talaga sisilipan eh

"Oo na"Inayos ko ang pagkarga sa kanya pero napaigtad naman siya ng mahawakan ko ulit ang legs niya

"Ano ba!Manyakis!"Sigaw niya

"Pambihira ako pa talaga yung manyakis dito?!"Sigaw ko din sa kanya

"Tara na nilalamig na ako"Sabi niya kaya humakbang ako papunta sa kwarto niya

"Ang bigat mo mag diet ka naman"Biro ko sa kanya

Naramdaman ko namang sumandal ang ulo niya sa may dibdib ko

"Magdusa ka kasalanan mo kaya kung bakit ako nawalan ng malay dun"Pagsisi niya sakin

"Kasalanan mo kasi kinalimutan mo yung tuwalya mo"Pagsisi ko naman sa kanya

"Oh ibaba na kita dito"Dahan dahan ko naman siyang binaba binuksan niya din yung pinto ng matapakan ko yung tuwalya kaya lahat yun nababa kaya nagulat naman ako at nagtama yung tingin namin na parehas na nanlaki

"Aagghh"sigaw niya at kinuha agad ang tuwalya

"AGGHH"sigaw ko din nang kinuha nya yung tuwalya ay nadulas naman ako kaya ngayon ay nadaganan ko siya

"Agghhhh"sigaw naming dalawa

"Aray!"pagdaing ko naman dahil pinasusuntok ako ni Elisse

"bastos ka talaga"Galit na sabi sa akin ni Elisse pero nakapikit pa din ako kasi baka mali ang makita ko

"Pambihira naman kasi alam mong naapakan eh"Galit ko ding sagot sa kanya,Nagmulat ako ng dahan dahan ng magtama ang paningin namin nagulat naman siya dahil magkalapit na naman kami saka ako napatawa sa nasaksihan at saka napaiwas ng tingin si Elisse

"Wag kang magalaw tumingin ka sakin"Nagseryoso ako kaya tumingin naman si Elisse hindi pa din ako umaalis sa pagkadagan  sa kanya hindi naman ako nagpapabigat sa kanya

"Ang ganda ng lips mo"Pagkasabi ko nun ay nanlaki ang mata ni Elisse saka ako tinulak kaya nauntog naman ako sa pinto at napaupo dahil sa sakit at hawak hawak ang ulo

"Aray"Pagdaing ko

"sorry ikaw naman kasi masakit ba?"tanong niya na nakaayos na ang pagkalagay ng tuwalya sa katawan niya pero napalunok ako ng dumilat ako ay tumambad sa akin ang dibdib ni Elisse syempre nakabalot na diya ng tuwalya kaya kumaripas ako ng takbo masyado na akong bastos pambihira naman!

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now