Chapter 5

459 23 0
                                    

Chapter 5

Yohanne pov.

Papunta ako ngayon sa Mall magsho-shopping ng kung ano ano tsk tinatamad ako sa condo nandon pa si El hays masyado ng boring pero mas boring pa rin ngayon dahil kasama ko siya eh pano ba naman tinawagan ako ni Hansen pupunta daw siya sa condo at anong gagawin niya maglalandi sa maid ko duh? Hindi hotel ang condo ko para maglandian at kahit na sobrang kinaiinisan ko si El hindi ako papayag na makipaglandian siya kay Hansen isa pang duh tsk

"Yohanne ang ganda nito" wika ni El na nakatingin sa sapatos

"E di bilhin mo may pera ka ba?" tanong ko naman sa kanya kaya nakakunot naman ang noo niya

"wala eh" iiling iling nitong sabi

"wala ka naman palang pera magtuturo ka pa mauna ka na nga!" sigaw ko sa kanya buti na lang walang nakarinig kaya napabusangot siyang naunang maglakad pero hindi pa rin ako nakasunod sa kanya at nung napansin kung lumiko siya ay agad kung kinuha ang sapatos na gusto niya at...

"pakibalot nito" sabi ko sa saleslady na  namumulang nakatingin sa akin

"sabi ko pakibalot bingi?" pag ulit ko doon sa saleslady at agad naman dali daling binalot

"babalikan ko yan" sabay ko alis at hinanap si El at nandon siya sa mga damit nakatingin pupuntahan ko sana siya ng may humarang sa akin si ...

"Amira?" takang nakatingin siya saakin

"You're here" Nakangiti nitong nakatingin sa akin

"Bakit ka nandito?" Tanong ko naman na obvious nagma-mall bwesit ngayon lang ako natanga. Sinulyapan ko ng kunti ang mga kadamitan na kung saan wala na si El sa mga damit

"Where is she?" halos pabulong kung sabi

"Sino?may kasama ka?" takang tanong ulit ni Amira na tumingin din sa likod niya ngunit tumingin din ulit saakin kaagad

"kasama mo ang maid mo?" mahina lang nitong tanong

"Amira kailangan ko na umalis hinihintay niya na siguro ako" pagkasabi ko nun ay lalagpasan ko na sana si Amira ng niyakap niya ako pero agad naman siyang kumalas sa kakayakap at ngumiti sa akin

"Pwede ba tayong mag usap ngayon? gusto ko kasing makausap ka kahit kunting oras lang" sincere nitong sabi sa akin pumayag naman ako kaya sumama ako sa kanya sa Restaurant

Kahit nandito na kami ni Amira sa Restaurant ay hindi ko pa din naaalis sa isipan ko si El pero masyado naman na siyang malaki hindi niya na kailangan ng kasama para makauwi sa condo ano siya bata? pero hindi pa din ako mapakali hays sana nakauwi siya ng maayos

"Bakit parang hindi ka mapakali? ano bang iniisip mo?" nagtataka na ding tanong ni Amira sa akin

"Ah wala naman" ngumiti lang ako ng kaunti sa kanya

"Hindi ka padin nagbabago hanggang ngayon kapag kausap mo ako hindi ka pa din mapakali nakakatawa ka Hanne pero ang cute lang" mahaba nitong litanya tsk hindi na ako tulad ng dati Amira asa ka

"May sarili ka na din palang condo Hanne pwede ko bang malaman kung saan? grabi minsan nakakainggit din ang maid mo kasi nakakasama mo siya sa isang bubong when kaya ako Hanne?" paglalambing na sabi ni Amira

"Uhm Amira pwede na ba akong umalis sigurado kasi hinihintay na ako ng maid ko" tumayo ako kaagad at tumalikod kay Amira

"Ah ganon ba sige take care" yun lang ang sinabi ni Amira pero hindi ko na siya binalingan pa ng tingin tsk nakakainis lang ayoko pa namang isama sa usapan si Elisse

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now