Chapter 25

343 7 0
                                    


Chapter 25

Yohanne pov.

Nandito ako sa may gilid ng pader ng palengke dito habang tinatanaw sa malayo si Elisse kasama si Tope naka white tshirt ako at pants at naka black cap at nakamask at naka eyeglass mukha akong kidnapper sa ginagawa ko ngayon marami nga ding nakatingin sa akin pero  hinahayaan ko lang tsk pakialam nila bahala sila sa iisipan nila at saka pag inalis ko ang mask at salamin ko mapapasabi na lang sila ng 'wow si Yohanne' napatawa ako sa iniisip ko kailan pa ko naging ganito?hindi ko na maalala.Ang alam kasi ni Elisse sumama ako kay Mommy at Daddy sa Maynila para bumalik don nawala na rin yung mga pamumula ng katawan ko buti nga at kompleto din ang gamot dito kahit probinsya lang to dahil kung hindi good bye Poging Yohanne ako ngayon tsk!

Nang hindi na ako nakatiis ay medyo lumapit ako sa katabi ng mga tinda nila Elisse

"Ay naku kuyang pogi bili na po kayo fresh po yan"Rinig ko namang sabi nung tindera nakangiti din ito pero dahil nakasalamin ako hindi nya alam na nakatingin lang ang mata ko kay Elisse nakita ko ding napatingin sya sakin pero umiwas lang sya

"Hindi po ba kayo bibili?"Tanong sa akin nung fish vendor pero hindi ko iyon pinansin sa halip ay umiling ako at umalis saka ako bumalik sa pinagtataguan ko kanina.Nabuhayan naman ang loob ko ng makita ko yung limang babae kaya nilapitan ko sila sa una ay hindi nila ako nakilala pero napangiti naman sila ng inalis ko ang mga alibi ko para hindi ako makilala,binigyan ko sila ng pera at sabi ko bilhin na lahat yung mga tindang isda nila Elisse at Tope saka naman sila pumunta don kaya tumago ulit ako sa pinagtataguan ko napangiti naman ako ng makita kung nakangiti na si Elisse

"Balik po kayo!"Rinig kong sabi ni Elisse at saka sila nagtinginan ni Tope at nag apir pa

"Good job Yohanne"Sabi ko sa sarili ko saka ako tumalikod at humakbang na paalis ng may humawak sa braso ko kaya napatingin naman ako don at gulat na si Elisse ang humawak sakin kaya umiwas ako ng tingin

"Hoy Yohanne!"Sigaw nya sakin kaya napatingin naman ako sa paligid nakatingin lang sila samin pero umiwas na lang ng tingin ang mga tao ng hindi ako nagsalita.Hinawi ko naman ang kamay ni Elisse at saka naglakad palayo pero hinablot ni Elisse ang kamay ko at naglakad kami palayo sa palengke

"Bakit ka nandito?akala ko ba ngayon ang alis nyo?"Sunod sunod na tanong sakin ni Elisse pero naglalakad pa din kami,saka kami natigil sa paglalakad ng kunti na lang ang mga tao inalis ko naman lahat ng harang sa mukha ko walang kwenta eh kilalang kilala ang galaw ko

"Bakit?gusto lang naman kita makasama"Pagdahilan ko naman at saka totoo naman na gusto ko syang makasama
"Ayaw mo ba akong makita?"Dagdag ko pa pero sumeryoso na ako para kasing ayaw nya akong makita eh

"Hindi naman sa ganon..."

"Eh ganon naman pala eh bakit galit ka na?ayaw mo pa nun tinulungan na kita"Sabi ko sa kanya

"Salamat sa tulong Yohanne pero hindi lahat na tulong mo ay ganon palagi,kung gusto mo talagang tumulong...tulungan mo kong magtinda wag yung bilhin mo kaagad kasi baka masanay ako"Paliwanag naman nya

"Tsk pag nakasal ka na sakin hinding hindi kita gagawing fish vendor dyan no!"napasigaw naman ako sa sinabi ko saka naman sya namula

"Baliw"Sagot nya lang sakin

"Oh bakit ayaw mong pasaway ka?!ha ?"Napasigaw na din ako pero pagbibiro lang naman yun

"Nasa hotel ka ba ngayon?"Pag iiba nya sa topic ko napaawang naman ang bibig ko

"Oo bakit gusto mong maglive in na tayo?"Bulong ko sa kanya at sinuntok naman nya ang tiyan ko
"Aww!"pagdaing ko "Ang hilig mo talagang manakit,papatayin mo na ba ako?wag naman sa ganito,sarapan mo naman"Namula ulit ang mukha nya na ikinatawa ko

My annoying Stepsister (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora