Chapter 9

412 14 0
                                    

Chapter 9

Elisse pov.

Habang kumakain kami ng dinner ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Yohanne kasi naman kanina pa siya tingin ng tingin sa akin at bababa sa may pwetan ko ano bang problema nito?
May pagkakataon naman na nahuli ko siyang nakatingin sa akin at iiwas siya ng tingin at ng matapos na akong kumain tatayo sana ako ng pinigilan niya akong tumayo

"No don't move"
yan lang ang sinabi niya na ikinatigil ko tumingin na naman siya sa may pwetan ko kaya tumingin naman ako pero wala naman akong makita kung ano kaya umupo na lang kaagad ako at tumingin ng nakakunot ang noo sa kanya tapos tumingin ako kay Sir Albert na nakakunot din ang noo

"Ah sige Elisse Hija doon na ako sa kwarto at magpapahinga na"
yan lang ang sinabi ni Sir Albert at tumayo na

"Mag iingat kayo Jacob ni Elisse pag uwi"
ngumiti sa akin si Sir Albert at kay Yohanne

Tinawag ko lang naman na papa si sir Albert kanina dahil gusto niya talagang  tawagin ko siya ng ganon kahit alam ko naman na galit na si Yohanne sa pagkarinig niya sa akin haha nakakatawa lang ang reaksyon ng mukha niya kanina para siyang dragon na nagpipigil

"Hoy!"
tawag sa akin ni Yohanne kaya tumingin naman ako sa kanya

"Bakit?"
sagot ko naman sa kanya

"Tapos kana?"
tanong niya sa akin na kahit alam niya ng tapos na ako ano na naman problema nito?

"Oo kanina pa tatayo na nga sana ako eh"
Turo ko sa upuan

"Sure tayo kana"
Yan lang ang sinabi niya sa akin kaya tiningnan ko siya ng masama pero siya seryoso pa ring nakatingin sa may upuan ko

"Ano bang problema?"
tanong ko sa kanya na ikinatingin niya naman sa akin pero tumayo lang siya at hinubad ang coat at saka niya ako pinatayo at nilagay sa may pwetan ko ang coat kaya namutla ako ibig sabihin?...

"May tagos ka"
seryoso niya iyong sinabi na agad namang naramdaman kung uminit ang pisnge ko hala nakita ni Yohanne nakakahiya

Napatakip ako sa mukha ng sinabi niya iyon kaya napatingin naman siya sakin at itinali ang coat niya sa may baywang ko at saka siya naunang lumabas

Maya maya lang ay nagpaalam naman kami kay Sir Albert nagtataka din siya kung bakit nasa akin ang coat ni Yohanne pero dahil nakapulupot ito sa baywang ko ay alam niya na rin siguro ang dahilan nun grabi kung pwede lang lamunin ako ng lupa ay ginawa ko na

Sumakay kami ni Yohanne sa kotse niya hindi man lang nagkikibuan pero ngayong paupo na ako ay hindi ko alam ang gagawin kung itataas ko ba ang coat niya pero yung upuan ng kotse malalagyan,pero kung yung coat naman ang upuan ko mahirap na to maalis.Napansin na naman ako ni Yohanne kaya napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng bahagya

"Upuan mo ng coat ko"
yan lang ang sinabi niya at tumango naman ako kaya inupuan ko na lang iyun pero hindi pa rin ako kompartable kainis

Pinaandar ni Yohanne ang kotse pero habang nasa byahe kami ay hindi siya kumikibo man lang kanina pa siya hindi kumikibo nakakapanibago ang pananahimik niya

Tumigil kami sa store kaya napatingin naman ako kay Yohanne

"Go buy Nap..."
hindi niya natapos ang sasabihin ng tumingin siya sakin siguro dahil ayaw niyang sabihin yung "Napkin"

"Hindi na ako pwede lumabas kasi ano masyado ng...tagos ako"
Mahina lang ang pagkasabi ko ng "tagos ako" kasi kahit naman sinong lalaki ang kasama mo at sabihin iyon ay nakakahiya naman talaga

"Wag mong sabihing ako ang bibili pa nun?"
pagsusungit niya naman umaandar na naman ang kasungitan nito

"Please?"
nagpupuppy eyes ako kasi baka gumana ang ginagawa ko pero tiningnan niya lang ako ng dirty looks

"Stop it hindi ka cute sa ginagawa mo lumabas ka na!"
pagsigaw niya sa akin

"Eh kasi naman baka may makakita sa akin"
pagdadahilan ko na kahit naman hindi ko iyon sabihin ay talaga namang nakakahiya sa kanya pa nga lang eh sobra na akong mahiya tapos palalabasin pa ako

"Tsk okay fine"
Nilagay niya ang cap niya at nagmask meron lang siyang hinahanda sa ganyan kapag lalabas siya sa maraming tao kasi nga sikat siyang modelo baka lapitan siya ng mga fans buti na lang hindi sila na didissapoint sa kasungitan ni Yohanne siguro dahil sa napakagwapo niya kaya hindi nalang nila iniinda ang ugali nito.
Lumabas si Yohanne sa kotse at pumasok sa store kahit naman ganyan si Yohanne may natatago pa din naman siyang Gentleman sa katawan at nararamdaman ko yon.

Yohanne Pov.

Kainis hindi ko na mabilang sa daliri ko ang murang lumabas sa bibig ko pagkapasok ko pa lang dito sa store bwesit bakit ba naman kasi ako na nagpresenta?pinasuot ko na sa kanya yung coat pero ako pa din pala ang bibili ng Napkin niya ,eww lang!kung iisipin pero syempre Gentleman ako okay lang pero nakakainis lang

Kukuha sana ako ng Napkin Those days yung nakalagay pero binitiwan ko pambihira hindi ko alam kung ito ba talaga,may nakikita naman akong patalastas na ganito sa t.v pero hindi ako nanonood dahil ako yung naiilang eh bwesit lang

Inisa isa ko iyon na binabasa pero medyo patago lang ako kasi baka may makakita sa akin merong nakalagay na para sa gabi daw kinuha ko iyun kasi baka dun siya komportable kumuha ako nun ng dalawa tapos yung those days dalawa din hays bahala na pag ito mali pa siya nang ipapabili ko.Kahit ano lang ang kinuha ko at pumunta dun sa counter lahat ko iyun ibinalandara sa harap niya kaya hindi naiwasan ng cashier na mapatawa tiningnan ko siya ng masama,anong nakakatawa dun?eh babae din siya tsk

"Ang sweet niyo naman po sir"
sabi nung cashier sa akin at tumingin na nakangiti pa rin

"I know"
yan lang sinabi ko

"Lahat po ba ito?"
tanong ulit ng cashier
Kainis nakita niya ng lahat iyon nilagay ko sa harap niya tapos magtatanong pa kung lahat iyon?tanga ba siya?

"Nakita mo naman lahat nandiyan diba?"
pagsagot ko naman sa kanya
Kaya dali dali niya iyon nilagay sa plastic na nilalagyan nila at binigay sa akin

"550 po lahat"Nakangiti lang itong sabi sa akin

"Here"
binigyan ko siya ng isanglibo at sinuklian naman kaagad saka ako lumabas ng store tsk baka maging dragon pa ako dun

Pagkapasok ko sa kotse ay nakita kung nakatingin sa akin si Elisse na nakangiti

"Anong tinatawa tawa mo diyan ha?!"
binato ko sa mukha niya ang binili kong mga Napkins atsaka siya napatawa lalo ng malakas

"Salamat Yohanne ang sweet naman hahaha"
Pang aasar sa akin ni Elisse

"Wag kang tumawa bwesit ka talaga"
pagkasabi ko non ay pinaharorot ko ng mabilis ang kotse wala na nabwiset na naman ako

Bwesit na Napkin!

My annoying Stepsister (Completed)Where stories live. Discover now