Chapter 37

261 5 0
                                    

Yohanne pov

Maaga akong gumising dahil maganda ang araw na ito pano ba naman naging successful ang pag lauch ko ng mga bagong gadgets marami ring mga orders at halos maubos ang mga stocks namin natigilan ako sa pag aayos ng necktie ko ng bumungad sakin si Yanna

"Daddy are you okay?why are you smiling like that?it's so creepy" napakunot ang noo ko sa sinabi ng maarte kung anak.Lumuhod ako para magpantay kami

"Sa gwapo ng daddy magmumukhang creepy?" Sumimangot ako para naman maging maganda ang acting ko hindi ko alam kung bakit masyadong mapagmatyag ang mga anak ko kahit si Evan madaming makakita ng kakaiba pagdating sa mga ekspresyon ko alam niya nang lahat

"Oh well your handsome today daddy" kiniss niya ako sa pisngi

"Araw araw naman akong pogi ah tapos ngayon mo lang ako napansin?"Mas lalo na akong bumusangot

"Stop it Daddy,Fine your handsome everyday" ngumisi ako at niyakap ko ng mahigpit si Yanna ramdam ko naman na nagpupumiglas ito

"Daddy i can't breath" sabi niya kaya kumalas ako sa yakap na nakangiti pa rin si Yanna minsan ang ugali niya nakukuha kay Elisse pero hindi magkalayong saakin nakuha ang mukha niya dahil boys version ko siya si Evan naman sa sobrang misteryoso ng ugali nun sa akin niya nakuha ang ganung attitude pero girl version siya ni Elisse kaya wala talagang makakapagsabi na hindi sila galing sa amin.Minsan na napapatingin ako kay Evan ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil kamukhang kamukha niya ang Mommy niya si Yanna kasi laging nakasimangot nakikita ko ang sarili ko noon tsk pero kahit ganon mahal na mahal ko ang mga anak ko kulang pa nga ng sampo 1 dozen na.

"Yohanne aalis kana?" Napatingin ako sa magandang babae na nakaapron kaya ngumiti ako ng malapad napansin ko naman ang pagkunot ng noo nito pero hindi ko iyon pinansin masyado dahil nilapit ko kaagad siya at hinalikan sa noo

"Ling successful ang pag launch ko ng mga gadgets makakapag vacation tayo sa probinsya" masigla kung sabi sa kanya kaya napangiti na din ito at saka ako niyakap

"wow congrats Yohanne" saka niya ako niyakap ulit hindi pa din makapaniwalang dating ayaw kung maging stepsister isa na sa mga pinakagugusto ko.Naalala ko pa ang unang kita namin napalayas ko siya

"Can i join?" kumalas kami sa pagyayakapan at nakita namin si Evan na may kagat kagat na hotdog

"Come here baby" saka ko ito binuhat at hinalikan sa pisngi

"So what about me?" sa sungit palang ay alam na naming si Yanna ito kaya agad ko din siyang kinarga sa kaliwa kung braso

"Ouch daddy" impit ni Yanna pero hinalikan ko lang ulit ito sa pisngi

"Ang bibigat niyo na ah" pang aasar ko sa dalawa kaya hinampas naman ako ni Elisse

"Syempre kasi malalaki na sila" napangiti naman ako

"Oh family group hug" nakangiti kung sabi kaya yumakap na lang din sakin si Elisse at sa magkabilaan ang dalawa naming anak

"Yiee happy family" sigaw ng dalawa naming anak habang nakataas ang dalawa nilang kamay si Elisse nakayakap pa din sakin pero napatingin siya sakin na nakangiti

"I love you" natigilan siya sa sinabi ko pero ngumiti din ito

"Mas mahal kita" kita ko din ang pamumula ng mukha niya

"Mas mahal kita,Mahal na Mahal na Mahal sobra" Saka ko siya hinigit sakin kahit nakarga ko pa ang dalawa kung anak ay hindi ako nahirapan na ilapit siya sakin at humalik sa noo niya.

Pumunta ako ng office na hindi pa rin maalis ang ngiti ng pumasok si Bryan

"Sir Yohanne nasa labas si Ms.Kimberly" tiningnan ko pa siya magsasalita pa sana ako ng may pumasok na..si Kimberly

"Maiwan ko na muna kayo Sir" lumabas naman kaagad si Bryan

"Congratulations to us" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya to us?sabagay isa rin siya sa modelo nun

"Okay" Tipid ko lang na sagot

"Anong okay ka diyan" lumapit ito sa akin at naupo sa harap ng mesa ko

"May celebration kami nila Manager i'm here for inviting you" nakangiti nitong sabi

"Nah i'm not interested" bumaling ako sa mga papeles na pipirmahan ko ng maramdaman kung hinawakan niya ang baba ko para magtama ang paningin namin pero madali kung nailayo ang mukha ko sa kanya at tiningnan ko siya ng masama

"calm down" tinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere na para bang sumusuko "i'm sorry gusto ka din naman papuntahin ni Manager sa celebration here.." may kinuha siyang sobre at nilatag iyon sa mesa ko

"Pumunta ka mamaya 7 magsisimula" kinuha ko ang sobre at tinapon sa basurahan napansin ko naman ang pagguhit ng pagkabigla sa mukha

"I told you i.am.not.interested. " madiin kung sabi kaya napatayo siya pero ang akala ko ay lalabas siya pero hindi tumigil ito at muling nagsalita na nakapagpigil sakin

"Whether you like it or not pupunta ka kung ayaw mong masira ang relasyon niyo ng asawa mo"

Masyadong busy din ako sa mga papeles kaya hindi ko namalayan ang oras mag aalas sais na ng gabi hindi ko alam kung pupunta ako sa sinasabing celebration na yun tinawagan ko na din si Elisse na malalate ako ng uwi.Naguguluhan din ako ano bang balak ng Kimberly na yun sa amin?sa pamilya ko?

Napapikit ako para sana mag isip isip ng tumunog ang cellphone ko kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang pangalan ni Elisse sa screen sa cellphone ko baka kanina niya pa ako hinihintay at baka galit na siya kaya dali dali kung dinampot ang cellphone ko at sinagot ito

"Hello darling?"pinasigla ko ang boses ko para naman hindi mahalatang natatakot ako na magalit siya oo aaminin ko takot ako kay Elisse kapag nagagalit dahil talagang hindi ko makilala ang Elisse na laging nakangiti

"Darling nasa celebration kana ngayon?" sa halip na matakot ay nagtaka ako sa sinabi niya bakit niya alam?at sinong nagsabi sa kanya na may celebration?

"Hindi mo agad sinabi sa kin na may celebrasyon kayo,kaya pala sabi mo malalate ka ng uwi,mag enjoy ka sa party Darling" rinig ko sa boses niya ang sigla pero hindi tama to ayokong pumunta

"Darling nasa office ako ayokong pumunta sa celebration nila" mababa kung sabi pero rinig ko ang pagbuntong hininga niya

"Hindi Yohanne okay lang na pumunta ka at ma late kasi naging successful yung ginawa mo sobrang proud ako sayo Darling mag iingat ka ah,wag kang mag alala okay lang kami" biglang kumabog ang dibdib ko bakit parang nag papaalam siya?pero hindi mali lang yata pagkakaintindi ko

"No Darling uuwi na ako" ibababa ko sana ang cellphone ng magsalita siya ulit

"Darling okay lang mag enjoy ka" may tinatago ba sakin si Elisse?

"Bakit gusto mong pumunta ako doon?"

"Pinaalam ka sa akin nung Manager daw nung Kimberly sabi niya kung pwede pumayag ako na pumunta ka,gusto mo naman daw pumunta ang kaso ako daw ang may ayaw,ayoko naman na hindi ka sumaya" mahaba niyang litanya ginamit pa talaga ng Kimberly na ito ang Manager niya

"Mas masaya ako kapag kasama ko kayo" sabi ko pero rinig kung humikab si Elisse

"Sige na Darling okay lang sa akin ibababa ko na ito" bumuntong hininga ako bago nawala ang tawag

Ngayon lang naman ito siguro matapos ang celebration na ito ay wala ng pakanang gagawin ang Kimberly na yun

My annoying Stepsister (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora