Mystic World
Odin Cassiopeia Zafeiriou
"Alexandra!"
I breath out a lung full of air out of my lungs. That name again. Parati nalang nila ako tinatawag sa pangalang hindi ko naman pagmamay-ari.
Hindi ko na sana sila papansinin nang matigilan ako sa pahabol na sigaw ng isa sakanila.
"Tanginang duwag ka!"
Kunot-noo na hinarap ko silang lahat. Lalapitan na sana sila ng mga Executive Protection Agents ko nang senyasan ko sila na 'wag na 'wag silang makikialam.
"Anong sinabi mo?" Nagpipigil na galit na usal ko.
I know him.
Siya 'yung lalake na nanapak saakin noon just because of a simple traffic accident. Natatawang ngumisi siya saakin like he was mocking me. Mas lalong nag ngitngit ang loob ko sa klase ng tingin na pinupukol niya saakin.
"Duwag kang putangina ka."
Mabilis na nakalapit ako sa pwesto niya para kwelyuhan siya ng mahigpit. Nasa likod ko lang ang mga agents ko who were observing us and waiting for my order. Hindi ko rin binigyan pansin ang suit na nahulog ko when my hands quickly caught at the man's uniform collar.
"Say that to my face." I challenge him.
Ngumisi siya lalo dahil sa sinabi ko pero ang mga mata niya ay walang buhay na nakatitig saakin.
"Gusto mo pa, duraan kita, e." He smirked, "Para malaman mo kung gaano ako nandidiri sa pagiging duwag mo."
Ang ayoko sa lahat ay tinatawag akong duwag.
Niyugyug ko siya ng malakas habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo ng uniporme niya.
"You gonna hit me? Go! Hit me! Suntukin mo 'ko!" Malakas na sigaw niya sa pagmumukha ko.
Mas inilapit niya ang mukha niya saakin tipong hinahamon ako. Dikit na dikit na 'yung katawan namin habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa collar niya.
"Hit me, Alex! Gawin mo!"
Gigil na gigil ako na saktan siya. Alam ko na namumula ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang inis at galit. It was like something wants to explode deep inside my system.
"My god! Please stop it guys! Hadji! Alex! Tama na please!"
"Hadji! Stop provoking her!"
"Alex! Bitawan mo si Hadji!"
"Sir! Ma'am! Kalma lang po tayo!"
Rinig na rinig ko na pakiusap nila saamin pero masyadong nabulag ako ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong burahin ang malaking ngisi sa labi ng lalake na kaharap ko.
He was provoking me and I never knew that I would be easily swayed by him. This is not because I'm under the influence of alcohol pero parang may gustong kumawala sa loob ko na matagal nang natutulog sa kailaliman ng utak ko.
I'm in between the feelings of sadness, longing, and anger.
"Bunso.. please.."
May kung anong humaplos sa puso ko ng marinig ang mga katagang iyon. My eyes quickly wander around to the people behind Hadji— the name of the guy I was choking right now.
It was an all familiar face na mas lalong nagpagusot sa mukha ko.
And the woman who was trying to remove my hands at Hadji's collar was looking at me with her tearful eyes had me almost wants me to punch myself in disgust for hurting her. Malakas na itinulak ko si Hadji papunta sa mga kasamahan niya.
BINABASA MO ANG
Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]
General Fiction[STATUS: COMPLETED] Apollo to Icarus. "Golden child, Lion boy; Tell me what's like to conquer. Fearless child, Broken boy; Tell me what's like to burn." - oh darling, even rome fell // p.s (via madzie-bane) *** Everything is in proper place not unti...