Special NEW Chapter: One That I Want

14.7K 329 247
                                    

One That I Want
(TeacherxStudent)

"I really love you, Lavender but," he then quickly avoided his gaze from me, "I realized na hindi pala ako ang karapat-dapat para sayo."

"Ano?"

"I'm sorry, Lavender. I'm really sorry!"

Nakanganga lang ako habang pinagmamasdan ang likod ng tumatakbong si Chester, manliligaw ko.

"Ha!" I shook my head in utter surprise habang nakapameywang dito sa hallway ng Education building. "Ang kapal ng mukha niya! Ako pa 'yung nagmukhang binasted sa lagay namin ngayon!"

Ni hindi ko nga siya gusto at wala rin akong plano na sagutin siya. But I still give him a chance to woo me dahil sa araw-araw na pamimilit niya saakin noong nakaraang buwan!

The audacity!

"Hoy, Lavender!"

Bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Tiffany, matalik na kaibigan ko. Agad na kumunot ang noo niya ng makita ang lukot na expression ng pagmumukha ko.

"Anyare sa'yo, teh?"

"Si Chester—"

"Wait! Huhulaan ko," agad na pigil niya saakin saka pabirong nagtataas-baba 'yung kilay niya. "Binasted ka na naman ng isa sa mga manliligaw mo, no?"

Mas lalong nalukot ang mukha ko.

"Hindi ako binasted!" Inis na usal ko sakanya. "Choice nila na mag give-up sa panliligaw saakin!"

Tumawa siya ng malakas. Buti nalang lunch break kaya hindi kami napagsasabihan dito ng mga professors namin sa building ngayon kundi makukurot ko talaga sa singit 'tong kaibigan ko.

"E, kasi naman, gurl. Sa sobrang tagal na natin na magkaibigan mula pa high school, iisang buwan lang ata ang itinatagal ng mga manliligaw mo sa'yo."

"So? Kasalanan ko pa na hindi sila nagtatagal sa panliligaw nila saakin?" I annoyingly scoff.

"Hindi naman sa ganon pero nakakapagtaka lang kasi. Ang ganda-ganda mo kasi pero wala namang nagtatagal na manliligaw mo sa'yo."

Aanhin ko naman 'yang ganda na sinasabi niya kung walang manliligaw ko na nagtatagal saakin?

Halos lahat sila, hanggang isang buwan lang ang itinatagal para ligawan ako. Ayaw ko naman na sagutin sila after a week. Hindi ako ganon ka easy na babae para mapasagot lang nila sa isang linggo o isang buwan.

Hindi ko rin alam ang reason. Sa tuwing tinatanong ko naman sila kung bakit hihinto sila sa panliligaw saakin, tikom rin ang bibig nila. They look like they were scared to something or someone.

Napabuntong-hininga ako at napailing ulit.

"Anyways, here."

Agad na tumikwas ang kilay ko sa pamilyar na bagay na hawak niya ngayon pero agad ko rin naman itong tinanggap.

"Galing na naman kay mystery admirer mo." Pabirong siniko niya ako sa balikat. "Dali, buksan mo na, gurl!"

Natawa naman ako sa pagiging excited niya. Mabilis na pinasadahan ko ng tingin ang rectangular canvas na may size 9x12 inch na hawak ko ngayon saka inalis ang newspaper na tumatakip dito.

I heard Tiffany gasped in surprised beside me. Pati ako ay mabilis na napakurap ng mata dahil sa sobrang pagkagulat.

"O.M.G, gurl! 'Di ba 'yon 'yung time na nakatulog ka sa library kahapon?!"

I didn't answer her and just look at the sketch with a gape mouth. Ito 'yung time na inabutan ako ni Tiffany sa loob ng library na nakatulog dahil sa sobrang pagod.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon