12. Switchblades and Infidelity

9.5K 397 528
                                    

Trigger warning:
Contains sexuality and infidelity.

Readers' discretion is advised.

▪︎▪︎▪︎

Switchblades and Infidelity

Third Person

"O, bakit kunot noo ka d'yan?"

Napalingon naman si Femi sa katabi niya. It was Gabby who was eating her snack.

"Wala." She said saka kunot-noong tumingin uli sa pwesto ni Alex who was with Madison.

"Kainggit sila, no?"

Salubong naman ang kilay ni Femi na tinitigan si Gabby na walang ka alam-alam sa hilatsa ng mukha ng kaibigan.

"Anong nakaka inggit d'yan? E, pareho silang babae."

Nao-offend na nilingon siya ni Gabby.

"Hoy, Femi. Hindi ikaw si Maria, a. Kaya wag mo siyang papalitan sa pagiging homophobic 'kuno' niya."

"Tss.."

"Tsaka, ang ganda kaya nilang dalawa. Kaya pala familiar si Madison kasi kalat noon that she swings both ways and ex niya si Alex."

"E, ba't 'di ko 'yan alam?"

"Kasapi ka ba namin? Bakla ka rin ba?" Deritsong tanong ni Gabby sakanya kaya mabilis na nag-iwas si Femi ng tingin.

Bumalik uli ang tingin niya sa lugar nila Alex at Madison. Napataas naman siya ng kilay ng makita niya na malanding hinihimas ni Madison ang braso ni Alex.

"Syempre, hindi!"

Mariing tanggi niya kay Gabby. 

"I'm. Not. Gay.."

Pag-uulit pa niya kay Gabby.

She doesn't know if she was telling it to her friend or to herself.

"Sure ka?" Marites na usal ng kaibigan.

Umismid si Femi. "Oo naman.."

"Hoy, Femi. Iba ang nasasagap ng radar ko kanina, a."

"Anong sinasabi mo d'yan?"

Natahimik muna si Gabby at bigla nalang may naisip na kalokohan. Umarte ito na parang nabubulunan kaya mabilis na nataranta si Femi.

"W-Water, please.."

At dahil madaling mataranta ang kaibigan, mabilis na iniwan nito si Gabby para kumuha ng isang bottled water sa mahabang mesa ng mga pinaglalagyan ng snacks.

Babalik na sana si Femi sa pwesto nila pero bigla nalang may nagtulak sakanya na lingunin ang lugar nila Alex at Madison. She was holding Alexandra's wrist pero agad rin na tinanggal 'yon ni Alex ng makita niyang kunot-noong nakatingin si Femi sa pwesto nila.

Inis na inirapan naman sila ni Femi.

'Asan ba ang mga kaibigan ni Alex? Nilalandi na ang bunso nila at nagpapalandi naman ang isa. Kainis!'

Himutok niya sa utak niya. Salubong ang kilay at mahigpit ang kapit sa bottled water na dala para sa kaibigan. Hindi niya alam na kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Gabby na mahinang napapailing.

Mabilis naman na nakalapit si Femi sa kaibigan na gusot ang mukha.

"O! Water mo!" Naiinis na binigay ni Femi ang bottled water kay Gabby at pasalampak na umupo katabi nito.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon