44. Need You Now

13.9K 435 306
                                    

AN: If someone was curious kung bakit nawawala yung mga comments niyo sa latest chapters ng story guys, inedit ko yung mga grammar at spellings ko po. Ang kalat po kasi ng chapters ko. Pasensya na po.

Btw, yung mga comments niyo, nandoon pa rin naman po sa comment section. Hindi lang siya nag a-appear. Pasensya na po talaga.

I also made an Instagram account @ThePigWhoDoesntOink. Naglalagay ako ng mga spoilers and RP pictures ng mga characters ng story ko. Hope na e - follow niyo ako dun and I will also follow you back, guys. You are also free to message me on my Instagram account para malaman ko yung mga opinion niyo. char

▪︎▪︎▪︎

Need You Now

Third Person

Napabuntong hininga si Odin pagkatapos niya maisara ang pintuan ng kwarto ni Dr. Wendy Torres, ang kanyang personal clinical psychologist. Kakatapos lang ng unang session nila ngayong araw.

She just asked her some simple and basic questions; mostly about her lifestyle o kung ano man ang pinagkaka-abalahan niya sa mga nag daan na araw. May mga questionnaire rin siyang sinagot kanina, like some kind of personality and behavioral assessment sheet questionnaire for clients like her.

After niya masagutan ang questionnaire ay agad na tinapos ni Doc. Wendy ang session nila ngayong araw. E-rereview muna daw nito ang mga sagot niya ngayong araw na agad na naintindihan naman ni Odin.

Papalabas na sana siya ng ospital ng bigla nalang may pumigil sa braso niya.

"Oh, sorry! I thought you were Sigyn, that was the name of my patient. I'm sorry."

Agad na binitawan naman nito ang braso ni Odin bago humingi ulit ng pasensya sakanya.

"You mean, Sigyn Zafeiriou?"

"Yes? How'd you know her?"

"She's my cousin. How's she?"

Napatitig naman siya ng mataman sa mukha ni Odin. Kaya naman pala napagkamalan niyang si Sigyn ang dalaga. Mukha kasi silang pinagbiyak na bunga. Napabuntong hininga naman si Doc. Carpio at saka mahinang umiling sa harapan ni Odin.

"I'm sorry, ma'am. My client's personal information is strictly confidential." He gently said while softly smiling.

Mahinang tumango naman si Odin sa sinabi ng doktor. Humingi ulit ito ng pasensya sakanya bago tumalikod at umalis. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Damian sakanya na parating tumatakas sa session niya ang pinsan.

She heaves a sigh again.

Agad na sumakay si Odin ng isang pampasaherong jeepney para sa lugar kung saan sila magkikita ng mga barkada niya. Isang Toyota Hiace Van lang kasi yung gagamitin nila para sabay silang lahat na aalis.

Pinagtitinginan naman si Odin ng mga tao na kasabayan niya sa loob ng jeep. Puro students ang mga pasahero kaya ganon nalang ang gulat nila ng may isang magandang foreigner na kasabayan nila ngayon.

Hindi niya naman ito pinagbigyan pansin at naupo nalang ng tahimik habang kapkap ang backpack sa ibabaw ng kandungan.

Odin is only wearing a simple black sleeveless hoodie tank top that emphasizes her toned arm muscle every time she would unconsciously flex her arms. Pinaresan niya rin ito ng black combat cargo pants at MIA shoe-lace up black combat boots.

Masyadong malakas ang dating ng dalaga at mas nakakakuha pa ng atensyon ang fit nitong pangangatawan lalo na ang gahigante niyang height. Isa pa sa nakadagdag ng appeal niya ay ang mga peklat niya sa braso making her so roguelike handsome.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon