14. On Becoming Willing

9.5K 405 207
                                    

On Becoming Willing

Third Person

Sa may kaguluhang barangay nila, isang grupo ng mga lalake na kung pagmamasdan mo ay parang wala ng gagawing mabuti sa buhay. Pinapalibutan nila ang isang kawawang lalake na puro pasa na ang mukha at umiiyak na nakaluhod sa harapan nila.

The man with a big scar on his neck squat in front of the pitiful guy at mahinang sinampal-sampal ang pisnge nito na animoy ginigising. Siya si Baldo, kinatatakutan ang grupo nila dahil sa pagiging bayolente at walang-awa sa mga taong may pagkaka-utang sa grupo nila.

"Punyeta. Akala ko ba magbabayad ka ngayon. Asan na?"

"P-Parang awa niyo na p-po.. b-bigyan niyo pa p-po ako ng kaunting p-panahon.."

Isa siya sa mga leader sa pangongolekta ng pautang nila.

Mga lone shark.

Usap-usapan rin na may illegal itong negosyo at hindi dinadakip ng pulisya dahil may malalaking tao na promoprotekta sa grupo nila. Pero kahit na maraming takot sakanya ay marami pa rin talaga ang kumakapit sa patalim.

Mabilis kasi maglabas ng pera ang grupo nila Baldo sa mga nangungutang. Kahit na ilang libo pa ang utangin mo ay ibibigay nila pero kapalit no'n ay ang malaking interes na nakapatong sa babayaran mo.

Napailing nalang si Baldo dahil sa iyak na sagot ng taong nasa harapan bago sinenyasan ang mga kasamahan niya sa likod.

Agad na tinadyakan ng isang kasamahan nila ang lalakeng nakaluhod sa leeg nito kaya agad na napahiga ito sa kalsada. Sumunod naman ang iba at kanya-kanyang nagbabato ng suntok at tadyak.

Mabilis na nag iwas ng tingin si Alex at nagpatuloy lang sa paglalakad kasama ang kapatid niyang si Kaloy na deritso lang din ang tingin sa daan. Hindi na bago sakanila ang pangyayari sa lugar kaya hindi na nila ito binigyan pansin pa pati na ang ibang mga taong nakakakita sa pangyayari.

May isang unipormadong pulis pa nga ang nagbubulag-bulagan habang angkas ang bagong washing na motorsiklo at deritso lang ang takbo ng minamaneho. Habang naglalakad sila ng kapatid niya, naalala niya uli ang parating bukam-bibig ng ama sakanila.

Wag makialam at unahin ang sarili sa kahit na anong pagkakataon.

"Ate, dito na ako."

"Ingat ka sa daan, Kaloy."

Tumango naman si Kaloy saka sumabay sa agos ng ilang kabataan na naglalakad patungo sa paaralan. Inayos naman ni Alex ang strap ng shoulder bag niya bago pinagpasyahang umalis.

Maayos naman siyang nakarating sa University nila. May mangilan-ngilan na bumabati kay Alex at may iba rin na nakatitig lang sa bawat kilos niya na nginingitian lang niya.

Pagkarating niya sa department nila, may nakita siyang papel na nakapaskil sa announcement board.

INTERNS. PLS GO TO THE FACULTY OFFICE FOR YOUR GRADE CONSULTATION FOR THIS SEMESTER. TNX.

Dumeritso agad siya sa faculty office nila para mag consult ng current standing niya. Pagkatapos makita ang grade niya ay bagsak ang balikat na naglakad siya sa room 201.

"O, anyare d'yan sa mukha mo?" Takang tanong ni Althea ng makita ang mukha ng kaibigan.

Salubong ang kilay at bagsak ang balikat na naupo ito katabi niya.

"Ang baba ng grade ko sa CDI."

Napangiwi si Althea. "Ah, galing ka palang faculty office?"

Malungkot na tumango si Alex kaya hinimas himas naman ni Althea ang likod ng bunso. Alam niya kasi kung gaano ka grade conscious si Alex kaya malamang sa made-depressed talaga ang kasama pag may mababa itong marka.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon