41. Gateway Green

12.2K 457 302
                                    

Image 1: Freya Sahara dela Merced Wilson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Image 1: Freya Sahara dela Merced Wilson

▪︎▪︎▪︎▪︎

Gateway Green

Third Person

Agad na hinila ni Erica ang likod ng kwelyo ng damit ni Hadji bago pa ito makasakay sa loob ng kotse ni Odin.

"May sarili kang sasakyan!"

Mabilis na inilabas ni Hadji ang susi sa bulsa at sinubukan na ibigay kay Erica ang susi ng kanyang sasakyan.

"Ikaw na mag drive ng sasakyan ko, o?"

"Tangina ka ba? Alam mo na hindi ako marunong mag drive! Anong gusto mo gawin ko sasakyan mo, ibangga ko sa katawan mo?!"

Napakamot naman sa ulo niya si Hadji at nilingon si Odin. Natatawang kinuha ni Odin ang susi sa kamay ni Hadji saka niya inilagay sa palad nito ang car keys ng kanyang Porche.

"Ako na magda-drive ng sasakyan mo. Palit nalang muna tayo."

"Talaga, Alex? Sure ka? Okay lang ba?"

Halos mag ningning naman ang mata ni Hadji. Natatawang tumango naman si Odin sa kaibigan. Masayang nagtatakbo ito sa sasakyan niya at parang bata na itinutok ang car keys ni Odin sa Porche.

Napailing nalang ang mga kasamahan dahil sa pagiging-isip bata ng kaibigan.

"Ibabangga ni Hadji yang sasakyan mo bunso. Naku!" Singit ni Jeno habang binubuksan niya ang driver's seat ng sasakyan ni Samantha.

Natatawang sumunod naman sila Althea at Christine kay Jeno sa loob ng sasakyan.

"Paano ba ito, Alex? Turuan mo muna ako!"

Agad na lumapit si Odin sa lugar ni Hadji at dumungaw sa bintana ng driver's seat. The electric Porche looks so futuristic, even the airflow inside the Porche needs to be moved by touching the screen to move its direction.

"Here, this is the drive lever of the car. Just toggle that up and down and watch over this curved screen in front so you can monitor your speed limit. Be careful Hadji, this car is really fast and has a super quick acceleration with a 670 horsepower."

Tumango naman si Hadji na ngiting-ngiti na nakikinig sa sinasabi ni Odin. Nasa likod naman nila sina Samantha at Erica na sumisilip at nakikinig rin sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"There are 2 gears here. One for super-quick acceleration and the second gear kicks in for longer drives. 'Wag mo na i-click 'yung iba dito, okay? This is really easy to drive because it was a launch control electric Porche but always be careful."

Lumayo sila Odin sa sasakyan at nakangiting tinanguan ito.

"C'mon Hadji, give it a try."

Ngumisi naman si Hadji sa sinabi niya at mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan na siyang naging dahilan para mas lumawak ang ngiti nito sa labi.

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon