3. The Reckless and The Brave

13.7K 604 286
                                    

The Reckless and The Brave

Alexandra Alarcon

After ng presentation and chants ng mga college departments ay agad na dumeritso ako sa office namin. Pagpasok ko sa loob, dumiretso agad ako sa may water dispenser at nainom ng malamig na tubig. Nandito rin ang ibang members lalo na ang mga senior citizen— este mga old members ng club.

"Sinetch Itey itong gurlalo na nakita ko, na malagkit na nakipagtitigan kay student council president sa morning assembly?"

Halos lumabas ang tubig na iniinom ko sa ilong dahil sa malanding anunsyo ni Jeno.

He's Jeno Paras. 4th-year Architecture student and yep. He's gay.

"Sinetch Iteeeey?"

Pabaklang kanta nila Troy at Hadji with matching pakumpas kumpas pa ng mga kamay.

"Sino pa ba?" He said with a bit of a hint while looking at me with his eyebrows raised.

May pa shock expression din ang dalawang tanga sa gilid habang maarteng nakahawak sa dibdib nila.

"Hoy, beh! Ano 'yon, a?"

"Ma issue ka masyado, Jeno."

"It's Jena. J.E.N.A. Jena." He said while rolling his eyes.

"Jena with eggs."

"Jena with hotdog."

Magkasabay na sabi nila Troy at Hadji sa naka dekwatrong si Jeno.

Kinuha naman ni Jeno ang tsinelas na suot saka pinagbabato ang dalawa na mabilis na nakaiwas naman. Muntik na akong tamaan sa mukha at mabilis na hinawi ko rin sa kaliwa ang ulo ng naka duty'ng 1st year na nakaupo sa mesa niya.

Muntik na tamaan ang bata.

"Mga bwesit kayo sa buhay namin!" Iritableng sambit ni Jeno habang hinahawi ang bangs na wala siya.

Tawa ng tawa naman ang dalawang ugok sa gilid. Suot rin nila ang polo na pinatahi namin for this year. Every year kasi kami nagtsi-change ng club uniform dahil kasama naman 'yon sa budget ng club expenses namin.

"At'saka Alexandra!" Lumingon ito ulit sa gawi ko. "Kitang kita ko kayo kanina. Nasa may gilid lang ako dahil ako ang nakatoka para sa article ng opening assembly! And I can saaaay~ ang landi niyo."

"That was just a friendly gesture."

"Friendly na may pa wink-wink? Pwede pala 'yon?"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Pati 'yon nakita niya?

"May something ba sa inyo?"

"Wala!" Mariing tanggi ko.

"Chix kaya ni Student Council President. Crush ko nga rin 'yon!" Sabat ni Troy habang naka upo sa swivel chair ng adviser namin. "Ang laki kasi ng balakang tas chubby pa ng feslak."

"Mas malaki naman ang balakang ko do'n," ingos ni Jeno sakanya saka lumingon saakin. "Tsaka iba na ba taste mo bunso? Malaki rin ang hita ni Femi. Malayo sa mga type mo."

Odin Cassiopeia Zafeiriou [INTERSEX]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon