Chapter Forty One

5.1K 179 20
                                    

Maxine's pov




Sunod sunod na katok ang gumising sa akin kaya pabalang akong bumangon at iritang binuksan ang pinto.

"What the fuck do you wa--"

"Max, your girlfriend is burning my kitchen down! Get her out of there!" Bungad sa akin ng pinsan kong si Lucas. Siya yung may ari ng hotel na pinag tutuluyan namin.

"Huh? What do you mean!?" Nagugulohan kong tanong dito.

"Argh! Just get dressed at puntahan mo na siya, she won't listen to anyone!" Saad nito at tinulak ako papasok para mag bihis ng desente. Hindi ko din kasi alam kung bakit napalitan ang suot ko eh sa pag kaka-tanda ko ay hindi naman ako nag palit bago matulog.

Nang matapos ako ay lumabas ako at nabutan si Lucas na pabalik balik na nag lalakad sa harap ng room namin.

"Finally! Hurry up." Pag mamadali nito at hinila na ako papuntang elavator.

Nang makarating kami sa baba ay dumiretso agad kami sa kusina. Sinalubong kami ng madaming usok kaya uubo ubo kaming pumasok at hinanap ang salarin.

"Dapat hindi mo muna po nilagay Miss. Wala pa kasi pong mantika." Rinig naming saad ng isang chef sa naka simangot na si Tiarra habang pinipilit na tanggalin yung nakadikit na niluluto niya sa frying pan.

"Oh please, make your girlfriend stop." Bulong sa akin ni Lucas bago nag face palm.

"Tiarra, what are you doing?"

Nagulat naman siyang napatingin sa akin.

"M-max.. Hi, good morning." Namumula ang mukha nitong saad. Namumula hindi dahil nag bablush kundi literal na namumula dahil sa init ata at usok.

"Come here." Utos ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin bago pihitin ang stove kaso mali ang pag pihit niya, imbes na mamatay ito ay lalong lumakas ang apoy kaya umapoy pati ang niluluto niya.

"Tiarra! Leave it!" Irita kong saad at hinila na siya papalabas ng kusina. Nadaanan pa namin si Lucas na nag papaypay para maalis ang usok sa kusina.

"Maraming salamat po, pwedeng pakisunod nalang po ng mga naluto ko.." Pag hingi ng pasalamat ni Tiarra dito at may pa yuko yuko pa siyang nalalaman na kala mo Chinese ang kausap niya.

"No problem Tiarra, anytime. I'll tell them to bring your food to your room." Sagot ng pinsan ko at pilit nginitian si Tiarra.

Agad ko siyang hinila na papasok ng elevator paakyat sa room namin.

"What were you thinking Tiarra! Alam mo bang muntik mo ng masunog yung buong kusina? Ano ba kasing ginawa mo dun in the first place!?" Inis kong saad dito.

"Ouch..aray Max.." Mahina nitong daing. Hindi ko namalayan na napadiin pala ang pag kaka-pisil ko sa kamay niya.

Tiningnan ko ang namumula niyang kamay at ngayon lang napansin na may paso pala siya. Saktong din na bumukas ang elevator kaya agad ko siyang inakay papuntang room namin.

Pinaupo ko siya at kinuha ang ointment na lagi kong dala dala. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang napaso niyang kamay.

"Aray ko naman, dahan lang." Daing nito ng mapadiin ang pag dampi ko ng ointment sa napaso niyang kamay.

"Mag tiis ka ginusto mo yan. Pasaway ka eh." Sagot ko at sinadyang diinan ang pag lagay kaya dumaing ulit siya.

"Tsk. Edi dapat pag tiisan mo din kapasawayan ko, ginusto mo din ako eh." Bulong nito pero rinig ko naman kaya tumigil ako sa ginagawa ko at sinamaan siya ng tingin.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon