Chapter Forty Two

4.6K 169 1
                                    

Tiarra's pov




Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya.

"Max--"

Isang katok ang nag putol ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag, dahil naputol ang pag coconfess ko or manlulumo kasi nawalan ako ng pag kakataong sabihin sa kaniya ang totoo?

"Max! Kanina pa daw tawag ng tawag si Tita sayo. Tinawagan niya din daw si Tiarra pero wala naman daw nasagot." Humahangos na saad ng pinsan ni Maxine pag kabukas na pag kabukas ng pinto.

"What happened?" Kinakabahang tanong ni Maxine.

Tumingin naman sakin ang pinsan niya bago tiningnan si Maxine ng may pag aalinlangan.

"Ahm..si ano.. si.."

"I swear, I'm gonna murder you right here pag hindi mo inayos yang sasabihin mo." Inis na saad ni Maxine.

"It's Sophia.." There was a small pause between the two of them.

"Fuck!" Sigaw ni Maxine at nag madaling kunin ang mga gamit niya. Ang iba ay hindi na niya niligpit, tanging mahahalagang gamit niya lang ang kinuha niya at inilagay sa bag niya.

"Max what's going on!?" Taranta ko ding tanong sa kaniya. Lumingon siya sa akin ng puno ng pag aalala ang mukha.

"I'm going home, you decide if you're going to stay or come with me." Saad nito.

Gusto ko pa sana siyang tanongin kong bakit pero mukhang any minute ay maiiyak na siya.

"I'm coming with you." Sagot ko at kinuha nadin ang mga gamit ko. Lumapit siya sa akin at mabilis na hinalikan ang labi ko.

"Thank you." Bulong nito at hinila na ako palabas.


***


Tahimik kaming dalawa ni Maxine sa likod ng sasakyan. Nag pahatid lang kasi kami sa driver ng pinsan ni Max dahil pinag bawalan ko siyang mag maneho sa kalagayan niya.

Kanina pa din siyang hindi mapakali, ilang beses niyang pinabilis ng pag dadrive si manong.

Hindi ko familiar ang tinatahak naming daan pero itinikom ko nalang ang bibig ko.

Maya maya pa ay tumigil na kami sa isang may hindi kalakihang bahay.

"Manong, take Tiarra home." Saad ni Maxine at akmang bababa na ng hinila ko siya ulit papasok ng sasakyan.

"I can't come with you?" Nag tataka kong tanong sa kaniya. Kinagat niya ang ibabang labi niya at kinakabahang nag iwas ng tingin sa akin.

"Just please..go home. Now is not the right time yet." Bulong niyang pakiusap sa akin bago malambing na hinaplos ang pisnge ko at dinampian ng halik ang noo ko.

"I'll tell you when I'm ready. I promise." Bulong nito bago tuloyang bumaba ng sasakyan at iniwan ako sa loob.

"Address niyo po Ma'am?" Tanong ni Kuyang driver ng makita niyang naka tingin lang ako sa bahay kung saan pumasok si Maxine.

"Kuya..alam niyo po ba kung sinong naka tira sa bahay na yan?" Tugon ko kay Kuya imbes na sabihin ang address ko.

"Opo Ma'am pero wala po ako sa posisyon para mag salita ng kung anong nalalaman ko."

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng bahagya.

"Pasensya na po sa pag tatanong Kuya." Sagot ko at sinabi kung saan niyang address ako ihahatid.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon