Chapter Forty Eight

4.4K 181 15
                                    

Tiarra's pov




Do you ever experienced being stab in a crowded place? Yung parang ilang beses kang paulit ulit na sinaksak pero walang tumutulong sayo. That is exactly what I feel right now.

"Sweetie are you okay?" Tanong sa akin ni Mommy Xia at tinapik ng marahan ang balikat ko.

I forced a smile bago siya tinanguan. "Of course po Tita."

Sinuklian niya lang ako ng matamis na ngiti.

"Mommy i want Tita Tiarra to feed me." Rinig kong saad ni Athena sa mommy niya.

"But baby Tita Tia--"

"It's okay, ako na mag papakain sa kaniya." Putol ko sa ano mang irarason ni Agenta sa anak niya.

It's kinda weird na sabihin na anak yun ni Agenta but at the same time nakaka inggit.

Tinaasan naman ako ng kilay ni Maxine. "You don't hav--"

"But I want to." Putol ko ulit sa kaniya. She scoffed at me at balak pa ulit sanang kumontra ng mag salita ang anak niya.

"You two fight like a married couple, by the way Tita Tiarra are you single po ba?" Tanong nito na ikinagulat namin ni Maxine pero tinawanan lang ni Mommy Xia.

"Yes, she is." , "No baby."

Sabay naming sagot ni Maxine. Ngumiti naman sa akin si Athena habang naka taas lang ang kilay ni Maxine sa akin.

"Really? Who's the lucky guy then?" Biglang tanong ni Mrs. Carson. Nag tataka at kinakabahan akong lumingon sa kaniya. She's smiling softly at me.

Geez, I didn't expect her to react. Sa totoo lang hindi naman ako taken.. I mean parang hindi na oo. Ang gulo kasi ni Maxine kaya pati ako nalilito.

"Ahm...It's not a guy po Mrs. Carson." Mahina kong tugon. Tumango tango naman siya.

"Stop calling me Mrs. Carson, it makes me feel old. You can just can me Mommy Tori like what you call Xianna." Nanlaki naman ang mata ko kagaya ng kay Mommy Xia na halatang shock din sa sinabi ng asawa niya.

Ohhhh Shit! Ibig sabihin ba nito ano...anoooo...

Binibigay na niya blessing niya sa akin bilang girlfriend ni Maxine!? Tangina hindi ko alam kung matutuwa ako or hindi, medyo tagilid pa kasi kami ng anak niya eh.

"Momma!!" React ni Maxine ng makabawi siya sa pag ka shock. Si Mommy Xia naman ay hinalikan sa pisnge ang asawa niya.

"What?" Walang emosyon na ulit nitong sagot kay Maxine na hindi maipinta ang muka.

"I know that we talked about this pero I didn't mean na ngayon na yun." Medyo pabulong na turan ni Maxine at bahagya akong tiningnan kaya napaiwas ako ng tingin.

"Nahh, dadating din naman yung time na yun kaya bakit hindi pa ngayon." Kibit balikat na tugon ni Mr-- este Momma kay Maxine.

Shit, bakit kinikilig ako?

"Tita Tiarra are you okay? Your face is really red po." Tawag sa akin ni Athena na mas lalo ko pang ikanapula. Humagikgik naman ang bata.

"Ahm... M-Mag papahangin lang po ako saglit sa labas." Dali dali kong paalam at lumabas na without waiting for their respond.

'Ayan landi pa Tiarra.'

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya napag pasyahan ko nalang na tumambay muna sa garden habang nag iisip ng palusot sa kanila pag balik ko para maka uwi na ako. Hindi naman sa ayaw kong mag stay kaso parang medyo awkward na mag kasama kami ni Maxine sa iisang lugar considering na hindi pa naman kami okay.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon