Chapter Sixty

5.5K 173 49
                                    

Tiarra's pov




"Please tell Tita Cleo that I'm really sorry dahil hindi ako nakauwi sa libing ni Miss Grace, love." I said and smile sadly at my wife.

Mag ka video call kami dahil andito ako Switzerland at inaayos ang mga papeles ni Athena para hindi na niya kailangang bumalik dito.

Dapat ay kasama ko si Maxine sa pag aayos nito pero dahil nga sa hindi inaasahang pang yayari ay kinakailangan niyang umuwi agad at ako nalang ang pinag ayos ng kailangan ayusin.

Alam ko naman din kung gaano kaimportante sa kaniya si Miss Grace kaya hindi na ako umangal at hinayaan na siyang umuwi.

Miss Grace is her best friend, her soulmate. Kaya naiintindihan ko kung bakit mas inuna niya iyon. Uuwi din dapat ako pero kailangan na kasi agad itong mga papeles ni Athena para mafinalize na ni Atty. Villafuerte and pag aampon ko kay Athena at maging legal na anak ko na din siya sa papel. Gusto ko pa sanang ilaban na totoo ko naman talaga siyang anak at hindi ko na siya kailngang ampunin pero mas magugulo pa at baka mastress lang ang mga bata dahil may possibility na kailangan din silang tanongin sa korte kaya hindi ko nalang ipinag patuloy.

Si Maxine din naman ang naging legal parent niya kaya ayos lang.

Kaya ayun, andito ako sa Switzerland para kuhanin nalang ang papers niya. Dito kasi siya lumaki at nag aral kaya andito lahat ng papers niya. Inayos ko iyong lahat at kinuha ang mga importanteng kailangan kuhanin para legal na taga pilipinas na siya. Naayos ko na kasi yung kay Apollo. Madali lang naman yung kaniya since sa pilipinas lang naman siya lumaki, yung legal parenting lang ang inasikaso ko sa kaniya dahil nga nagulo iyon nung pinalabas siyang patay ng magaling kong Tatay na hanggang ngayon ay hindi ko padin alam kung saang lupalop na ng mapa naroroon.

"It's fine baby, I'm sure naiintindihan naman ni Tita Cleo kung bakit wala ka dito. Pero kailan ka nga ba uuwi? Our kids miss you. I miss you." She respond and pouted her lips.

Napatawa naman ako. "One more day love, naayos ko nanaman lahat ng papers ni Athena. Nakapag pa book na din ako ng ticket pauwi mahal ko."

"Natapos mo na? Eh bakit bukas ka pa uuwi? Bakit hindi pa ngayon?"

"Hmm...I just have to do one more thing love." Sagot ko at bahagya siyang ngitian.

Napataas naman ang kilay niya. "Mang bababae ka ba kaya hindi ka ngayon umuwi?"

I laugh and shake my head at her. "No love. Bakit pa ako mambababae eh nasa akin na ang pinaka magandang babae sa mundo? Tsaka kasal na ako oh."

Itinaas ko pa ang kamay ko at ipinakita sa kaniya ang wedding ring naming dalawa. Napangiti naman siya bago tumango tango. "Good, dahil hindi ako mag dadalawang isip na sumunod sayo diyan para kaladkadin ka pauwi."

Jusko. Talagang misis ito.

"Mrs. Tiarra Carson?" Pag tawag sa akin nung babae na nakasuot ng police na uniform.

"Baby, I need to go. I'll you later kapag nasa bahay na ako ha. I love you, kiss our twins for me okay? Mwah." Pag papaalam ko.

"Okay, take care mahal ko. I love you too." She said before ending the call.

Tumayo naman ako at sumunod dun sa police na tumawag sa pangalan ko.

Iginaya niya ako papunta sa isang kwartong sarado at iniwan ako sa may labas nun.

Bago ko buksan ang pintuan ay huminga muna ako ng malalim.

Nang makapasok na ako ay agad na nakita ko ag babaeng nakayuko habang nakaupo sa harap ng bakanteng upuan. She seems lost.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon