Chapter Twenty Eight

5K 227 29
                                    

Tiarra's pov




"Bro, uwi mo ng buo yan ha." Saad ni Shishi at tinapik si Tyler sa balikat.

"I will." Ngiting ngiti namang tugon ng bisugong katabi ko. Sinundo na niya ako dito againts my decision.

"Pag yan may konting gasgas or galos, ipapatulfo kita!" Banta ni Tiffany na gusto pa atang kainin ng buhay si Tyler pero napigilan siya ni Sheen at Cyrille.

"Hehe, sige na alis na kayo." Alanganin na pag tataboy ni Cyrille samin habang awat awat parin si Tiffany.

"Alam mo masyado kang war freak, yung totoo babae ka ba?" Takang tanong ni Sheen kaya naka tanggap siya ng batok mula kay Tiffany.

"Babaeng gusto rin ay babae." Sabat ko at nakipag high five kay Shishi.

"Atleast hindi ako nag tatago sa cabinet." Balik pang aasar ni Tiffany kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bato, bato sa langit ang tamaan sana ay magalit." Pang aasar pa nito.

"Oh siya lakad na kayo, baka saan pa mapunta yang dalawa." Pag mamadali ni Cyrille samin ni Tyler.

"May sasakyan ba't mo kami pag lalakarin. Ayos ka din eh noh." Pilosopa kong sagot. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Gusto mong tayong dalawa ang mag umpisa?" Pananakot nito. Umiling iling naman ako habang natawa.

"Ahm.. Tiarra, baka ma late tayo. Lets go na?" Pukaw ni Tyler sa atensyon ko.

"Malelate? Bakit papasok ba tayo?" Pag bibiro sabay peace sign.

"Joke lang, tara na kasi nag sisimula ng mag bago isip ko. Parang mas gusto ko kasing matulog eh." Dagdag ko at nag dadalawang isip na sumakay sa kotse niyang kanina pang naka bukas ang pinto.

"Hala may isip ka? Shocking.." Rinig kong sagot ng kung sino. Nilingon ko kung sino ang baliw na nag sabi nun kaso saktong sinarado na ang pinto ng kotse.

I frown and roll my eyes. May pag ka bastos ang nag sara.

"So... San mo ako dadalhin?" Bored kong tanong kay Tyler na kaka pasok lang sa kotse.

"Secret po. Surprise po yun." Sagot nito at kinindatan pa ako bago paandarin ang sasakyan.

"I hate surprises." Sagot ko at walang ganang tumingin nalang sa bintana.

Ewan ko ba, bigla akong nawalan ng gana. Pero at the same time kinakabahan din ako, para akong na jejebs na naiihi na nasusuka. Basta, kakaiba yung feeling..

"Hey, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Tyler at marahang pinatong yung kamay niya sa hita ko.

I'm wearing black leggings and a matching crop top. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I will be okay if you remove your hands from my legs." Pag tataray ko dito.

I don't know what's wrong with me today but I'm really hot headed and super moody. Ayoko din ng may nahawak sa'kin bukod kay Max-- oh crap! Kaya nga ako pumayag nalang mag dinner sa labas para makalimutan ko siya.

Erased! Erased! Erased! Arrrggghh!

"S-sorry..." Nahihiyang paumanhin ni Tyler at inalis ang kamay niya sa hita ko.

"Sorry din.. Masyado lang mainit ulo ko." Sagot ko at bumuntong hininga.

"It's the time of the month?" Tanong nito at tumawa ng mahina.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon