Chapter Sixteen

5.8K 247 10
                                    

Tiarra's pov



Naka busangot ang mukha ko simula palang nang mag umpisa ang klase ko. Halos matapos na ang oras sa subject namin na ito ay wala paring pumapasok sa utak kong kahit ano sa tinuturo niya. Wala din ako sa mood makinig sa impakta na 'to, sumusurok ang dugo ko pag naaalala ko ang nakita ko kanina.

"Understood?" Tanong nito ng matapos siyang mag explain at inilibot ang pangingin sa buong classroom.

"Yes Ma'am." Sabay sabay na sagot ng mga kaklase kong kala mo may mga naintindihan.

"No more questions? Clarifications?" Muli niyang tanong at nag cross arms bago sumandal sa table niya.

Medyo napatitig ako sa dibdib niya ng sumilip ang alaga niya ng mag cross arms siya. Napababa ang tingin ko at sinipat ang kabuoan niya. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko at iniangat ulit ang paningin na pinag sisisihan kong gawin.

Maxine caught me and smirk. Namula naman ang pisnge ko at nag iwas ng tingin. Kahit kaylan impakta talaga.

"No Ma'am." Sagot ulit nila.

"How about you Miss Prescott? Do you have any questions?"

Ayan, nalintekan na. Nakita nanaman ako.

"No Miss." Iiling iling kong sagot.

"Are you sure?"

"Super, duper sure." Sagot ko at nginitian siya ng pilit.

"Great.. Can you repeat what I said about the activity?" Napalunok naman ako ng sunod sunod. Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.

"Ahm..why do I have to repeat it? Naintindihan naman po nila ah."

"Because I want you to repeat it." She responds and smirks again.

Arrrgghhh! Damn her and her fucking smirk.

Ilang minuto akong natahimik at naka tingin lang ng masama sa kaniya habang naka abang naman ang mga kaklase ko na walang kaalam alam sa pang aasar ni Maxine sakin.

"Well.. Are you just gonna stare at me Miss Prescott?" Saad nito at tinaasan pa ako ng kilay.

"Tsk.." Pabulong kong saltik at inirapan siya ng pasimple.

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung anong pinag sasasabi niya kanina. Wala ako sa wisyong makinig sa kaniya.

"Next time try to listen when I'm discussing the topic Miss Prescott and stop checking me out." She said with a smirk.

My jaw dropped and I felt my cheeks heat up.

'How dare she!'

I scoff. " I'm not chec--"

The bell rang interrupting me.

"You are all dismissed. Except for Miss Prescott, follow me to my office." Saad at lumabas na ng classroom namin kasabay ng mga estudyanteng nag si tayuan na din para lumabas.

Naiwan akong nakatingin sa pinto kung saan siya lumabas at hindi maka paniwalang napailing iling.

Kahit kaylan ang kapal talaga ng apog ng babaeng yun, jusko.

"Kung saan saan kasi napupunta yang mata mo. Ayan tuloy buking ka." Sabat ni Shishi sa tabi ko. Inirapan ko siya at pabalang na kinuha ang gamit ko.

Humanda ang babaeng yun sa'kin pag nakabawi ako. Lalo niya lang dinadagdagan ang pag ka inis ko sa kaniya.

"Isa ka pa, tumahimik ka kung ayaw mong 'yang mata mo ang dukutin ko." Banta ko dito at iniwan siya sa classroom para mag tungo sa office ni impakta.

Walang katok katok akong pumasok doon habang naka busangot ang muka at handa ng mag buga ng apoy.

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon