Chapter Six

6.5K 280 40
                                    

Tiarra's pov




"You what!?" Gulat na sigaw nila Shishi pag katapos ko ikwento sa kanila yung deal namin nila Miss Agenta.

"Shhh..wag nga kayong maingay." Saway ko sa kanila.

Nasa may school garden kami para hindi masyadong matao.

"Are you out of your mind? Bakit ka pumayag?" Tanong sa'kin ni Cyrille at binatukan ako.

"Aray! Pag mag tatanong walang kasamang batok!" Turan ko dito at hinimas ang parteng binatukan niya.

"Sorry, nadala lang ng emosyon ko." Saad nito at nag peace sign.

"Patayin kaya kita tapos sabihin ko nadala lang din ako ng emosyon." Tugon ko at umirap dito.

"Sorry na nga kasi eh.. Pero seryoso, bakit ka pumayag?" Napabuntong hininga naman ako.

"Wala akong choice, kasalanan ko din naman talaga eh."

"Technically may choice ka besh." Singit ni Sheen kaya napa tingin kami sa kaniya.

"Anong choice naman yun?" Tanong ko dito. Tiningnan niya kaming tatlo bago nag kibit balikat.

"Joke lang, wala ka talagang choice gusto ko lang makisingit." Turan nito kaya naka tanggap siya ng batok sa dalawa.

"Shutang ina naman eh, ang brutal niyo!" Reklamo nito.

"Utak mo nanaman kasi tumitibok na loka ka!" Turan ni Shishi at inirapan si Sheen.

"Tama na nga yan. Baka mamaya san pa mapunta yang away nyo eh." Saway ko at bumuntong hininga.

"So anong plano mong gawin ngayon?" Tanong ni Cyrille. Tiningnan ko siya at nag kibit balikat.

"I don't know..go with the flow, I guess.." Hindi ko siguradong tugon at iniiwas ang tingin sa kanila.

Nag karoon ng sandaling katahimikan bago ako nag salita ulit.

"Sa totoo lang, hindi ko din alam kung anong gagawin ko. I mean, madali lang naman mag panggap kasi nagagawa naman namin ng ayos eh. So bakit parang nahihirapan ako sa sitwasyon namin?" Tanong ko ng hindi man lang sila nililingon.

"Hmm..maybe because of her attitude? Hindi mo kayang sabayan yung kalamigan niya?" Sagot ni Shishi.

"Maybe.." Tanging tugon ko nalang.

"Or baka dahil babae siya?"

"I'm straight, walang malisya kung babae siya." Kibit balikat kong tugon.

Alam kong hindi yung attitude niya at hindi din dahil sa babae siya ang pinoproblema ko, pero hindi ko din matukoy kung ano.

Don't get me wrong, Miss Agenta is really drop dead gorgeous kaya kahit siguro straight maiinlove sa kaniya. But not me though, I'm just doing it for the deal.

"Or because someone or something is holding you back." Turan ni Shishi kaya napalingon agad ako sa kaniya.

"Shi..."

Nag katitigan kami na parang nag uusap sa mata bago siya bumuntong hininga at nag iwas ng tingin.

"I see.. Isa siya sa rason kung bakit ka tumakas sa inyo. Dahil gusto mo siyang hanapin. Not just because you don't want to marry that arrogant jerk. " Saad nito at umiling iling sa'kin.

Hindi ako nag salita dahil alam kong wala akong masasabi para pag takpan ang katotohanan..


*-*-*-*

A Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon